LOGIN“Oo na. Bagay na bagay.”Lalong lumapad ang ngiti niya. “Good.”At sa isang iglap, bumalik ang katahimikan sa pagitan namin—ngunit hindi na iyon kasingbigat ng dati.Hindi ko alam kung dahil ba sa pagkain, sa headband, o sa paraan ng paghingi niya ng tawad. Pero sa unang pagkakataon matapos ang matagal na panahon, hindi ko naramdamang kailangan kong magtago sa likod ng galit para maprotektahan ang sarili ko.Nasasaktan pa rin ako, pero kaya ko na siyang kausapin nang hindi agad nadudurog. At marahil, iyon ang unang hakbang para tuluyan kong maibalik sa sarili ko ang kapayapaang matagal na nawala sa akin.“Belle,” mahinang tawag niya.Napatingin ako sa kaniya.“Can we talk for a while?”Tumingin ako sa pinto ng unit ko, saka muling bumaling sa kaniya.Hindi ko alam kung gaano katagal ang magiging usapan namin. Hindi ko alam kung ano pa ang gusto niyang sabihin, at hindi ko rin alam kung kaya ko bang marinig ang lahat nang hindi muling nasasaktan.Pero may isang bagay akong alam: Hindi
“Hindi puwedeng sinusubukan lang. Kakagaling mo lang sa matinding sakit.”“Alam ko.”“Kung alam mo, huwag mong pabayaan ang sarili mo.”Tumango siya. “Yes, ma'am.”Napatingin ako sa kaniya. At doon ko napansin ang kakaiba niyang ekspresyon.May bahagyang ngiti sa mga labi niya, at tila sinisikap niyang gawing magaan ang usapan. Hindi iyon ang karaniwang ngiti niyang may kasamang mapanuyang komento—para siyang isang batang nahuling gumagawa ng kalokohan at sinusubukang magpabait para hindi mapagalitan.Hindi ko napigilang mapangiti nang kaunti.“At bakit ka nakangiti?”“Wala.”“May sinasabi ka pa.”“Wala nga.”“Drevin.”“Okay na nga.” Tumawa siya nang mahina. “Masaya lang akong kinukumusta mo pa rin ako.”Napatigil ako. Hindi ko inaasahang sasabihin niya iyon.Dahil ang totoo, hindi ko naman talaga planong tanungin siya—lumabas lamang iyon sa bibig ko nang maalala ko kung gaano siya kahina noong huli ko siyang makita.Siguro, may bahagi pa rin sa akin na nag-aalala. Siguro, hindi naman
Hindi iyon ang karaniwang ngiting nakikita ko sa kaniya kapag may gusto siyang iparating na sarkastikong komento. Hindi rin iyon ang malamig na ekspresyong madalas niyang isuot kapag gusto niyang ipaalala sa akin na wala akong dapat asahan mula sa kaniya.Sa halip, para siyang isang simpleng manliligaw na naghihintay sa babaeng gusto niyang makausap.At ang pinakanakakainis sa lahat?Bagay sa kaniya ang ganoong hitsura.“Anong ginagawa mo rito?” tanong ko sa wakas.Bahagya siyang umayos ng tayo. “May dala akong pagkain.”Itinaas niya ang paper bag na hawak niya. Napatingin ako roon bago muling bumaling sa kaniya.“Alam kong may dala kang pagkain. Nakikita ko.”“Ah.” Tumango siya, tila nahihiya. “Well, para sa iyo iyan.”Napakurap ako. “Para sa akin?”“Oo.”“Bakit?”Sandali siyang natigilan. Tumingin siya sa paper bag, saka sa akin. “Peace offering.”Napataas ang kilay ko. “Peace offering?”Tumango siya. “Oo. Parang...” Huminga siya nang malalim. “Parang gusto kong bumawi.”Hindi ako a
Hindi ko napigilang mapangiti habang inaalis ni Magnus ang kaniyang seatbelt at bumabaling sa akin.“We're here, Ma’am.”Napatingin ako sa labas ng bintana. Naroon na kami sa tapat ng condo ko, at gaya ng inaasahan, maayos niya akong naihatid kahit medyo gabi na. Hindi ko namalayang ganoon na pala kami katagal nagkuwentuhan sa restaurant . Akala ko, simpleng dinner lamang ang gagawin namin, pero nauwi iyon sa halos dalawang oras na kuwentuhan tungkol sa kung anu-anong bagay.Mula sa mga nakakatawang karanasan niya sa construction site hanggang sa mga kalokohan namin noong college, halos hindi kami nauubusan ng kuwento.Nakakapanibago.Dati, kapag may kasama akong lalaki, palagi kong iniisip kung ano ang dapat kong gawin para maging komportable siya—kung paano ko siya pasasayahin, kung paano ko maiiwasang mainip siya, at kung paano ko maipaparamdam na mahalaga siya sa akin.Pero kay Magnus, hindi ko kailangang mag-isip nang ganoon.Kapag may kuwento siya, nakikinig ako. Kapag may gust
May bahagyang lungkot pa rin sa dibdib ko kapag naaalala ko si Drevin, pero hindi na iyon kasingbigat ng dati. Hindi na nito kayang ubusin ang buong gabi ko. Hindi na nito kayang pigilan akong ngumiti o magplano para sa kinabukasan.At marahil, iyon ang unang senyales na unti-unti na akong nakakawala: hindi dahil tuluyan ko na siyang nakalimutan, hindi dahil wala na akong pakialam sa kaniya, kundi dahil natututo na akong ilagay ang sarili ko sa unahan ng mga bagay na matagal kong ipinagpaliban.Maaaring may bahagi pa rin sa akin na malulungkot kapag naaalala ko siya. Maaaring may mga araw na gugustuhin ko pa ring balikan ang mga alaala namin, at maaaring may mga sandaling mapapatanong pa rin ako kung bakit hindi naging sapat ang pagmamahal ko.Pero hindi na ako mananatili roon. Hindi ko na hahayaang ang mga tanong na iyon ang magdikta sa kung ano ang maaari kong maramdaman sa hinaharap.Dahil may buhay pa akong gustong maranasan. May mga ngiting gusto ko pang ibahagi. May mga lugar na
Pero hindi ako ganoon.Kapag naaalala ko ang mga panahong nasaktan niya ako, nalulungkot pa rin ako. May mga pagkakataong gusto kong umiyak dahil sa mga bagay na hindi na mababago. May mga tanong pa rin akong hindi ko alam kung masasagot ba niya kailanman.At kung minsan, kapag naiisip ko ang huling pagkakataong nagkita kami sa hallway ng condo, naaalala ko kung paano niya ako tinanong kung saan ako nanggaling at kung bakit ganoon ako kagabi—na para bang may karapatan pa rin siyang usisain ang bawat galaw ko, na para bang may kailangan pa rin akong ipaliwanag sa kaniya, at na para bang dahil lamang naging bahagi siya ng buhay ko ay kailangan kong humingi ng pahintulot bago ako gumawa ng mga desisyong para sa sarili ko.At kapag naaalala ko ang mga sinabi niya, muli akong nakakaramdam ng inis.Dahil saan siya kumukuha ng karapatang magtanong kung sino ang kasama ko, kung saan ako pumupunta, o kung bakit ako umuuwi nang gabi, gayong siya mismo ang nagsabing hindi niya ako kayang mahalin
"Lolo! The airplane was so big, and Kirsi slept the whole time!" masayang kwento ni Kiran habang iwinawagayway ang kanyang kutsara."No, I didn't! I was just resting my eyes!" mabilis na pagtatanggol naman ng kapatid niyang si Kirsi, na nagpatawa sa aming lahat.Ngunit sa kabila ng tawanan, may kun
MALAMIG ang hangin sa London, kakaiba sa nakatutunaw na init ng Pilipinas na nakasanayan ko. Limang buwan na ang nakalilipas mula nang iwan ko ang lahat. Dito, sa maliit ngunit modernong apartment ko malapit sa Thames, pilit kong binuo ang isang buhay na ako lang ang may-ari. Pumasok ako sa isang m
"SALAMAT, Attorney."Nakipagkamay ako sa abogado na nag-asikaso ng tuluyang paghihiwalay namin ni Nathaniel."Anytime, Khendra. Kung may kailangan ka pa, tawagan mo lang ako," nakangiting sagot niya bago inayos ang mga papeles at lumabas ng pribadong silid sa coffee shop.Naiwan akong mag-isa. Daha
“Tumawag kayo ng ambulansya! Ngayon na!”Ang pasigaw na utos ni Nathaniel ay umalingawngaw sa buong bahay. Rinig ko ang taranta at takot sa kanyang boses, pero parang napakalayo na nito sa pandinig ko. Parang may makapal na pader na biglang humarang sa akin at sa mundo. Ang tanging nararamdaman ko







