LOGINKakaibang mga tingin ang sumalubong kay Sean nang bumalik siya sa sala matapos ihatid si Rain sa kusina."What?" naiirita niyang tanong habang isa-isang sinusulyapan ang mga kaibigan.Tinapik siya ni Theodore sa balikat."Sean... who's that girl?" hindi makapaniwalang tanong nito.Kanina, napaaga ang pag-alis niya matapos makatanggap ng text mula sa isang hindi kilalang numero. Nagpakilala itong kliyente at nag-aya ng meeting sa isang Maid Café na malapit lamang sa hotel condominium.Ngunit pagdating niya roon, isa na namang mensahe ang natanggap niya. The client had suddenly cancelled the meeting and asked to reschedule it for another day due to an emergency. Wala siyang nagawa kundi bumalik sa condo. Pagdating niya, nadatnan na niya ang mga kaibigan. Hindi na niya kailangang hulaan kung sino ang may pakana. Si Zander."S-She's... my maid." Nag-aalangan niyang sagot.Katulad ng naging reaksyon ni Zander noong una, halos sabay-sabay ding napaawang ang mga bibig ng mga kaibigan niya."
Bitbit ni Rain ang mga grocery bags habang naglalakad sa maluwang na hallway ng condominium. Ilang hakbang na lamang at mararating na niya ang unit na tinitirhan ni Sean nang mapansin niya ang isang matandang babae na tahimik na nakatayo sa tapat ng pinto.Bahagya siyang huminto at pinagmasdan ito. The old woman looked sophisticated and elegant. Nakasuot ito ng mamahaling sunglasses at may scarf na maayos na nakabalot sa ulo kaya hindi niya maaninag nang husto ang mukha nito. Gayunpaman, kahit nababalot na ng edad ang kabuuan nito, hindi maikakailang isa itong napakagandang babae.Nagtaka siya nang makitang tila nag-aalinlangan itong pindutin ang doorbell. Ilang sandali itong nakatayo roon bago tuluyang tumalikod at pumasok sa katapat na unit.Napakunot-noo si Rain.Weird... May kung anong misteryo ang matandang babae na hindi niya maipaliwanag. Hindi na niya iyon pinansin at ipinagpatuloy ang paglalakad. Pagdating sa pinto ay pinindot niya ang security code sa digital door lock. Hind
"Loko ka!" inis na saad ni Sean habang walang awang binatukan ang kaibigan. "Patapusin mo muna ako sa sasabihin ko."Humalakhak si Zander habang hinihimas ang batok."Fine, fine. Go ahead."Humigop muna siya ng kape bago niya ikinuwento ang tungkol sa kasunduan nila ni Reinne, kung paano ito naging all-around maid kapalit ng isang kontratang pareho nilang napagkasunduan.Nang matapos siya, napailing si Hunter habang nakangisi."Whoa... You're really smart, Sean."Napasandal siya sa sofa at walang emosyong tumitig sa kisame."How I wish I could find a girl willing to become my maid too." Natatawa itong napailing. "No... a slave would be even better. Papagurin ko siya mula umaga hanggang gabi."Tinapunan niya ito ng masamang tingin saka siniko."Stop it."Nagkibit-balikat lamang ang kaibigan."Akala ko talaga girlfriend mo siya." Napabuntong-hininga ito. "Akala ko himala na at nagkaroon ka na rin ng interes sa babae."Hindi na lamang siya sumagot."Tsk." Ipinatong niya ang tasa sa cente
Kinabukasan...Nagising si Sean sa sunod-sunod na malalakas na katok sa pinto. Dahil malapit lang sa pintuan ang Cleopatra sofa na tinulugan niya kagabi, agad siyang naalimpungatan.Inaantok pa siya. Halos tatlong oras pa lamang siyang nakakatulog matapos ang magulong nangyari kagabi. Nag-aatubili man, napilitan siyang bumangon nang marinig na lalo pang lumalakas ang pagkatok.Sinulyapan niya ang wall clock. Alas-sais pa lang ng umaga. Napabuga siya ng hangin bago inis na lumapit sa pinto at binuksan iyon.Gaya ng inaasahan, ang pamilyar na mukha ng kaibigan ang bumungad sa kanya."Bakit ang tagal mong magbukas? Kanina pa ako naiihi. Gusto ko nang magbanyo!" reklamo nito habang diretsong pumasok sa unit na para bang sarili nitong bahay.Hindi na siya nito binigyan ng pagkakataong magsalita. Tahimik niya lamang itong sinundan ng tingin habang nakasandal sa gilid ng pinto ng banyo.Maya-maya ay narinig niya ang boses nito mula sa loob."Bakit ba iisa lang ang banyo ng condo unit mo?" re
Alisto si Sean habang dahan-dahang lumalapit sa lalaking nakahandusay sa sahig. Nang makalapit siya, mabilis niyang sinunggaban ang kuwelyo ng polo nito at marahas itong ibinaling paharap. "Who are you?" galit na tanong ni Sean habang mahigpit ang pagkakahawak sa kuwelyo nito. "Oi... Sean..." paos na saad ng lalaki, halatang kagigising lang. "I can't breathe..." Halos hindi na ito makahinga sa higpit ng pagkakahawak niya. Nanlaki ang mga mata ni Sean nang tuluyang makita ang mukha nito. "Dammit! What are you doing in my unit?" iritado niyang tanong bago marahas itong binitawan. "May tinataguan lang ako," sagot ng lalaki habang pilit na tumatayo. "Dito muna ako, puwede ba?" "You're drunk." Napangiwing saad niya nang maamoy ang matapang na alak sa hininga nito. "Umuwi ka na." "Hindi puwede. Sigurado akong hina-hunting na ako non. Baka nga nasa bahay ko na siya ngayon." Napailing ang lalaki habang pilit na pinapanatili ang balanse. "Damn! I should change my door lock. You're tur
Naalimpungatan si Rain dahil sa mahinang kaluskos na nagmumula sa kung saan. Pakiramdam niya ay alas dos na ng madaling-araw. Nagkaroon na rin ng kuryente, kaya natitiyak niyang mahimbing nang natutulog si Sean sa loob ng silid nito. Dahan-dahan siyang bumangon mula sa sofa at binuksan ang dim light. Tahimik niyang pinakiramdaman ang paligid ngunit wala na. Hindi na niya muling narinig ang mga kaluskos. Weird... Napakibit-balikat na lamang siya bago muling humiga sa sofa at ipinikit ang mga mata. Sayang naman ang panaginip niya. Napakaganda pa naman. Nasa isang napakagandang isla raw siya kasama ang isang napakaguwapong lalaki. At gaya ng dati... Ipinagpatuloy ng kanyang isip ang naudlot na panaginip. Magkahawak sila ng kamay habang naglalakad sa tabing-dagat. Marahang hinahampas ng maliliit na alon ang kanilang mga paa habang magkahinang ang kanilang mga mata. Huminto ang guwapong lalaki at dahan-dahang humarap sa kanya. Marahan nitong hinaplos ang kanyang pisngi. Unti-unt
Natagpuan ni Kianna ang sarili na naglalakad sa gilid ng kalsada nang walang tiyak na direksyon. Malamig ang hangin ng gabi ngunit hindi niya iyon maramdaman dahil mas nangingibabaw ang sakit na bumabalot sa dibdib niya ng mga sandaling iyon. Ayaw pa nga sana niyang umalis sa restaurant kung hind
“Oy, grabe ka naman. Baka kung ano na naman ang iniisip mo,” natatawang sabi ni Gigi. Sinansala kaagad ang namumuong ideya sa isipan niya. “Pinagpanggap ko lang naman siyang nobyo ko para pagselosin si Calvin.” dagdag nito. "Puwede iyon?" manghang tanong niya. Bahagya itong tumawa sa reaksyo
“Miss!” Agad na napalingon si Kianna sa lalaking tumawag sa kanya. “Ano?!” matalim niyang sagot. Bahagyang napaatras ang lalaki, tila nagulat sa taas ng boses niya, parang handa siyang manakmal ng kahit sino. Pero wala siyang pakialam. Sira na nga ang araw niya, nadagdagan pa ng kayabangan
Humahangos na bumaba ng taxi si Kianna at halos takbuhin na ang gusaling pinagtatrabahuhan niya. Lunes na lunes ay late na siya. Paano ba naman, buong gabi niyang hinintay ang pagdating ni Preston kahit isang tawag man lang o simpleng paghingi ng sorry, wala. Ni anino nito ay hindi niya nakita.







