Nagpaiwan muna kaming tatlo ng mga kapatid ko kay Gelo sa office. Kanina pa kami tahimik. Iniisip ang lahat. Naalala ko ang nakaraan namin ng kapatid kong si Grace. N A K A R A A N "Bakit naman ako sasama sa 'yo kuya? Ang alam ko hindi ka naman maasahan eh," sabay tawa ni Grace. "Aba, grabe ka naman mag-isip sa kuya mo. Hindi 'yan totoo ah. Isa pa, gusto mong libutin ang mundo 'di ba? Gusto mong tumugtog sa iba't ibang lugar. Gusto mo rin tumugtog sa taas ng bundok. Kasi gusto mong makita ang magagandang tanawin. Kaya naman, pagbibigyan ko ang makulit kong kapatid. Balang araw isasama kita lumibot sa lugar kung saan mo gusto." Hinimas ko ang kaniyang buhok. "Sige na nga." Labis ang tuwa sa mga labi namin sa panahon 'yon. Kung pwede ko lang sana ibalik ang oras. Hindi ko hahayaan na maging ganyan ang lagay ng kapatid ko ngayon. Hindi ko hahayaan na maghirap siya. Maya-maya pa, nagsalita si Jayson. "Kailangan natin humanap ng paraan para mapalapit kay Grace. Sa mga sin
더 보기