ログインPlease read my other story "PREGNANT BY MY FIANCÉS BILLIONAIRE BROTHER"
EVETahimik akong nakaupo sa loob ng opisina habang binabasa ang mga dokumentong kakapirmahan ko. Ilang oras na rin akong nagtatrabaho ngunit paminsan-minsan ay napapangiti pa rin ako sa tuwing naaalala ko ang mga nangyari nitong mga nakaraang araw. Hindi pa rin ako makapaniwala na muli kaming naging mag-asawa ni Denzel at higit sa lahat ay magkakaroon na naman kami ng anak. Pakiramdam ko ay unti-unti nang inaayos ng tadhana ang lahat ng matagal naming nawala. Hindi ko alam kung ano pa ang mga pagsubok na darating. Ngunit sa pagkakataong ito ay hindi na ako ganoon kadaling matitinag dahil alam kong hindi na ako nag-iisa.Habang inaayos ko ang mga papeles sa mesa ay bigla kong narinig ang malakas na pagbukas ng pinto ng opisina. Hindi na man lamang kumatok ang taong pumasok. Napakunot-noo ako at agad na napatingin sa pintuan.Naningkit ang mga mata ko nang makita ko si Celeste na mabilis na naglalakad papunta sa mesa ko. Namumula ang mga mata niya at halatang kagagaling lamang sa matin
CELESTEPakiramdam ko ay biglang nanlamig ang buong katawan ko matapos kong marinig ang sinabi ni Carlos. Para akong pinako sa kinatatayuan ko habang nakatitig lamang sa kanya. Hindi ko alam kung paano siya sasagutin dahil sa totoo lang ay tama ang sinabi niya. Ngunit hindi puwede. Hindi ako maaaring umamin. Kapag ginawa ko iyon ay tuluyan nang mawawala sa akin si Denzel. Mawawala ang lahat ng pinaghirapan kong ipaglaban sa loob ng maraming taon.Mariin akong lumunok bago pilit na tumawa kahit ramdam kong nanginginig na ang mga labi ko."Nababaliw ka na yata. Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na si Denzel ang ama ng batang dinadala ko? Ano bang mahirap intindihin doon?"Hindi man lang siya natinag sa sinabi ko. Sedyoso lamang siyang nakatingin sa akin habang nakahalukipkip."Hanggang ngayon, nagsisinungaling ka pa rin.""Hindi ako nagsisinungaling! Bakit ba ayaw mong maniwala! Palibhasa kasi tuyo na ang utak mo kaya kung anu-ano ang naiisip mo!”"Kung ganoon, bakit nanginginig ang
CELESTE Mabagal akong nagmamaneho pauwi ng mansion habang paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang nangyari sa ospital. Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga sinabi ni Carlos. Hindi ko inaasahan na magkikita kami roon at lalo kong hindi inaasahang magdududa siya ng ganoon kabilis. Kilalang-kilala niya ako kaya agad niyang napansin ang takot sa mukha ko. Simula nang magkaharap kami ay hindi na ako mapakali. Pakiramdam ko ay anumang oras ay maaari niyang sirain ang lahat ng pinaghirapan kong itago sa loob ng maraming linggo. Kung malaman ni Denzel ang buong katotohanan bago ko pa maayos ang lahat, sigurado akong tuluyan na niya akong iiwan. “Kainis! Bakit nagkita pa kami ng lalaking iyon!” Napahigpit ang hawak ko sa manibela habang pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Kailangan kong mag-isip nang maayos. Hindi puwedeng matalo ako ngayon. Hindi puwedeng mawala sa akin si Denzel. Kahit alam kong wala na siyang pagmamahal para sa akin ay umaasa pa rin akong darating a
EVEBuong biyahe pauwi ay para akong wala sa sarili. Mahigpit kong hawak ang maliit na envelope na ibinigay ng doktor. Habang paulit-ulit kong binabasa ang resulta kahit kabisado ko na ang bawat salitang nakasulat doon. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa balitang natanggap ko. Kanina lamang ay pumunta ako sa klinika dahil sa simpleng pagdududa. Ngunit ngayon ay may panibagong buhay nang nabubuo sa loob ko. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o iiyak. Pakiramdam ko ay napakaraming emosyon ang sabay-sabay na sumisikip sa dibdib ko. Hindi ko inaasahang darating ang araw na ito lalo na ngayong nagsisimula pa lamang kaming buuin muli ni Denzel ang pamilyang matagal naming nawala.“Magkakaanak na ulit kami ni Denzel…”Napahawak ako sa tiyan ko habang nakatanaw sa bintana ng sasakyan. Hindi pa naman halata ang pagbabago sa katawan ko, ngunit ang simpleng kaalamang may sanggol akong dinadala ay sapat na upang maramdaman kong iba na ang lahat. Hindi ko maiwasang mapangiti nang
EVE “Hay naku…bakit ba nahihilo na naman ako?” mahina kong usal sabay hawak sa ulo. Ilang sandali pa, naramdam kong parang may tao sa labas. Pagkabukas ko ng pinto ng mansion ay agad kong narinig ang busina ng sasakyan ni Denzel mula sa labas ng gate. Hindi ko namalayang napangiti ako habang naglalakad upang pagbuksan siya. Hinintay ko siyang makababa ng kanyang sasakyan bago humalukipkip. “Ano? Kumusta araw?” “Ayos naman…masaya ang araw ko,” nakangiti niyang ssbi. "Naku, ano na naman ang nangyari at parang nanalo ka sa lotto?" natatawa kong tanong habang nakatingala sa kanya. Mas lalo lamang lumawak ang ngiti niya. Pumasok na kami ng sabay sa loob ng bahay. "Hindi lotto ang napanalunan ko pero pakiramdam ko ay nabawasan ang pinakamabigat na problemang pasan-pasan ko nitong mga nakaraang linggo." Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya. Napangiwi pa nga ako kasi medyo nahihilo na naman ako. Kahapon pa ako ganito. "Bakit? May nangyari ba sa opisina?" "Hindi tung
DENZELKatatapos lamang ng mahaba at nakakapagod na meeting. Kaya agad akong lumabas ng gusali ng kompanya habang iniikot ang susi ng sasakyan sa daliri ko. Halos buong umaga akong nakatutok sa trabaho ngunit kahit pilit kong inililihis ang isip ko ay paulit-ulit pa ring bumabalik ang mga nangyayari nitong mga nakaraang araw. Nang makarating ako sa parking lot ay agad kong hinanap ang sasakyan ko. Bubuksan ko na sana ang pinto nang marinig kong may tumawag sa pangalan ko. Paglingon ko ay nakita ko si Carlos na seryosong nakatayo sa likuran ko. Kilala ko siya dahil matagal na silang magkaibigan ni Celeste. Ilang beses na rin kaming nagkita sa iba't ibang okasyon noon. Kaya hindi na bago ang mukha niya sa akin, ngunit ngayon lamang siya lumapit sa akin nang kami lang dalawa."Carlos? Anong ginagawa mo rito?" tanong ko habang bahagyang nagtataka.Mabagal siyang lumapit hanggang sa ilang hakbang na lamang ang pagitan namin. Hindi siya ngumiti at halatang may malalim siyang iniisip."Hin
EVEMarahan akong napaharap sa kanya. At sa dilim ng kwarto ay bahagya kong nasilayan ang matigas niyang mukha na tila walang bakas ng init o lambing kahit ang mga kamay niya ay patuloy na marahang humahaplos sa akin. Tahimik lang siya, gaya ng dati. Walang paliwanag. Walang paghingi ng tawad sa mg
EVE CASTRO "Nasaan na kaya siya?" bulong ko sa sarili. Mag-aalas dose na ng gabi ngunit gising pa rin ako sa loob ng napakalaking mansion ng mga Bowles. Sa sobrang katahimikan ay halos marinig ko na ang sarili kong paghinga habang nakaupo sa mahabang dining table na para bang isa lamang akong bi
EVEDalawang araw na ang lumipas mula nang tuluyan kong iwan ang mansion ng mga Bowles. Ngunit hanggang ngayon ay pakiramdam ko ay hindi pa rin tuluyang nagsisink in sa akin ang lahat ng nangyari. Para bang napakabilis ng mga pangyayari na minsan, naiisip kong baka panaginip lang ang lahat at magig
EVEMABILIS na dumaan ang isang buwan. Maaga akong nagising nang araw na iyon na may kakaibang pakiramdam sa katawan ko. Ilang araw ko nang nararamdaman ang madalas na pagkahilo at mabilis na pagkapagod. Pero hindi ko iyon masyadong pinansin dahil inisip kong baka dala lang iyon ng stress at puyat







