Hindi ko alam kung bakit ganoon kasakit. Hindi naman ako ang tipo ng babae na madaling magselos. Simula bata pa lang ako, natutunan ko nang huwag umasa sa mga bagay na hindi sigurado. Dahil kapag umasa ka, mas masakit kapag nawala. Pero ngayong nakaupo ako sa maliit na apartment ko habang nakatitig sa screen ng cellphone, pakiramdam ko unti-unting nadudurog ang puso ko. Nasa harapan ko ang isang artikulo. Isang artikulong ilang minuto ko nang paulit-ulit na binabasa kahit alam kong bawat salita roon ay parang kutsilyong tumataga sa dibdib ko. "Future Mrs. Stryker? Lucian Charles Stryker and Scarlett Santillanes Seen Together Again." Nanigas ang mga daliri ko. Hindi ko na mabilang kung pang-ilang beses ko iyong nakita ngayong araw. Kasama sa article ang iba't ibang larawan. Larawan ni Lucian. Larawan ni Scarlett. Magkatabi. Magkasama. At sa ilang litrato, parang masyado silang komportable sa isa't isa. Napapikit ako. Hindi. Hindi ito totoo. Kilala ko s
Read more