ANMELDENCHAPTER 89Nang tuluyan ng makaalis ang doktor na tumingin kay Athena ay hinarap naman ni Michelle ang kanyang kaibigan.“Magsabi ka nga sa akin ng totoo, Athena. Kung buntis ka ay sino ang nakabuntis sa’yo? May asawa ka ba?” sunod sunod naman na tanong ni Michelle kay Athena.Napatitig naman si Athena kay Michelle at saka siya nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga. Hindi kasi niya sinabi sa mga ito na may asawa na siya at ang sinabi lang niya sa mga ito ay gusto lang niyang magbakasakali sa ibang bansa kaya siya naroon na totoo rin naman talaga.“A-Ang totoo nyan Mich… m-may asawa na talaga ako sa Pinas pero h-hiwalay na kami,” pag amin ni Athena rito. “P-Pasensya na kung hindi ko kaagad sinabi sa inyo dahil gusto ko na rin sanang makamove on kaya mas pinili ko na ilihim sa inyo ang bagay na yun,” dagdag pa niya.Dahan dahan naman na tumango si Michelle kahit na nagulat din talaga siya sa pag amin na iyon ni Athena. Naiintindihan din naman niya ito lalo na at personal na bu
CHAPTER 88Makalipas naman ang ilang oras ay unti unti na ngang nagkakamalay si Athena. Dahan dahan pa nga niyang iminulat ang kanyang mga mata at nagtataka pa siya dahil hindi niya alam kung nasaan siya ngayon. Ang huli kasing natatandaan niya ay nasa opisina siya at nagtatrabaho.“Mabuti naman at nagising ka na. Pambihira ka Athena… pinakaba mo ako roon. Akala ko kung ano na ang nangyari sa’yo,” daldal ni Michelle ng mapansin niya na gising na si Athena. “Kumusta ang pakiramdam mo? Okay ka na ba?” tanong pa niya.“N-Nasaan ako?” tanong naman ni Athena.Bumuntong hininga naman si Michelle at saka siya lumapit lalo kay Athena.“Nasa ospital tayo. Nawalan ka ng malay sa opisina kanina kaya dinala ka na namin dito sa ospital. Bakit ba kasi hindi ka nagsasabi kung masama ang pakiramdam mo? Okay lang naman na umabsent ka dahil naiintindihan naman nila kung may sakit ka. Hindi naman ito kagaya sa pinas na kahit may sakit ay kailangan pumasok at kahit may bagyo ay kailangan din pumasok sa t
CHAPTER 87Mabilis naman na lumipas ang isang buwan at ngayon nga ay mayroon ng trabaho si Athena. Halos tatlong linggo na rin siyang nagtatrabaho roon at mabuti na lamang talaga at may mga pinoy na naroon kaya natulungan siya na makahanap kaagad ng trabaho.Isang buwan na rin ang nakalilipas simula ng umalis si Athena ng bansa at manirahan mag isa sa Canada. Kahit papaano ay nakakapag adjust na siya roon at nasasanay na rin siya na mag isa lamang siya. Paminsan minsan ay nakakaramdam din naman siya ng lungkot at normal na lang din naman iyon dahil malayo nga siya sa mga mahal niya sa buhay.At ngayon nga ay abalang abala si Athena sa mga paperworks sa kanyang lamesa. Office staff ang trabaho ni Athena ngayon mabuti na lamang din talaga at natapos niya ang kanyang pag aaral bago siya magpasaway sa kanyang magulang.“Ayos ka lang ba, Athena? Bakit parang namumutla ka yata?” hindi na napigilan na tanong ni Michelle kay Athena ng mapansin niya ang pamumutla nito.Si Michelle ang naging k
CHAPTER 86“Hindi na rin ako magtatagal. Aalis na rin ako. Pinuntahan lang talaga kita para kumustahin at hindi ko naman akalain na sa ganitong sitwasyon pala kita madaratnan,” sabi pa ni Timothy at saka siya tumayo at ipinatong sa lamesa ang hawak niyang alak. “Ayusin mo yang sarili mo. Pansamantala ay hayaan muna natin si Athena dahilbaka gusto talaga muna niyang mapag isa. Unahin mo na munang tapusin yang mga nakabinbin mong trabaho dahil mas malaking problema lapag yang kumpanya mo ang bumagsak. At kapag ayos ka na pati na rin anf kumpanya mo ay magtutulungan tayo na mahanap si Athena para maayos na natin kung anoman yang problema nyo na yan,” pagpapatuloy pa niya at saka soya naglakad papunta sa pintuan ng silid ni Lucas.Nasundan na lamang naman ng tingin ni Lucas ang kanyang kaibigan at nang muli nga itong humarap sa kanya ay seryoso rin naman siyang napatitig dito.“Alam ko na nag aalala ka para sa anak ko at kagaya mo ay ganoon din naman kami ng aking asawa pero hindi naman p
CHAPTER 85“Kelan ka pa natutong magpakalunod sa alak ng ganyan? Sa pagkakakilala ko sa’yo ay kayang kaya mong kontrolin ang sarili mo pagdating sa pag inom ng alak. Pero bakit tila yata ngayon ay wala ka na sa sarili mo at hindi ka na makilala dahil sa ginagawa mong iyan,” seryoso naman na sabi ni Timothy habang naglalakad nga siya papalapit kay Lucas na nakasalampak ng upo sa sahig habang may hawak na bote ng alak.Nanatili lamang naman si Lucas sa kanyang kinauupuan at hindi na rin nita tiningnan pa kung sino ang nagsalita na iyon dahil boses pa lamang nito ay kilalang kilala na niya ito. “Ano ba ang nangyayari sa’yo Lucas? Ano yang ginagawa mo sa sarili mo? Hindi ka naman dating ganyan. Nang dahil ba yan kay Athena? Tsk. Talaga bang napamahal na sa’yo ang anak kong pasaway?” naiiling pa na sabi ni Timothy nang hindi pa rin nagsalita si Lucas.Napabuga naman ng hangin sa kanyang bibig si Lucas at saka siya tumingin kay Timothy.“G*go ka ba? Ikaw ang naglagay sa akin sa sitwasyon k
CHAPTER 84Sa kabilang banda naman. Makalipas ang halos isang linggo matapos na umalis ni Athena ay hanggang ngayon nga ay hindi pa rin pumapasok si Lucas sa kanyang kumpanya. Namomroblema na nga ang sekretarya nito dahil tambak na talaga ang trabaho nito lalo na ang mga papeles na kailangan nitong pirmahan.“Good morning, Janice. Nariyan ba si Lucas?” tanong ni Timothy na kararating lamang sa opisina ng kanyang kaibigan.“Good morning din po sir Timothy. Ahm… wala pa rin po si sir Lucas,” magalang naman na sagot ni Janice rito.“Himala ata na late siya pumasok ngayon. Hindi naman ugali ng isa na yun ang ma-late sa trababo,” sagot ni Timothy.“Ahm… a-ang totoo po nyan sir Timothy ay halos mag iisang linggo na po na hindi pumapasok si sir Lucas. Tambak na nga po ang trabaho nya at hindi ko na po alam kung paano ko po ito mapapapirmahan sa kanya,” sagot naman ni Janice na problemado na sa mga papeles na nakabinbin sa opisina ni Lucas.“What do you mean?” kunot noo naman na tanong ni Tim
CHAPTER 7FLASHBACK……Abalang abala noon si Lucas sa mga papeles na nasa kanyang lamesa ng biglang dumating ang kanyang matalik na kaibigan na si Timothy na mainit ang ulo ng mga oras na iyon.“Ano na naman ang dahilan ng pag init nyang ulo mo?” seryoso na tanong ni Lucas kay Timothy.Huminga naman
CHAPTER 3Naging maayos naman ang naging reception ng kasal nila Lucas at Athena. Hanggang sa isa isa na rin nga na nag aalisan ang kanilang mga bisita roon kaya naman nagpasya na rin sila na umalis doon at naiwan na lamang doon ang ilang tauhan ni Lucas para magbantay sa ilan pa nilang mga bisita.
CHAPTER 2Pagkarating ng bagong kasal sa reception nila ay ni hindi man lang tinitingnan ni Athena si Lucas dahil totoong naiinis siya rito dahil sa sinabi nito kanina sa kanya at bukod pa roon ay bigla rin siyang nakaramdam ng pagkailang dito.Sa totoo lang ay napakagwapo naman talaga ni Lucas at
CHAPTER 1ATHENA MADRIGAL“I now pronounce you husband and wife. You may now kiss the bride.”Mga salitang ayaw pang marinig ni Athena pero wala na siyang magagawa pa dahil nasa harapan na siya ngayon ng altar at opisyal ng sinabi ng pari na sila ay kasal na ni Lucas Infante ang matalik na kaibigan







