مشاركة

Chapter 110

مؤلف: Michellara
last update تاريخ النشر: 2026-07-26 01:54:34

Jane POV

Pagkalabas ko ng banyo habang nakabalot pa ang katawan ko sa tuwalya, agad kong naramdaman ang presensya ng asawa ko. Nakabihis na siya ng pambahay niyang polo shirt at maong pants. Mukhang katatapos lang din niyang mag-ayos.

Nakatayo siya sa tabi ng walk-in closet, nakatalikod habang may hawak na isang hanger. Nang mapatingin ako roon, nakita ko ang isang eleganteng maroon casual dress na may katamtamang haba ang nakasabit doon, na tinernuhan ng silk cardigan. Mukhang iyon ang napili
استمر في قراءة هذا الكتاب مجانا
امسح الكود لتنزيل التطبيق
الفصل مغلق

أحدث فصل

  • Married to My Fiancé's Tattooed Billionaire Uncle   Chapter 120

    Aviv POV Pagkalabas ko ng mansiyon, bahagya akong nakahinga mula sa nakakasakal na hangin sa loob. Napatingala ako sa napakalinaw na asul na kalangitan at makailang ulit na nagpakawala ng marahas na buntong-hininga, pilit na itinutulak palabas ang matinding bara sa lalamunan ko. Inis kong ginulo ang sarili kong buhok dahil sa matinding frustration. Malakas kong sinipa ang isang maliit na bato sa sementadong pathway bago napahilamos sa aking mukha gamit ang dalawang palad. ‘Bakit ba napakabilis magbago ng personalidad ng babaeng 'yon? Pagkatapos ng ginawa niya sa lounge, bigla na lang siyang naging walang pakialam sa akin?’ Natigilan ako at napapaisip. ‘Hindi kaya dahil iyon sa mga isda kaya siya nagkaganoon? Kung iyon nga ang dahilan, lintek na mga isda 'yon! Ang sarap prituhin!’ may panggigil na saad ng utak ko. “Aviv...” Isang mahinahong boses ang biglang nanggaling sa likuran ko. Bahagya akong napasinghap nang malalim at mabilis na ikinalma ang ekspresyon ko, ibinalik ang ma

  • Married to My Fiancé's Tattooed Billionaire Uncle   Chapter 119

    Aviv POVNaupo ako sa kabisera ng mahabang dining table, pero sa kabila ng marangyang palamuti at amoy ng mga putaheng nasa harap ko, ang buo kong atensyon ay nakatuon lamang sa babaeng nasa kanan ko.Sa asawa ko.Tahimik lang siyang nakaupo. Bahagyang nakatungo ang ulo niya habang nakatitig sa bakanteng plato sa harap niya. Walang mabakas na kahit anong emosyon sa mukha niya. Ni hindi man lang siya nakikipagpalitan ng tingin sa akin.Tahimik ko na lamang inabot ang babasaging pitcher na may lamang malamig na tubig para salinan ang baso niya, isang maliit na gawi na nakasanayan ko nang gawin para sa kaniya tuwing magkasama kaming kumakain.Ngunit bago ko pa man maibuhos ang tubig, marahang humawak ang mga daliri niya sa braso ko.“Kaya ko na,” nakangiting saad niya sa napakamahinahong tono.Marahan niyang kinuha ang pitcher mula sa kamay ko, saka siya na mismo ang nagsalin ng tubig sa sarili niyang baso. Pagkatapos niyon, binigyan niya ako ng isang pormal at tipid na ngiti bago muling

  • Married to My Fiancé's Tattooed Billionaire Uncle   Chapter 118

    Agad akong nilingon ni Aviv. Napakunot nang husto ang kanyang noo, at ang malamig niyang mga mata ay napalitan ng matinding pagtataka at isang emosyon na hindi ko maipaliwanag.“What I mean...” pagpapatuloy ko, kahit pakiramdam ko'y pinipiga ang puso ko sa bawat salitang lumalabas sa bibig ko. “Halata namang mahal pa rin ninyo ang isa't isa. Kaya hindi na ninyo kailangang magpanggap na wala na kayong nararamdaman para sa isa't isa.”“Exactly! Finally, you see it, Jane!” mabilis na singit ni Abegail. Agad siyang lumapit sa amin habang may tagumpay na ngisi sa kaniyang mga labi. “Kuya Aviv and Madison, they are still in love with each other. Ikaw lang naman ang nakaharang kaya hindi nila masabi ang tunay nilang nararamdaman. Kung wala ka, sila sana ang magkatabi ngayon.”“Abby, tama na,” malamig at mababang saway ni Aviv sa kapatid niya.“Hindi mo kailangang sawayin ang kapatid mo, Aviv,” sabad ko sa mahinahong boses, dahilan para mas lalo pang lumalim ang pagkakakunot ng noo niya haban

  • Married to My Fiancé's Tattooed Billionaire Uncle   Chapter 117

    Jane POVPagkapasok namin sa Dining Hall ng mansiyon, tila mas lalo pang bumigat ang hangin sa paligid. Pakiramdam ko, hindi yata matatapos ang paninikip ng dibdib ko hangga't naririto si Madison.Napapikit ako nang marahan nang salubungin ako ng mabangong amoy ng iba't ibang putaheng nakahain sa mahabang dining table. Mukhang sa pagkain ko na lang talaga ibubunton ang bigat na nararamdaman ko. Dahil doon, bahagya kong hinila ang braso ng asawa ko, tahimik na hinihimok siyang maglakad nang mas mabilis para makaupo na kami at makakain.Ngunit bago pa man kami tuluyang makarating sa mesa, bigla na lang nagsalita si Madison, na para bang sinadya niyang maagaw ang atensyon ng lahat.“Ohh! Narito pa pala ang isda na iniregalo ko sa ’yo noong birthday mo, Aviv!” masigla niyang saad.Agad kaming napalingon sa direksiyong tinitingnan niya.Sa isang sulok ng dining hall ay may isang nakabukod na aquarium. Hindi iyon katulad ng malalaking built-in tank na nakita ko sa Aquarium Hall noong isang

  • Married to My Fiancé's Tattooed Billionaire Uncle   Chapter 116

    “Of course, Aviv,” pilit na malumanay na wika ni Madison. Nakangiti pa rin siya nang matamis, pero may pahiwatig na ang bawat salitang lumalabas sa bibig niya. “People change, indeed. But ten years of knowing someone inside and out isn't something you can easily erase. Sanay lang siguro ako na ako ang nakakakilala sa bawat detalye ng buhay mo... but I guess Jane is still trying her best to catch up with your world.” Ramdam ko ang pilit niyang pagdiin sa bawat katagang binitiwan niya. Para bang gusto niyang ipamukha sa akin na kahit ako ang asawa ni Aviv sa papel, siya pa rin ang may pinakamalalim na pundasyon sa buhay ng asawa ko. Hindi ako papayag na dito lang matatapos ito. Sa halip na magpaapekto, dahan-dahan kong hinarap si Aviv. Marahan kong inabot ang kuwelyo ng polo niya. Maingat kong inayos ang bahagyang pagkakatupi niyon bago dahan-dahang dumulas ang mga daliri ko mula sa leeg niya pababa sa dibdib niya. Ramdam kong nakasunod sa bawat galaw ko ang mga mata ng lahat, lalo n

  • Married to My Fiancé's Tattooed Billionaire Uncle   Chapter 115

    “Paano niya naman kasi malalaman ang favorite ni Uncle Aviv, eh, kailan lang naman sila nagkasama?” singit ni Scarlet sa maarte at matinis niyang boses, pilit na ipinapamukha ang kawalan ko ng alam para lalo akong mapahiya sa harap ng lahat.Lalong lumapad ang ngisi sa mukha niya nang bumaling siya kay Madison.“Kung hindi nga lang siya iniwan ni Kian sa mismong araw ng kasal nila... kung hindi siya nagpakadesperada at nagmakaawa para lang saluhin ni Uncle Aviv ang kasal para hindi siya mapahiya sa mga bisita, edi hindi sana sila mag-asawa ngayon. Mabuti na lang talaga at napakabait at napakaprotective ni Uncle kaya sinalo niya si Jane sa napakalaking kahihiyan,” direkta at walang prenong tuloy niya.“Really?” mahinahong tanong ni Madison bago napatingin sa akin na may halong awa at pagtataka. “I didn’t know that.”“Yes, Ms. Maddie,” mabilis na sagot ni Scarlet, halatang nasisiyahan sa bawat sandaling inilalagay niya ako sa kahihiyan. “Jane desper

  • Married to My Fiancé's Tattooed Billionaire Uncle   Chapter 006

    LORENZO GRAND HOTEL 6:00 P.M. “Wala pa ba si Kian?” boses ni Mommy, bakas sa tinig niya ang pag-aalala dahil hanggang ngayon ay wala pa rin ang groom. Kanina pa kami naghihintay sa kanya pero hanggang ngayon ay wala pa rin siya. Kapansin-pansin na rin ang inip ng mga bisitang naririto sa loob ng

  • Married to My Fiancé's Tattooed Billionaire Uncle   Chapter 005

    Akala ng mga kakilala ko ay maswerte ako dahil ipinanganak akong mayaman, pero hindi nila alam na isa lamang akong ampon at ang nag-ampon sa akin ay ginawa lamang akong collateral sa mga utang nila sa mga magulang ni Kian.Si Daddy na sugapa sa sugal. Si Mommy na maluho at mahilig mag-travel. Wala

  • Married to My Fiancé's Tattooed Billionaire Uncle   Chapter 004

    Nasa loob na ako ng isang bakanteng kuwarto dito sa bahay nina Lolo Esteban at Lola Alicia. Katatapos ko lang maligo at ngayon ay abala na ako sa pagpapatuyo ng buhok ko gamit ang tuwalya. Naibaling ko ang tingin sa pintong gawa sa lumang tabla. Unang pumasok si Lola Alicia, kasunod si Aviv na may

  • Married to My Fiancé's Tattooed Billionaire Uncle   Chapter 003

    “Paano po ’yung kotse ko, sir?” ani ko, sabay lingon sa kotse kong nakaparada sa gilid ng kalsada “I’ll have my staff to take care of your car,” he said calmly. “Get in,” utos niya pagkabukas ng pinto kaya walang sabi-sabing sumunod ako. Pagkaupo ko sa mamahaling leather seat, muli akong napaya

فصول أخرى
استكشاف وقراءة روايات جيدة مجانية
الوصول المجاني إلى عدد كبير من الروايات الجيدة على تطبيق GoodNovel. تنزيل الكتب التي تحبها وقراءتها كلما وأينما أردت
اقرأ الكتب مجانا في التطبيق
امسح الكود للقراءة على التطبيق
DMCA.com Protection Status