Mag-log inCloud SerravalleSeren is suffering from too much stress lately, lalo na at patuloy pa rin ang panggugulo ni Sienna sa akin. Ilang beses na akong nagpalit ng phone number para lang hindi niya ako matawagan at magulo pa, ngunit palaging nakakagawa ng paraan si Sienna para guluhin ako. Noong isang araw nga lang ay tumawag sa akin ang security guard ng village kung saan kami nakatira ngayon dahil sa panggugulo ng isang babae para lang alamin kung saan ang bagoong bahay ko. Mabuti na lang din at mahigpit ang seguridad sa subdivision nina Austine kaya hindi siya nagtagumpay na makapasok rito at manggulo.Dahil sa nangyayari ay minabuti kong ayain muna ang aking mag-ina sa Tagaytay para magbakasyon ng ilang araw. Sakto rin kasi na walang pasok si Cyrus sa Lunes dahil holiday ito kaya naman kaagad na pumayag si Seren.Ang usapan namin ay tatapusin ko lang ang trabaho ko ngayong araw ng Biyernes dito sa opisina para wala na akong kailangan pang alalahanin pa sa araw ng bakasyon namin kaya ito
Cloud SerravalleI was so furious after hearing Sienna’s lie.“Cloud, mag-usap naman tayo, oh. Please, Love, puntahan mo ako. We need to talk about us, lalo na ngayong magkakaanak na tayo,” umiiyak na sabi ni Sienna sa kabilang linya matapos kong sagutin ang kanyang tawag.“No…” madiing sagot ko sa kanya.I know that it is impossible that I will make her pregnant. I know to myself that it is impossible, especially with my condition. Kahit pa sabihin niyang noong gabing magkatabi kaming natulog sa condo ay may nangyari na, alam kong maging ang katawan ko ay hindi magtataksil kay Seren, dahil hindi lang puso ko ang tapat sa kanya; buong pagkatao ko ay kay Seren lang umiikot at wala nang iba.“It’s impossible… it’s not my child, Sienna,” patuloy na sabi ko rito bago ko tuluyang ibinaba ang tawag.Paglingon ko sa kinaroroonan ni Seren ay kaagad ko namang nakita ang kanyang mukhang gulat na gulat, kung kaya mabilis akong lumapit sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay.“Mahal… what you’re
Seren Evangeline Del ValleNagawa naming pakalmahin si Cyrus matapos naming malaman ang buong pangyayari kung bakit siya nakipag-away. Nakausap na rin namin ang magulang na sinasabi niyang si Jojo na noong una ay galit na galit dahil sa ‘injury’ daw na natamo ng kanyang anak, ngunit nang panoorin namin ang CCTV at napatunayan naming ang anak niya ang nanguna sa away na iyon, ay bigla rin naman kumalma. Lalo na nang magpakilala si Cloud bilang CEO ng Serravale Real Estate kung saan ang ama pala ng bata ay engineer sa isang branch ng nasabing kumpanya.Habang nasa biyahe kami pabalik sa shop ni Mika ay masaya na ring nagkukwentuhan ang dalawang bata sa aming likuran, ngunit tila si Cloud naman ang hanggang ngayon ay puno pa rin ng galit ang sistema dahil sa nangyari kanina lang.“Hey, mahal, can you please calm down and relax? Okay na, 'di ba? Nakausap na natin ang bata at ang magulang nito. Maging ang school principal nga ay nakausap na rin natin at nangakong hindi na mauulit ang nangy
Cloud Serravalle“What happened here?” kunot-noong tanong ko pagkapasok ko sa coffee shop ni Mika. Dito ko kasi iniwan si Seren kanina bago ako pumunta sa opisina para sa ilang dokumento na kailangan kong pirmahan. Mabuti na nga lang at wala doon si Daddy kanina dahil kung nagpang-abot kami ay baka magkasagutan na naman kaming dalawa.Isang malalim na buntong-hininga naman ang pinakawalan ni Mika bago nito iniabot sa akin ang isang fresh mango shake na kanyang ginawa.“Wala naman, may asungot lang na dumating kanina,” taas-kilay na sabi pa niya, dahilan upang mapadako ang tingin ko kay Seren na nakaupo sa aking harap. Muli ring bumalik si Mika sa kusina kung kaya naman ay malaya kong natanong si Seren ang tunay na nangyari kanina.Pagdating ko kasi sa coffee shop ay kakaibang katahimikan na kaagad ang bumungad sa akin at maging ang mga staff sa shop ay tila ba natatakot din, kaya naman hindi ko na rin naiwasang magtanong kung ano ba ang kaganapan noong wala ako.“Anong nangyari sa kai
Seren Evangeline Del ValleKapalubog na ng dilim nang umalis si Tita Carlita. Ayaw pa nga niyang umuwi noong una dahil nalilibang siya sa pagbabantay at pakikipaglaro kay Cyrus, ngunit nang tumawag na sa kanya si Tito Benjamin ay wala na rin siyang nagawa.Inihatid lang din namin siya ni Cloud sa may labas ng aming bahay at bago umalis si Tita ay nangako pa itong muling babalik sa amin.“Mama, umalis na si Lola?” inusenteng tanong ni Cyrus habang sinusuklay ko ang kanyang buhok.Kakatapos lang din kasi niyang maligo at ngayon ay naghahanda na rin kami sa aming pagtulog.“Yes, anak. Kailangan kasing umuwi ng Lola dahil may sarili siyang bahay, kagaya nina Ninang Mika at Ela,” mahinahon kong paliwanag sa kanya.Kapansin-pansin namang gumuhit ang kakaibang lungkot sa kanyang mukha dahil sa aking sinabi.“Hindi siya pwedeng dito sa bahay na lang natin, Mama? O ako na lang po ang pupunta sa bahay nila? Gusto ko pa po kalaro si Lola eh,” malungkot na tanong pa niya.Sakto naman na kakalabas
Cloud Serravalle“Seren… Cloud?” magkasabay kaming napatingin ni Seren sa aming likuran dahil sa pagtawag ng kung sino sa amin.Sa aking paglingon ay ganoon na lang ang aking gulat nang makita si Mommy habang tulak-tulak pa ang cart sa kanyang harap.Nang masiguradong tama nga ang hinala niyang kami ang kanyang nakita ay mabilis niya ring iniwan ang kanyang mga dala at kaagad na lumapit sa aming pwesto.“What are you two doing here? Saka bakit kayo magkasama?” magkasunod na usisa niya sa amin habang marahan kaming hinihila sa pinakasulok na bahagi ng department store kung nasaan kami.Binilinan din niya ang kanyang bodyguard na si Kuya Raul na siyang pinakapinagkakatiwalaan ni Mommy, na pigilan ang mga kasamahan niya na puntahan ang lugar kung nasaan kami. Nang sa gayon ay makausap niya rin kami nang masinsinan nang dalawa.“Anong ginagawa niyong dalawa rito?” muling tanong ni Mommy.“A-ano po kasi T-tita—” uutal-utal na ani ni Seren at tila ba hindi niya rin alam ang kanyang sasabihi
Seren Evangeline Del ValleAlas-siyete pa lamang ng gabi ay nag-iimpake na ako. Mabigat man sa aking loob pero nang maisip ko ang sinabi ni Mika na mas mabuti pa ngang pumunta ako sa party ni Austin kaysa naman ang lalaki pa ang pumunta rito ay agad ko ring tinanggap ang imbitasyon niya. Mas nangib
Seren Evangeline Del Valle"O, friend, problema mo? Para kang inahing manok na hindi mapaitlog diyan," puna ni Mika nang makailang ulit akong nag paroo’t parito sa kanyang harapan.Mika is my college friend. Pero hindi gaya ko na nagmula sa maykayang pamilya noon, Mika is the opposite of it. She ca
Cloud SerravalleHalos magkadugtong na ang aking mga kilay dahil sa dami ng trabahong nakatambak ngayon sa aking mesa. Hindi ko na rin alam kung alin ba ang aking uunahin dahil sa magkakahalong mga dokumento na ngayon ay nasa aking harapan na mas lalo pang nagpainit sa aking ulo.Dalawang linggo na
Seren Evangeline Del ValleIsang linggo na rin mula nang bumalik ako sa Pilipinas kasama ang anak ko, pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong mahanap na matinong trabaho kaya naman napaisip ako kung tama bang desisyon ang ginawa ko.Mula sa kusina ay muli naman akong pumunta sa sala matapos kong







