로그인SOFIAPagbalik ko sa department namin ay agad akong dumiretso sa mesa ko. Hindi ko na kailangang magmadali dahil wala naman akong ibang kailangang puntahan. Inilapag ko ang hawak kong mga dokumento sa mesa bago ako tuluyang naupo sa swivel chair ko. Hindi ko namalayang may maliit na ngiti pa rin pala sa labi ko habang inaayos ko ang ilang gamit sa ibabaw ng mesa.Hindi ko naman sinasadya. Siguro dahil lang sa mas maayos ang naging usapan namin ni Andrew kumpara sa inaasahan ko. Akala ko kasi pag-akyat ko sa opisina niya ay panibagong sermon na naman ang maririnig ko tungkol kay Jinu at sa mga sinabi nito. Hindi ko rin inaasahan na pag-uusapan namin nang ganoon katagal ang tungkol sa akin at sa nararamdaman niya.Kahit pilit kong pinapakalma ang sarili ko, hindi ko talaga napigilang ngumiti habang binubuksan ko ang computer."Uy."Napalingon ako kay Janella na nakaupo sa kabilang mesa."Ano?""Ngumingiti ka na naman diyan!”Agad kong hinawakan ang labi ko."Ha? Hindi ah.""Oo kaya. Nak
ANDREWHindi ko agad nasagot ang tanong ni Sofia. Nakatingin lang siya sa akin habang hinihintay ang sagot ko. At sa ekspresyon ng mukha niya ay halatang gusto niyang marinig mismo sa akin kung ano talaga ang dahilan kung bakit parang naging kakaiba ang pakikitungo ko sa kanya nitong mga nakaraang linggo. Hindi ko siya masisisi dahil kung ako rin ang nasa posisyon niya at narinig ko ang sinabi ni Jinu tungkol sa pagiging anak niya ng isang kasambahay, malamang ganoon din ang maiisip ko.Huminga ako ng malalim bago ko siya hinarap nang maayos."Hindi kita ikinahihiya, Sofia. Kung iyon ang iniisip mo dahil sa sinabi ni Jinu kanina, mali iyon. Alam kong may mga taong ganoon mag-isip at alam kong may mga pagkakataong ganoon din ako noong una kitang nakilala, pero habang tumatagal at mas nakikilala kita, napagtanto kong mali talaga ang naging tingin ko sa iyo. Hindi ko dapat pinagbasehan ang trabaho ng mama mo o ang buhay na kinalakihan mo para husgahan kung anong klaseng tao ka."Malungko
ANDREW NAGKATINGINAN kaming dalawa ni Sofia. At nakita ko sa kanya ang labis na pagtataka. Matalim kong tiningnan si Jinu. Nakangisi siyang nakatingin sa amin. “Sa tingin ko, kailangan ko ng umalis.”Nagmamadaling lumakad paalis si Sofia at ako naman humarap kay Jinu.“Ano sa tingin mo ang ginagawa mo, Jinu?”“Hindi ba ikaw ang dapat kong tanungin ng ganyan? Sinabi mo sa akin na nakakainis ang babaeng iyon dahil mayabang at parang hindi ka itinuturing na amo. Pagkatapos maaabutan ko kayo sa ganyang eksena? Ano ang nangyayari sa iyo, Andrew? Huwag mong sabihin nagpapauto ka na sa babaeng iyon?”“Oo sinabi ko nga iyon pero nagkamali ako. Hindi ko dapat hinusgahan si Sofia at pinagsisisihan ko ang mga pinagsasabi ko.”“What? Bakit? Dahil ba nagkakagusto ka na sa babaeng yun? Dahil ba nahuhulog ka na sa kanya? Hindi ka ba nahihiya sa sasabihin ng ibang tao kapag nalaman nila nahulog ka sa isang empleyada? O anak ng isang kasambahay?”“At ano naman kung isa siyang empleyado sa kumpanyang
SOFIAKINABUKASAN, HINATID ko ulit si mama patungo sa mansyon ng Bowles. Ayos lang kasi sa kanila kahit hindi stay in si mama. Sobrang bait talaga ng mag-asawa at wala akong masabi sa kanilang dalawa. Pagkapasok ko pa lang ng gate, natanaw ko na kaagad si Lily doon. Hindi na rin naman ako magtataka kung bakit siya nandito dahil kaibigan ang mga magulang nilang dalawa at magkababata sila. “Mama…maiwan ko na po kayo dito. Kapag maaga akong nakauwi ulit, susunduin kita. Basta maghintay lang po kayo sa akin dito. Kapag lumagpas na ng ala syete, umuwi na po kayo.”“Okay sige, anak. Ingat ka sa byahe.”Tipid akong ngumiti bago lumakad na. Ngunit paglabas ko ng gate, laking pagtataka ko nang makitang nakapamaywang si Lily. Mukhang hinintay niya pa talaga akong makalabas.“Ang galing mo rin talaga, ano? Hinahatid-sundo mo ang mama mo para makita mo si Andrew dito. Ang galing din ng naisip mo,” halata sa boses niya ang inis.Napakamot ako sa aking ulo at pagkatapos ay matamis siyang nginitia
SOFIAMAKALIPAS ANG TATLONG ARAW, naging normal na ulit ang takbo ng trabaho sa Étoile Maison. Wala nang nangyaring kakaiba sa opisina at wala na ring pagkakataong nagkita kami ni Lily. Sa totoo lang, mas gusto ko na rin iyon. Ayoko nang makipagtalo pa sa babaeng iyon dahil pakiramdam ko ay wala rin namang mangyayari kahit magpalitan pa kami ng isang daang salita. Pareho lang kaming hindi magpapatalo.Pagsapit ng alas singko ng hapon ay natapos ko na rin ang lahat ng reports na ipinagawa sa akin. Nagpaalam muna ako kina Janella at Zid bago lumabas ng opisina."Sofia, uuwi ka na ba?" tanong ni Janella."Hindi pa. Dadaan muna ako sa mansion nila Ma'am Eve. Susunduin ko si Mama.""Araw-araw mo na ba siyang sinusundo?""Hindi naman. Kapag maaga akong nakakalabas, sinusundo ko siya. Mas kampante kasi ako kapag magkasama kaming umuuwi.""Tama lang iyon," sabi ni Janella. "Mas okay na rin na may kasama siya sa biyahe."Tumango lang ako bago tuluyang nagpaalam sa kanila.Hindi naman kalayuan
SOFIA Kinabukasan, maaga akong bumangon dahil sinabi ni Mama na sasabay na lang daw siyang umalis sa akin. Gusto ko kasi siyang ihatid sa mansion ng pamilya Bowles para kahit papaano ay makasiguro akong maayos siyang makakarating. Habang kumakain kami ng almusal ay hindi ko pa rin maiwasang paalalahanan siya. "Ma, tandaan mo ang sinabi mo sa akin kagabi. Kapag napagod ka, magpapahinga ka agad. Huwag kang mahihiyang sabihin kina Ma'am Eve kapag masama ang pakiramdam mo." Napangiti siya habang umiinom ng kape. "Naku, anak. Pang-ilang beses mo na bang sinabi iyan simula kagabi?" "Kahit isang daang beses ko pang sabihin iyan, uulitin ko pa rin." "Ang kulit mo talaga." "Natural. Ikaw na lang ang pamilya ko. Siyempre mag-aalala ako." "Hindi mo na kailangang mag-alala. Sinabi ko na sa oyo, hindi naman mabigat ang trabaho ko roon." "Oo na po. Pero gusto ko pa ring marinig na inuulit mo." Napailing siya bago ngumiti. "Sige na nga. Kapag napagod ako, magpapahinga ako. Kapag masama ang
EVE CASTRO "Nasaan na kaya siya?" bulong ko sa sarili. Mag-aalas dose na ng gabi ngunit gising pa rin ako sa loob ng napakalaking mansion ng mga Bowles. Sa sobrang katahimikan ay halos marinig ko na ang sarili kong paghinga habang nakaupo sa mahabang dining table na para bang isa lamang akong bi
EVEDalawang araw na ang lumipas mula nang tuluyan kong iwan ang mansion ng mga Bowles. Ngunit hanggang ngayon ay pakiramdam ko ay hindi pa rin tuluyang nagsisink in sa akin ang lahat ng nangyari. Para bang napakabilis ng mga pangyayari na minsan, naiisip kong baka panaginip lang ang lahat at magig
EVEMABILIS na dumaan ang isang buwan. Maaga akong nagising nang araw na iyon na may kakaibang pakiramdam sa katawan ko. Ilang araw ko nang nararamdaman ang madalas na pagkahilo at mabilis na pagkapagod. Pero hindi ko iyon masyadong pinansin dahil inisip kong baka dala lang iyon ng stress at puyat
EVE Maghapon kong iniwasan ang sarili ko sa loob ng mansion dahil pakiramdam ko, lalo lang akong nalulunod sa katahimikan kapag nandoon ako. Sa bawat sulok ng bahay na iyon ay may alaala ng paghihintay, ng pag-asa at ng paulit-ulit na pagkadurog ng puso ko. Kahit gaano pa ito kalaki at kaganda, hi







