FAZER LOGINSalamat po sa suporta kina Nathan, Cielo at Sky!
Pagkaalis ng sasakyan ni Elias sa Santuario, agad nakatanggap ng mensahe sa communication device si Jay na katatapos lang kausapin ang pinagkakatiwalaan ni Nathan na househelp sa kanyang penthouse sa Quezon City.Mabilis na pumasok sa main building si Jay at nilapitan si Nathan kahit nakikipag-usap ito sa Mother Superior ng Santuario.“Sir, we need to leave now,” bulong nito.Tumango si Nathan habang buhat pa rin ang anak at hawak pa rin sa baywang si Cielo. Hindi nito pinakawalan ang babae kahit kaharap ang madre. “Sister, pasensiya na po. Kailangan na naming umalis. Isasama ko po sina Cielo, Sky, at Nanay Criselda,” pagbibigay-alam niya sa matandang madre.Bahagyang nagulat si Sister Lilibeth na gusto sanang tutulan ang pagkuha sa mag-ina dahil nais sana niyang maikasal muna si Cielo kay Nathan bago sila tuluyang magsama, ngunit muling nagsalita ang lalaki.“Iiwan ko ang limang bodyguard para makatulong kay Mang Delfin sa pag-secure sa inyo. Bukas ay magdadagdag ako ng security gua
Aburido ang mga mukha nina Nathan at Cielo habang paakyat sa ikalawang palapag ng yate. Dahil hindi naman ganoon kalapad ang hagdan, nauunang umakyat si Nathan habang hawak-hawak ang kamay ni Cielo na nakasunod sa lalaki. Piniga ng huli ang kamay ng lalaki na nakahawak sa kanya, kaya napahinto si Nathan sa paghakbang at nilingon siya.“Nate, nag-aalala ako sa anak natin,” mahina ang boses niyang sabi. Hinila siya ni Nathan at saka niyakap. Isinubsob ni Cielo ang kanyang mukha sa matigas na dibdib ng lalaki. Hinigpitan pa ni Nathan ang yakap sa kanya nang maramdaman niyang nanginginig ang katawan ng minamahal niya. Hinaplos niya ang likod ng babae para pakalmahin. “May dalawang team ng bodyguard ang nakabantay sa kanya. Hindi siya mapapahamak.”Tumango si Cielo at saka sila naglakad patungo sa silid kung nasaan ang kapitan ng yate. Naroon din sa loob si Jay.“Any update?” seryosong tanong ni Nathan sa dalawa, sabay silang nilingon.“Fifteen minutes, nasa yacht club na tayo. Ito na an
Hindi niya nakita ang shooting star dahil nakatingala siya sa langit. Habang nakasandal sa kanyang dibdib, patago akong tumingin sa mukha ni Nathan habang tinutonton ng aking mga mata ang bawat guhit ng kanyang mukha, pero nahuli ako at isang matamis na ngiti ang kanyang pinawalan. Paano ko pagkakaitan ng second chance ang lalaking ito?His smile was enough to make anyone lower their guard. He carries himself with a magnetic charm that leaves me spellbound every time I meet his gaze. He was unfairly handsome, and I couldn't look away. Nakita kong gumalaw ang Adam’s apple niya habang titig na titig pa rin sa mukha ko, kasabay ng magaan at mainit na haplos niya sa hita ko. Alam kong nagpipigil siya dahil hindi ganito ka banayad sa romansa ang kilala kong Nathan.“Akala ko manonood tayo ng movie?” Natigilan siya. “Muntik ko nang makalimutan.”“Makalimutin ka na ba?” biro ko. “Baka isang araw makalimutan mo ako?”Muli siyang ngumiti at muli na naman akong nadadala. “Baka kahit magka-al
Nagsimulang lumakas ang tibok ng puso ko nang malaman kong nasa ibaba na si Nathan habang nagmamadali namang niyaya ni Sky si Nanay na bumaba para makita ang ama. Sa sandaling panahon pa lang na nagkakasama sila, kapuna-puna na ang attachment ng dalawa na akala mo ay noon pa magkakilala.Muli akong humarap sa salamin upang matiyak na maayos na ang hitsura ko. Hindi ako mahilig sa mamahaling damit o sa makapal na makeup. Ang mahalaga sa akin noon ay malinis at maayos lang ako. Pero ngayong lalabas kaming dalawa na magkasama, kailangan kong maglaan ng oras para maglagay ng make-up. Mas inayos ko ang buhok ko, pinili ang pinakamagandang damit na mayroon ako, at nag-spray ng paborito kong pabango. Gusto kong maging maganda ngayon nang sapat para makatayo sa tabi niya—hindi dahil hinihingi niya iyon, kundi dahil ayokong isipin ng ibang tao kung ano ang nakita niya sa isang babaeng katulad ko.Ngumiti muna ako sa harap ng salamin na para bang kinukumbinsi ang sarili na maganda ako kahit napa
Nang sigurado siyang tulog na ang anak, dahan-dahan siyang tumayo upang maghanap ng isusuot na damit. Isang lumang navy blue na chiffon dress ang nakita niya sa kanyang cabinet. Nabili niya iyon ilang buwan matapos manganak kay Sky dahil may semi-formal event sila sa school. Pinarisan na lamang niya ng 3-inch high heels na silver stilettos. Idinikit pa niya ang damit sa katawan niya habang nasa sahig ang heels, tinitingnan kung babagay. Nasa ganoon siyang hitsura nang mabuksan siya ng p***o ni Criselda.“May lakad ka?” simple nitong tanong.“‘Nay, niyaya po ako ni Nathan na manood ng sine at kumain sa labas,” medyo kinikilig pa niyang sabi sa matanda.“Umoo ka?” “Hindi pa po kasi kita natatanong kung puwede kong iwan si Sky sa inyo,” malambing niyang sabi, sabay yakap sa braso ni Criselda.Tiningnan ng babae ang buong mukha niya. “Sa tingin mo ba ay papayag akong isama ninyo si Sky?”“Puwede naman naming isama,” seryosong sagot ni Cielo.Umiling ang babae. “Mabuting magkasarinlan ka
Bago mag-alas dose ng tanghali, natapos na ang party at kainan na lamang ang magaganap. Nagdesisyon ang lahat na ilipat sa refectory ang mga bata at ang kanilang pagkain dahil kahit na mapuno ang atrium at may limang Iwata na nakabukas, mainit pa rin. Habang ang pamilya King, sina Sister Lilibeth, Cielo, Sky, Aileen at Gelai ay sa conference room naman nagsalo-salo. Pinag-usapan na rin kung saan naiisip ni Sister Lilibeth na gamitin ang P5 milyon. Binanggit niya na kailangan nang ipaayos ang bubong ng main building dahil tumutulo na at ipasuri ang electrical wiring dahil sobrang tagal na ito mula nang huling nagawa. Napatango ang matandang King. Nilingon niya si Sky na maganang kumakain ng kanyang Fried Chicken King and spaghetti. “Sky, masarap ba ang handa ng lolo?” nakangiti niyang tanong. “Kayo po ang nagluto, Lolo?” nanlalaki ang mga mata, tanong ni Sky. Nagtawanan ang lahat. “Masarap po!” sagot ni Sky habang naka-thumbs up ito bilang senyales na aprubado niya ang lasa ng p
Halos pigilan ni Cielo ang paghinga nang magsimulang sumuot sa kanyang ilong ang amoy ng pamilyar na pabango ni Nathan. Crisp, outdoor, and woody scent. Iyon mismo ang paborito niyang perfume para sa lalaki. Ang amoy ng balat ni Nathan na nagpapabaliw sa kanya noon. Nagtama ang kanilang paningin a
Pinagkagat ni Cielo ang kanyang mga bagang upang pigilan ang sarili niyang magmukhang nagulat sa mukha ng lalaki na sa puwesto niya ngayon ay kanyang tinitingala kahit pa nasa tatlong pulgada ang heels ng suot niyang sapatos. Lubha pa rin itong matangkad nang malayo sa kanya.Sabay pang gumala ang
Napahawak sa kanyang dibdib si Cielo pagliko niya sa kalsadang tutumbok sa gate ng JNQ Motors Automobile Factory. Oras ng pagdating ng mga empleyado, kaya abala ang pedestrian gate, pati ang pasukan ng mga sasakyan. Pagdating niya sa gate, isang friendly smile ang ibinungad sa kanya ng guwardiya. N
Mabilis na lumambitin sa leeg ni Cielo ang kanyang mahigit tatlong taong gulang na anak na lalaki nang huminto sa lobby ng malaking mall ang sinasakyan nilang EV Taxi. Isang yakap na mahigpit at isang matunog na halik na agad nagpalakas ng kanyang loob. Ilang bagay na nagpapaalala kay Cielo kung ga







