TAHIMIK na napakunot-noo si Amanda habang pinagmamasdan si Easter Santiago.. Sadya ba iyon o nagkataon lang? Wala naman silang alitan. Wala rin naman siyang nagawang masama rito. Kaya bakit tila pakiramdam niya ay sinadya siyang ipahamak ng babae?Habang nag-iisip siya ay bigla niyang naramdaman ang isang matinding titig. Pag-angat niya ng ulo ay eksaktong nagtama ang mga mata nila ni Jonathan. May init ang paraan ng pagtitig nito sa kanya. Hindi man lang ito kumukurap habang titig na titig sa kanya.Ngunit bago pa mapansin ni Easter na nakatingin si Jonathan sa kanya ay mabilis na siyang umiwas ng tingin. “I’ll go to the restroom first,” ani niya kay Yna, Mabilis siyang tumalikod ngunit bago pa siya makalayo ay bigla siyang tinawag ni Easter.“Miss Fernandez!”Napahinto si Amanda kaya wala siyang choice kundi lumingon muli. Nakita niyang nakayakap pa rin si Easter sa braso ni Jonathan habang magkasabay silang naglalakad papunta sa kanya.“Miss Fernandez, it’s really you!” masayan
더 보기