로그인SOFIASINUBUKAN kong itinulak ang dibdib niya ngunit para bang wala siyang balak na bitawan ako. Mas lalo pa niyang idinikit ang noo niya sa gilid ng ulo ko habang mahina siyang bumuntong-hininga. Ramdam na ramdam ko ang mabilis niyang paghinga at ang malakas na tibok ng puso niya. Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon ang reaksyon niya. Kanina pa ako naghahanda sa isip ko na baka pagalitan niya ako dahil sa nakita niyang kasama ko sina Janella at Zid sa street food stall, pero heto siya ngayon, niyayakap ako na para bang matagal kaming hindi nagkita."Andrew..." mahinang tawag ko habang muli ko siyang sinubukang itulak. "Ano ba? Bitiwan mo muna ako. Baka may biglang pumasok dito. Kapag may nakakita sa atin, ano na lang ang iisipin nila? Dapat hindi mo ako niyayakap ng ganito.”Hindi niya agad sinagot ang sinabi ko. Sa halip ay mas humigpit pa ang pagkakayakap niya sa akin na para bang natatakot siyang mawala ako kapag binitiwan niya. Ilang segundo pa ang lumipas bago ko narinig an
SOFIADalawang araw ang lumipas mula nang makita ako ni Andrew na kumakain ng street food kasama sina Janella at Zid. Dalawang araw ding halos wala kaming naging maayos na pag-uusap.Paminsan-minsan ay nagkakasalubong kami sa hallway o sa elevator, ngunit hanggang tinginan lang kami. Hindi na siya muling nagyakap o nang-asar katulad noong araw na iyon. Sa una ay gumaan ang pakiramdam ko dahil kahit paano ay nakakahinga ako nang maayos sa opisina. Ngunit habang tumatagal, may kung anong kakaibang pakiramdam ang unti-unting gumugulo sa isip ko.Hindi ko maintindihan kung bakit tila hinahanap ko ang pangungulit niya.“Hindi…dapat maging masaya na lang ako kasi hindi siya nangungulit,” bulong ko sa sarili.Napailing ako sa sarili kong iniisip habang abala sa pag-aayos ng ilang dokumentong kailangan kong ipasa bago mag-uwian."Sofia."Napalingon ako nang marinig kong tinawag ako ng isa sa mga staff mula sa executive floor."Yes po?""Pinapatawag ka ni sir Andrew sa opisina niya."Parang b
SOFIANagkatinginan muna kami ni Janella bago sabay na napatingin kay Zid. Nakangiti lang siya habang hawak ang isang folder na halatang kagagaling lang sa kabilang departamento. Hindi katulad ni Andrew na palaging may kung anong pilyong tingin, si Zid ay palaging kalmado at magaan kausap. Siguro iyon din ang dahilan kung bakit komportable ang halos lahat ng empleyado sa kanya."Sofia," tawag niya ulit nang mapansing natulala ako. "Mukhang ang layo yata ng iniisip mo."Agad akong napakurap."H-ha? May sinabi ka ba?""Sabi ko, may itatanong sana ako kung puwede.""Ah... oo. Ano iyon?"Napakamot muna siya sa batok bago bahagyang natawa."Huwag mo sanang isipin na istorbo ako. Naisip lang namin nina Mark at Leo na matagal na rin tayong magkakasama sa opisina pero hindi pa tayo halos nagkakasama sa labas. Kaya naisip naming dumaan mamaya sa may kanto pagkatapos ng trabaho. May bagong street food stall doon na sabi nila masarap daw ang mga ihaw at kwek-kwek. Baka gusto mong sumama."Hindi
SOFIAPagbalik ko sa mesa ko ay pilit kong inayos ang mukha ko na para bang walang nangyari. Hindi ko puwedeng hayaang mapansin ng iba na halos mawalan ako ng ulirat dahil lang sa isang yakap at ilang salitang binitiwan ni Andrew. Ilang beses akong huminga ng malalim habang binubuksan ang computer at isa-isang inaayos ang mga dokumentong nakapatong sa mesa ko. Ang akala ko, sapat na ang pagpapanggap para magmukha ulit akong normal.Nagkamali ako.Hindi pa man tuluyang nagbubukas ang monitor ay naramdaman ko nang may matang nakatitig sa akin. Nang iangat ko ang ulo ko ay nadatnan kong nakahalukipkip si Janella habang nakangisi. Hindi siya kumikibo. Tinitingnan niya lang ako na para bang may nahuli siyang malaking sikreto."Ano?" kunot-noo kong tanong.Sa halip na sumagot ay lalo pa siyang ngumisi. Bigla tuloy akong kinilabutan sa paraan ng pagngiti ng kaibigan ko. Kapag ganito kasi ang ngiti niya alam kong ma iniisip na naman siyang kalokohan. "Ano nga?" ulit ko."Sofia, pwede ba ako
SOFIA Kinabukasan, gusto ko na lang talagang magtalukbong ng kumot at matulog buong araw. Pagdilat ko pa lang ng mga mata ko, agad nang bumalik sa isip ko ang mga nangyari nitong mga nakaraang araw. Napabuntong-hininga ako habang nakatitig sa kisame. Wala talaga akong ganang bumangon, lalo na ang isipin na makakaharap ko na naman si Andrew sa opisina. Nang marinig kong tinawag ako ni Mama mula sa labas ng kuwarto ay napapikit na lamang ako. "Anak, hindi ka pa ba babangon? Baka mahuli ka sa trabaho." "Babangon na po," mahina kong sagot kahit wala talaga akong balak kumilos. Ilang minuto pa akong nanatiling nakahiga bago ko pinilit ang sarili kong bumangon. Mabigat ang bawat galaw ko habang naghahanda. Kahit nakaharap ako sa salamin, parang ibang tao ang nakikita ko. Halata sa mukha ko ang pagod at kulang sa tulog. Paglabas ko ng kuwarto ay nadatnan kong naghahain si Mama ng almusal. "Halika na. Kumain ka muna." "Wala po akong gana." "Hindi puwede ang walang gana. Maghapon kang
SOFIASa sobrang ulaga ko sa nangyari sa akin kagabi, huli ko ng napagtanto na wala nga pala akong pasok ngayon. Halos patayin ko na sa titig si Andrew dahil kumukulo talaga ang dugo ko sa kanya ngayon.“Bakit ka ba nagagalit?”“Bakit? Kasi mema ka! Walang pasok ngayon! Huwag ng magpanggap na may pasok ka.”“Ha? Ano bang araw ngayon?”“Linggo! Ano? Sobrang sipag mo naman yata para pumasok?”Napangiwi si Andrew. Lalo tuloy akong nanggigil sa kanya. Mayamaya sumulpot si mama.“Oo nga pala nakalimutan kong sa opisina ka na nagtatrabaho, anak. Magpahinga ka na,” wika ni mama habang nakatingin sa amin.Bumaling si Andrew kay mama. “Tita, tutal wala naman po talaga kaming pasok, puwede po bang dito na lang muna ako? Babantayan ko po si Sofia.”“Ano?! Manahimik ka! Hindi ko kailangan ng tagabantay! Lumayas ka na dito dahil nanggigigil na ako sa iyo.”Matalim kong tiningnan si Andrew. Kung magsalita siya at kausapin ako, parang walang nangyari. Parang hindi niya winasak ang pud@y ko kagabi.
EVEDalawang araw na ang lumipas mula nang tuluyan kong iwan ang mansion ng mga Bowles. Ngunit hanggang ngayon ay pakiramdam ko ay hindi pa rin tuluyang nagsisink in sa akin ang lahat ng nangyari. Para bang napakabilis ng mga pangyayari na minsan, naiisip kong baka panaginip lang ang lahat at magig
EVEMABILIS na dumaan ang isang buwan. Maaga akong nagising nang araw na iyon na may kakaibang pakiramdam sa katawan ko. Ilang araw ko nang nararamdaman ang madalas na pagkahilo at mabilis na pagkapagod. Pero hindi ko iyon masyadong pinansin dahil inisip kong baka dala lang iyon ng stress at puyat
EVE Maghapon kong iniwasan ang sarili ko sa loob ng mansion dahil pakiramdam ko, lalo lang akong nalulunod sa katahimikan kapag nandoon ako. Sa bawat sulok ng bahay na iyon ay may alaala ng paghihintay, ng pag-asa at ng paulit-ulit na pagkadurog ng puso ko. Kahit gaano pa ito kalaki at kaganda, hi
EVEMarahan akong napaharap sa kanya. At sa dilim ng kwarto ay bahagya kong nasilayan ang matigas niyang mukha na tila walang bakas ng init o lambing kahit ang mga kamay niya ay patuloy na marahang humahaplos sa akin. Tahimik lang siya, gaya ng dati. Walang paliwanag. Walang paghingi ng tawad sa mg







