Hindi ko alam kung kailan nagsimulang magbago si Lucian. Dati, madali ko siyang basahin—sa bawat tingin, sa bawat kilos, at sa bawat salitang lumalabas sa labi niya. Ngunit ngayon, parang isa na siyang estrangherong nakatayo sa harapan ko. Mas malamig ang mga titig niya, mas mabigat ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Para bang may kung anong tinatago siya sa likod ng matitigas niyang mga mata. Napapansin ko ang maliliit na bagay—ang bigla niyang paglayo, ang pag-iwas sa mga tanong ko, at ang mga gabing hindi na siya umuuwi sa tamang oras. Noon, ako ang una niyang hinahanap. Ngayon, tila ako na ang huli niyang naiisip. Masakit isipin na unti-unti ko siyang nawawala, kahit nasa tabi ko pa siya. Ang dating init ng yakap niya ay napalitan ng lamig na hindi ko maipaliwanag. At sa bawat araw na lumilipas, mas lalo akong nilalamon ng takot. Takot na baka ang pagbabagong ito ang maging dahilan ng tuluyan naming pagkasira. Takot na baka sa likod ng katahimikan niya ay may katotoha
Read more