EVELumipas ang ilang araw matapos ang press conference at tila mas naging payapa ang buhay naming mag-anak. Maaga akong pumasok sa opisina ng Étoile Maison dahil may ilang koleksiyon pa kaming kailangang aprubahan bago ilabas sa susunod na buwan. Gayunpaman, hindi ko na kailangang magmadali katulad noon dahil halos araw-araw ay sinasamahan na ako ni Denzel. Kapag wala siyang meeting ay dinadala pa niya si Andrew sa opisina upang sabay-sabay kaming mananghalian.Ngayon ay nakaupo ako sa maliit na receiving area ng opisina habang pinagmamasdan ang mag-ama. Nakaupo si Andrew sa carpet habang abala sa pagbuo ng malaking robot gamit ang building blocks na dinala ni Denzel. Ang asawa ko naman ay nakaupo sa tabi niya at halatang seryoso pang tinutulungan ang anak namin."Daddy, mali po iyan," natatawang sabi ni Andrew habang inaayos ang pagkakabit ng isang piraso."Hindi iyan mali. Mas maganda lang ang style ni Daddy.""Hindi po. Tingnan ninyo, natumba."Natawa ako habang pinagmamasdan sila
続きを読む