Share

CHAPTER 35

Author: YORMI
last update publish date: 2026-06-16 21:08:36

AVERY POV

Mabigat ang hangin sa loob ng maliit na guest room. Buong gabi akong nakatitig sa kisame, nakikiramdam sa bawat kaluskos sa labas. Maraming beses kong narinig ang marahang yabag ni Sandro sa tapat ng pinto ko, humihinto nang matagal, parang nag-aalinlangan kung kakatok bago din dahan-dahang aalis. Masakit sa dibdib, pero kailangan ko ng distansya. Kailangan kong protektahan ang sarili ko mula sa mga tanong na alam kong magpapagulo lang lalo ng isip ko ngayon.

Alas-sais pa lang ng um
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The CEO's Unexpected Heir   CHAPTER 54

    AVERY POV Tiningnan ko si Secretary Ramos habang maingat niyang inilalapag ang mga dokumento sa ibabaw ng glass table sa sala. Naka-business suit pa rin siya, maayos ang pagkaka-pusod ng buhok, at walang bakas ng pagod kahit halatang nanggaling pa siya sa traffic ng Makati. Siya lang ang bukod-tanging pinagkakatiwalaan ni Sandro sa labas ng pamilya Tallano kapag ganitong mga usapin na ang nakataya. Ganito na ba talaga ang buhay ko mula ngayon? Napahawak ako sa braso ng sofa habang pinapanood sila. Mula sa malaking mansyon, lumipat sa safehouse sa Antipolo, at ngayon, narito naman sa isang luxury condo sa BGC. Kahit gaano kaganda at kamahal ang lugar na 'to, hindi ko pa rin maalis sa isip ko na para lang akong pusa na inililipat ng hawla tuwing may panganib. At ang mas nakakainis, wala akong magawa kundi sumunod dahil dala-dala ko ang anak namin. "Sir Sandro, nirebisa ko na rin po 'yung kontrata na iniwan ni Atty. Santos kagabi," mahinang sabi ni Secret

  • The CEO's Unexpected Heir   CHAPTER 53

    AVERY POV Narinig ko ang mahinang kaluskos ng sapatos ni Sandro sa sahig habang maaga pa lang ay gising na siya para i-check ang perimeter ng bahay kasama si Gabriel. Nakatingin lang ako sa kisame, nakikinig sa bawat yabag ng paa niya hanggang sa bumukas at sumara ang pinto sa ibaba. Hindi na naman ako nakatulog nang maayos pagkatapos ng pagbisita ng abogado ni Mariana kagabi. Ang daling nawala ng kapayapaan na akala ko ay nahanap na namin dito sa Antipolo. Bumangon ako nang dahan-dahan, hinawakan ko ang tiyan ko na medyo matigas na naman dahil sa stress. Kung tutuusin, pwedeng-pwede kong buksan ang bag ko ngayon, kunin ang flash drive na itinatago ko pa rin, at panoorin kung anong meron doon. Pero natatakot ako. Natatakot ako na kapag nalaman ko ang ibig sabihin ng abogado tungkol sa toxicological report ni Samuel, baka hindi ko na kayang tingnan si Sandro kahit kailan. Ano ba talaga ang totoo, Sandro? tuwing titingnan ko siya, pilit kong hinahanap 'y

  • The CEO's Unexpected Heir   CHAPTER 52

    AVERY POV Naramdaman ko ang biglang pagtigas ng katawan ni Sandro sa tabi ko habang nakatitig kami sa puting sasakyan na pumarada sa driveway ng safehouse. Nawala agad ang kanina lang ay kalmado at masayahing Sandro na nagwawalis ng mga tuyong dahon sa bakuran. Bumalik sa isang kurap ng mata ang seryoso at malamig na CEO ng mga Tallano. Ayan na naman. Parang kasasabi ko lang kanina na gusto ko ng kapayapaan kahit tatlong araw lang, pero heto, mukhang mabilis kaming nahanap ng mga problema mula sa Maynila. Hindi ko alam kung bakit pati rito sa Antipolo ay nagagawa kaming sundan ng mga tauhan ni Mariana. Mas lalo akong napahawak sa tiyan ko nung makita ko ang lalaking bumaba mula sa backseat. Naka-business suit siya na gray at may bitbit na makapal na brown envelope. Abogado ni Mariana. Paano nila nalaman 'tong lugar na 'to? Naramdaman ko ang kaunting takot sa dibdib ko, pero kasunod niyon ay ang matinding inis. Napagod na ako sa ga

  • The CEO's Unexpected Heir   CHAPTER 51

    SANDRO POV Tiningnan ko ang puting kahon ng gamot na abot-abot ni Gabriel sa akin sa tabi ng gate. Nakasulat doon ang pangalan ng vitamins ni Avery, 'yung pampakapit na madalas niyang inumin bago matulog. Tama si Salve, sa tindi ng pagmamadali naming umalis sa mansyon kahapon dahil sa mga itim na sasakyang umaali-aligid, naiwan nga namin ito sa ibabaw ng side table ng guest room. Buti na lang talaga maingat si Salve, bulong ko sa sarili ko. Pero may bahagi sa akin ang hindi mapakali. Paano nalaman ng drayber ni Mama kung nasaan kami? Sinabi ko kay Salve na sabihing nasa opisina ako sa Makati kung may maghahanap. Ibig sabihin, may nakatunog pa rin sa naging ruta ng sasakyan ko, o sadyang masyadong mabilis kumilos ang mga tauhan sa paligid ng pamilya ko. Pitong taon ko nang pilit na binabantayan ang bawat sulok ng buhay namin mula nung mawala si Kuya Samuel, pero hanggang ngayon, pakiramdam ko ay laging may isang hakbang na nauuna ang mga kalaban sa akin

  • The CEO's Unexpected Heir   CHAPTER 50

    AVERY POV Amoy mainit na pandesal at sariwang gatas ang gumising sa akin bago pa man tumama ang sikat ng araw sa bintana ng kwarto. Masarap ang gising ko ngayon. Walang bigat sa dibdib, walang kabog sa puso na parang may naghihintay na masamang balita pagkapindot ng phone. Sa nakalipas na dalawang araw dito sa Antipolo, nakabuo na kami ni Sandro ng sarili naming maliit na routine na malayo sa toxic na buhay sa Maynila. Nilingon ko ang sahig sa gilid ng kama. Gaya ng dati, nakatupi na nang maayos ang kumot at unan ni Sandro. Naririnig ko ang mahinang kalantog ng mga plato sa ibaba, kasunod ng boses niya na parang may kinakausap sa pinto. Dahan-dahan akong bumangon, inayos ang maluwag kong duster, at lumabas ng kwarto. Pagbaba ko sa sala, nakita ko si Sandro na isinasara ang main door habang may bitbit na brown paper bag at isang bote ng gatas na may takip na tela. "Oh, gising ka na pala," nakangiting bati niya nung mapansin ako sa dulo ng hagda

  • The CEO's Unexpected Heir   CHAPTER 49

    AVERY POV Sinalubong ko si Gabriel ng isang malaking ngiti nung iabot niya ang paper bag kay Sandro. Kung alam niya lang kung gaano kalaki ang space na kinakain ng crispy pata at pansit sa listahan ng mga paborito kong pagkain ngayon, baka linggu-linggo siyang magdala rito. Amoy pa lang ng tustadong balat ng baboy mula sa supot, nagwawala na naman ang baby sa tiyan ko. "Salamat, Gabriel. Sakto 'to, parang ayaw ko na ring magluto uli ngayong gabi," natatawang sabi ni Sandro habang tinutulungan akong tumayo mula sa picnic blanket. Pinagpagan niya ang likod ng duster ko nang may pag-iingat, na parang gawa ako sa mamahaling bubog na pwedeng mabasag sa konting kalat. "Walang anuman, Sir, Ma'am. Sige po, maiwan ko na muna kayo rito para makakain nang mainit," tugon ni Gabriel bago mabilis at tahimik na lumabas uli patungo sa kaniyang pwesto sa harap ng bahay. Pumasok kami sa loob at dumeretso sa kusina. Habang inililipat ni Sandro ang pansit sa isan

  • The CEO's Unexpected Heir   CHAPTER 11

    AVERY POV ​Narinig ko ang mahinang pag-click ng pinto pagkalabas ko ng banyo. Sumilip ako sa upuan sa gilid ng cabinet. Wala na si Sandro, pati 'yung coat niya na nasa sahig kanina, nakuha na rin niya. Mukhang naintindihan naman niya na gusto ko munang mapag-isa. ​Humiga ako sa kama pero hindi ko

  • The CEO's Unexpected Heir   CHAPTER 8

    AVERY POV Hindi na ako nakabalik sa tulog pagkatapos ng huling sinabi ni Sandro sa balcony. Bumalik lang ako sa kama, nagkumot, at nakatitig lang sa dilim hanggang mag-alas-sais ng umaga. Ang gulo-gulo ng utak ko. Ano ba talaga ang pinasukan ko? ​Akala ko noong una, simple lang ang usapan—magpa

  • The CEO's Unexpected Heir   CHAPTER 5

    AVERY POVBiyernes. Ordinaryong araw lang sa labas—mainit ang sikat ng araw at abala ang mga tao sa kani-kanilang buhay. Pero sa loob ng opisina ng mayor sa Taguig, parang tumigil ang oras para sa akin.Nakatayo ako sa harap ng salamin sa maliit na lounge, tinitingnan ang sarili ko. Hindi ako naka-

  • The CEO's Unexpected Heir   CHAPTER 4

    AVERY POVMuntik na akong madapa sa silver heels na 'to pagbaba ko ng hagdan. Ang taas masyado, parang balak yata akong pilayin ni Sandro bago pa man kami makarating sa dinner. Hawak-hawak ko ang railings habang dahan-dahang bumababa, tinitiis ang hapdi sa likod ng sakong ko.Nasa baba ng hagdan si

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status