LOGINNakailang tingin na si Zion sa kanyang relo habang hinihintay ang bestfriend ng ate niya, kanina pa silang naghihintay sa western restaurant na ni-reserve nila.
“Ang tagal naman ng kaibigan mo, ate. Darating pa ba yun?” Hindi na nakatiis na tanong ni Zion sa kanyang ate.
“Darating yun. Maghintay pa tayo, maaga pa naman.”
“Mga ilang oras pa? Nagwawala na ang mga alaga ko sa tiyan, baka hindi na sisipot yang kaibigan mo ate.”
“Hindi basta nagca-cancel ng plano yun na walang valid reason, saka nagsasabi yun kung sakaling hindi makakarating.”
Makaraan ang isang oras, nakatanggap ng message ang ate ni Zion, agad nito iyong tiningnan. Naghihintay naman si Zion nang update, iniisip na baka ang hinihintay nilang kaibigan ng ate niya ang nag-message. At mukhang hindi nga siya nagkamali, nagsalubong kasi ang kilay ng ate niya at medyo nalungkot.
“See? Tama ako ‘no? She stood us up?”
Masama ang tinging ipinukol ng ate ni Zion sa kanya.
“Shut up. Mag-order kana ng pagkain, pupunta pa tayo sa condo ng bestfriend ko pagkatapos.”
“Tayo? Bakit nasama ako? Sabi mo no boys aloud at allergic sa mga lalaki yung kaibigan mo na yun?”
“Masama daw ang pakiramdam nito kaya nag-cancel ng lakad namin, pati nga yung pag-sleepover ko sa place nito ay pinapa-reschedule niya. But I’ll still go to check on her, mag-isa pa naman yun kaya nag-aalala ako.”
“Mas concern ka pa sa kaibigan mo kapag nagkakasakit kaysa sa sarili mong kapatid.”
“Oh, come on, Zion River. Stop being dramatic again, order any food you want. My treat, so seal your mouth with food already.”
“Ang bilis magbago ng temper mo,” naiiling na kumento ni Zion. “Oorder ako ng marami, ready your wallet.”
Hindi na pinansin si Zion ng kanyang ate, abala ito sa ka-chat na kaibigan kaya nag-order nalang siya ng pagkain nila. Sigurado siyang uuwi silang busog hanggang kinabukasan.
…
Pagkatapos nilang mag-dinner ay nagpahatid ang ate ni Zion sa bahay ng kaibigan nito. Tiningnan ni Zion ang building kung saan nakatira ang kaibigan ng kanyang ate. Condominium unit yun sa Makati, mukhang safe naman ang lugar at may maayos na facility. Ayaw niya rin kasing iwan ang ate niyang hindi nakaka sigurado sa kaligtasan nito.
“Where do you think you’re going?” Tanong ng ate ni Zion nang makita siyang bumaba rin ng sasakyan.
“Sasama sa ‘yo? Hindi ba’t kaya ka nagpahatid sa akin dito ay para samahan kang i-check ang kaibigan mo?”
“Baliw ka ba? Sinabi ko na ngang allergic sa mga lalaki yun, tinatamad lang akong mag-taxi kaya nagpahatid ako sa ‘yo.”
“Ah, so driver lang talaga ang role ko para sa ‘yo?”
Lumambot ang ekspresyon ng ate ni Zion nang mahimigan ang pagtatampo niya.
“Pinakain na nga kita ng kahit anong gusto mo ‘di ba?” Paglalambing nito. “Pinili ko lang yung safer method, you know, sobrang ganda ng ate mo kaya baka matipuhan pa siya ng driver at anong gawin sa kanya.”
Natawa nalang si Zion sa tinuran ng ate niya.
“Gandang ganda kana naman sa sarili mo, kailan ka ba titigil sa ilusyong ‘yan? Umakyat kana nga dun, hihintayin kitang makapasok sa building bago umalis.”
Lumapad ang ngiti sa labi ng ate ni Zion. Kumuha ito ng pera sa dalang bag at inabot kay Zion.
“Here. Idagdag mo sa allowance na binibigay ni mommy at daddy, yung pasalubong ko ay iniwan ko sa room mo.”
Nagliwanag ang mukha ni Zion, masayang tinanggap ang perang binigay ng kanyang ate.
“Ano bang swerte ang mayroon ngayong araw? Umuulan ng pera.”
“Umuulan ng pera? What do you mean? May iba pa bang nagbigay sa ‘yo ng pera bukod sa akin?”
Natigilan si Zion sa tanong ng ate niya.
“Ah, wala yun, ate. May tinulungan lang akong babae kahapon, tapos nagbigay siya ng pakunswelo daw para sa pang-aabala sa akin.”
“Okay?” Nag-aalinlangang wika ng ate ni Zion. “Just make sure na sa mabuting paraan nanggagaling ang pera mo ha, huwag kang gagawa ng illegal para lang magka-pera. If you ever need money o kinakapos ka ng allowance, sabihan mo lang ako.”
“Yes, ma’am.” Sumaludo pa si Zion sa ate niya na ikinatawa nito.
“And tell me kapag nagka-girlfriend ka, kikilalanin kong mabuti bago mo pakasalan.”
“Ate naman, ang bata bata ko pa, kasal agad? Hindi pa nga ako graduate ng college.”
“Zion, hindi ko naman sinabing magpakasal ka agad kapag nagkaroon ka ng girlfriend. Ang ibig ko lang sabihin ay kapag nag-girlfriend ka dapat yung seryoso na, hindi yung pang-laro laro lang, hanapin mo yung matino at may future. Gaya ko at nang bestfriend ko, kami ang gawin mong basis sa pagpili ng babae.”
“Bakit hindi mo nalang ipakilala sa akin yang bestfriend mo, ate? Malay mo mag-click kami.” Natatawang biro ni Zion, masyado na kasing seryoso ang tinatakbo ng usapan nila.
“Wala pa sa isip no’n ang pagkakaroon ng boyfriend ulit, pini-pressure na nga yun ng parents niyang mag-asawa pero mahirap pa kasi since may trauma pa siya sa past relationship niya.”
“Sige na nga, ate. Puntahan mo na ang bestfriend mo, late na rin baka mapano ka pa.”
“Iniiwasan mo lang makinig sa kwento ko, eh. Oh siya, mag-iingat ka sa pagda-drive pauwi, okay?”
Tumango si Zion at nginitian nalang ang kanyang ate. Hinintay pa niyang makapasok ito sa building at mawala sa paningin niya bago bumalik sa kanyang sasakyan para umuwi.…
Tinatamad na tumayo si Honey nang marinig ang doorbell sa pinto, naisip niya baka yun na ang kanyang order. Ngunit nagulat siyang sa halip na delivery guy ay ang bestfriend niyang si Vera ang napagbuksan.
“Vera? Anong ginagawa mo dito? Hindi ba’t sabi kong next time ka nalang mag-sleepover dito sa place ko?”
Inirapan lang siya ni Vera.
“Nag-alala lang ako sa ‘yo. Alam kong mag-isa ka lang dito at sinabi mong masama ang pakiramdam mo, kaya nagdala ako ng pagkain at gamot para sa ‘yo.” Itinaas ni Vera ang dalang paper bag na may lamang take out food at gamot na dinaanan nila sa drugstore kanina.
“Oh my gosh, Vera. Nakakahiya naman sa ‘yo, kauuwi mo lang pero naabala kana.”
Binuksan ng maluwag ni Honey ang pinto para makapasok ang kanyang kaibigan. Naupo sila sa magkabilang side ng long sofa.
“Ngayon ka pa talaga nahiya? Ang tagal na nating mag-kaibigan at ginagawa ang mga bagay na ‘to.”
Ihiniga ni Honey ang ulo sa sandalan ng sofa, nanghihina talaga siya simula kaninang umaga pagkauwi niya. Nagsisisi siyang dinamihan ang inom kahapon.
Napabalikwas siya ng bangon nang muling may mag-doorbell sa pinto. Pero bago pa man siya makalapit sa pinto ay nauna na ang bestfriend niya, madali siyang tumayo at tumakbo sa gawi ni Vera. Sinubukan niyang agawin ang plastic bag na hawak nito pero huli na ang lahat, nasilip na nito ang laman ng plastic.
“Ano ‘to? Bakit umorder ka ng pregnancy test?”
Namutla si Honey nang mahuli ni Vera.
“Wala ‘yan. Mali lang sila ng na-deliver, baka wrong address.”
Tumaas ang isang kilay ni Vera.
“Maloloko mo ang lahat pero hindi ako, Honey. Tell me, what happened? I know na broken hearted ka at hindi pa nakaka-move on sa ex-boyfriend mo. Sino ang nakatalik mo?” Naningkit ang mata ni Vera habang kinakastigo si Honey.
Huminga naman ng malalim si Honey at ikwinento ang nangyari.
“Ano?! Walanghiyang lalaking yun!” Galit na bulalas ni Vera matapos malaman ang nangyari sa kaibigan. “Gusto mo bang ipahanap ko siya sa kapatid ko at ipaligpit?”
“Magtigil ka nga, Vera. Para namang may magagawa ang kapatid mo, eh nasa college palang yun. Isa pa ayoko ring makalabas muna ang tungkol dito, baka mawalan ako ng trabaho at lisensya.”
Natigilan si Vera at nakaramdam ng awa sa kaibigan.
“Oo nga pala. Paano ‘yan kapag totoong buntis ka? Saan mo hahanapin ang lalaking yun? Sa tingin mo pananagutan ka no’n at pakakasalan? Hindi ba yun lang ang way para hindi masira ang career mo?”
Nagpakawala ng malalim na buntong hininga si Honey. Iyon pa nga ang isang problema niya, ni hindi siya nakakuha ng kahit isang information sa lalaki. Sobrang stress din kasi niya nang araw na yun kaya hindi na siya nakapag-isip ng maayos. Paano niyang hahanapin ang lalaki kung sakali ngang buntis nga siya?
Pagpasok palang ni Zion sa coffee shop kung nasaan ang mga kaibigan niya, agad siyang pinagkaguluhan ng mga ito. Bahagya pa siyang napaiwas kay Earl at nandidiring tiningnan ito nang sobrang lapit nitong animong plano pang halikan ang leeg niya.“Anong ginagawa niyo?” Inis na tanong niya at naupo nalang sa pang-isahang upuan para walang makalapit sa kanya.“Ang bango mo kasi, man. Nagbago ka ba ng pabago?Kumunot ang noo ni Zion, inamoy niya ang damit niya at natigilan. May kaunting amoy ni Honey ang damit niya, marahil dahil nagtagal siya sa office nito at naupo pa sa upuan nito. Totoong masarap sa ilong ang pabango ni Honey, tila gusto nakaaadik…at ayaw nalang niyang maligo mamaya.“Guys, tingnan niyo yung babaeng kapapasok lang. Iyong nasa counter.” Napako ang atensyon nilang apat sa counter area nang marinig ang sinabi ni Gabriel.Sa kalayuan ay isang matangkad, sexy, at magandang babae ang kasalukuyang umoorder ng kape. Agad niya ng naalala ang babae, ito yung senior na nagpa-add
Napapalunok si Zion habang tahimik at seryosong binabasa ni Honey ang pinasa niyang tula dito. Ni wala siyang nakikitang reaksyon sa mukha nito, kaya naman mas lalo siyang hindi mapakali.“What is this?”Napaayos ng tayo si Zion nang marinig ang boses ni Honey ng unang beses simula nang ipasa niya ang pangalawang entry niya ng tula.“May mali pa rin? Sigurado akong hindi ko ‘yan kinopya at walang forbidden love sa mga sinulat ko ngayon.” Agad na depensa ni Zion sa sarili.Nag-angat ng mukha si Honey, kunot na kunot ang noo nito.“Is this for an ex-lover? Sobrang lalim, maganda siya at mukhang malalim ang pinaghugutan. Have you been broken before?”Napakurap si Zion nang walang masamang kumento na lumabas sa bibig ni Honey, sa halip ay pure curiosity lang.“Hindi pa ako nagkakaroon ng girlfriend simula noon.” Nahihiyang pag-amin ni Zion. “Ikaw palang ang una ko—”“Enough. Hindi ako naniniwalang never ka pang nagkaroon ng girlfriend, eh halos araw araw kang napapalibutan ng mga babae.”
Mabilis na nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Honey nang pagpasok ni Zion sa klase niya kinabukasan ay may inilapag itong sampung bond paper sa harap niya. Nang tingnan niya naman ito ay may proud na ngisi ito sa mukha."Ayan na ang sampung poem na hinihingi mo, walang pandaraya...kahit ipa-billboard mo pa." Mayabang na wika ni Zion.Bumaba ang tingin ni Honey sa tulang tinukoy ng lalaki, binasa niya ng pahapyaw ang unang tula. Saka siya naguguluhang tiningnan si Zion."Saang website at sinong hindi kilalang writer ang ninakawan mo ng emosyonal na piece na 'to? O baka naman nagbayad ka pa ng gagawa para sa 'yo nito?"Ang mahangin at mayabang na aura ni Zion kanina ay biglang nawala, nalukot ang mukha nito at hindi makapaniwalang tumingin kay Honey."Ganyan na ba kababa ang tingin mo sa akin? Kahit ipa-check mo pa 'yan kay Albert Einstein, original work ko 'yan. Palibhasa wala kang emosyon kaya siguradong hindi mo kayang sumulat ng emosyonal na tula." Pahaging pa ni Zion."Excuse me? I
Katatapos lang ng klase ni Honey nang maalala niya ang lalaking iniwan sa kanyang opisina.“Kumusta na kaya ang loko na yun?” Mahinang bulong niya habang naglalakad pabalik ng opisina niya. “Masyado bang mahirap ang pagawin ko siya ng anim na tula?”Biglang nakaramdam ng kaunting guilt si Honey nang maisip na medyo napasobra siya sa pinagawang tula kay Zion, naisip niyang mag-order nalang ng pagkain para sa kanilang dalawa bilang pampalubag loob dito.“Huy, ano ‘yan? Mukhang hindi ka sasabay sa aking kumain, oorder ka nalang…at mukhang may iti-treat ka pa.” Usyoso ni Professor Gianna, nakisilip pa ito sa cellphone ni Honey.“Ikaw talaga, Professor Gianna. Hindi ba uso sa ‘yo ang privacy?” Mabilis na itinago ni Honey ang cellphone.“Ikaw naman, parang palaging bago. Saka hindi naman privae ‘yang ginagawa mo, umoorder ka lang naman ng pagkain para sa dalawa. Not unless…” Suminghap ito, napatakip pa ng bibig na animo gulat na gulat. “Yung ka-date mo ay estudyante, ano?”Nagsalubong ang k
Ilang minuto na ang nakakalipas ngunit ang tanging nagagawa palang ni Zion ay makipagtitigan sa papel na nasa harap niya, paminsan minsan ay napapatingin siya sa gawi ni Honey na tila walang pakialam sa kanya. Dalawa silang nasa loob ng opisina nito pero parang nasa magkaibang mundo sila.“Wala ka bang klase ngayon, Professor Honey?” Hindi na makatiss na tanong ni Zion, bigla siyang nabuhayan ng pag-asa nang tingnan ni Honey ang schedule board nito.“I still have five minutes, kumusta ang ginagawa mo?” Baling ni Honey sa ginagawa ni Zion, alam niyang wala pang nagagawa ang lalaki dahil pa-sikreto niyang pinapanood ito. Ngunit gusto niyang subukan kung magsasabi ito ng totoo.“Patapos na ako, baka nga hindi pa umabot ng alas dose.” Mayabang na saad nito, hindi tuloy maiwasan ni Honey na mapangisi.“Hindi ko alam na gano’n ka pala ka-dedicated sumulat ng tula. Pwede ko bang i-check na ang mga nagawa mo?”Natigilan si Zion. Bigla siyang nakaramdam ng panlalamig at kakaibang kaba sa mapan
Nakakabinging katahimikan ang namayani sa pagitan nina Zion at Honey, ngunit ramdam ni Zion ang tensyon sa matatalim na tingin ni Honey.“Ano bang ginagawa mo dito, a-ate?”Muling naningkit ang mga mata ni Honey.“Nasa school tayo, call me professor or else…”Napalunok si Zion. Pilit niyang pinapatapang ang sarili kahit kanina pang nanginginig ang tuhod niya sa takot.“Ano bang ginagawa mo dito sa dorm ko, Professor Honey? Huwag mong sabihing gusto mong maulit yung nangyari sa atin sa hotel? Hindi naman sa nagpapakipot ako, pero masyado pang maaga at hindi ka ba malalagay sa alanganin kapag nahuli kang pumapatol sa estudyante mo?”Namilog ang mata ni Honey, hindi makapaniwalang tumingin kay Zion.“A-Ano?! Gusto mo bang…” pumikit ng mariin si Honey at huminga ng malalim. “Nevermind. Follow me in my office now.”“P-Pero?” Nag-kunwaring umubo si Zion. “Totoong masama ang pakiramdam ko.”Matalim ang tinging ipinukol dito ni Honey, napaatras si Zion nang magtangka itong lapitan siya.“A-an
Kasalukuyang naglalaban si Zion at ang mga kaibigan niya sa natitirang slice ng steak, nakahanda na ang lahat sa pakikipagdigma para sa isang piraso ng steak nang umugong ang bulungan. Pare-pareho silang napalingon sa paligid at natuon ang atensyon sa pinagkakaguluhan ng ibang estudyante.“Wow! Ang
Pagdating ni Zion sa boy’s dormitory ay naroon na ang isa sa mga kaibigan niyang si Earl, maliit at payat ito kaya hindi masyadong pansinin ng babae.“Sino yung kausap mo kanina?” Tanong ni Earl kay Zion na kapapasok lang at kasalukuyang inilalapag ang mga dalang gamit.“Schoolmate lang na nanghihi
Paalis nalang sila nang maka-receive ng tawag si Vera. Pagbalik nito ay hindi maganda ang timpla ng mood nito.“Nakakainis naman yung boss ko, on vacation pa rin ako pero gusto daw akong ma-meet today dahil may importante itong sasabihin.”“Baka urgent. Puntahan mo na muna, you can use my car.” Suh
Nang makarating sa corner kung saan walang tao ay buong pwersang hinila ni Honey ang kamay ni Zion at marahas na isinandal nito ang lalaki sa pader. Dahil sa pagkabigla at hindi inaasahang pangyayari ay mabilis na natangay si Zion.“What the heck did we just do? I slept with a student and…my sister







