Mag-log in“I-CPR mo!” biglang sigaw ni Kian habang nakahawak sa sarili niyang pisngi. “Ano?! Nababaliw ka na ba?! Hindi ko alam kung paano mag-CPR ng isda!” sigaw ko pabalik sa kaniya habang halos maiyak na sa sobrang takot. “Akin na nga! Ako na ang gagawa!” Mabilis siyang lumapit at yumuko sa ibabaw ng Arowana. Walang arte niyang idinikit ang kaniyang mga labi sa maliit na bunganga ng isda at nagsimulang suplayan ng hangin ang baga nito habang ako naman ay patuloy sa pagmamasahe sa tiyan nito. Hindi ko na alam kung tama ba ang ginagawa namin, pero wala na kaming ibang maisip na paraan para mailigtas ito. “Shìt! Mabuhay ka, please! Sige na, pumalag ka naman, oh!” desperadong litanya ni Kian habang paulit-ulit na hinihipan ang isda at pagkatapos ay minamasahe ang katawan nito. “Isa... dalawa... tatlo... Hipan mo ulit, Kian!” utos ko habang nagmamadali. Ilang segundo ang lumipas bago biglang kumumpas ang buntot ng Arowana. Napahinto kaming dalawa. Muli itong gumalaw. “YES!” sabay naming
Nakatutulala na lamang ako sa loob ng ilang segundo. Hindi ko magawang gumalaw o isipin kung ano ang dapat kong gawin. Paulit-ulit kong tinitigan ang Arowana na halos hindi na gumagalaw.Habang hindi pa rin ako makakilos sa matinding gulat, narinig ko ang papalapit na mga yabag. Ilang sandali lamang ay lumitaw si Kian sa may pintuan ng dining hall.“Jane? Anong ginagawa mo riyan at bakit para kang nakakita ng mu—?”Hindi natapos ni Kian ang kaniyang sasabihin nang mapasulyap siya sa loob ng fish tank.Sa isang kurap, mabilis na nawala ang kulay sa mukha niya. Halos lumuwa ang kaniyang mga mata habang nakatitig sa isda.Agad siyang lumapit sa akin.“J-Jane...” nauutal at nanginginig na tawag niya sa akin. “A-Anong... anong nangyari sa alaga ni Mama Ava?!”“H-Hindi ko alam!” hysterical kong sagot sa kaniya habang nanginginig din ang buong katawan ko. “Iniwan ko lang ’to nang ilang minuto para magbanyo! Pagbalik ko, ganyan na!”Biglang napahawak si Kian sa kaniyang dibdib at napasandal s
Nang matapos kami ni Angeli sa pagpupunas ng mesa at mga upuan, napadako ang tingin ko sa heart-shaped fish tank na nasa gilid ng dining hall. Sa loob niyon ay malayang lumalangoy ang isang napakagandang uri ng Arowana, ang platinum Arowana na isa sa pinakamahal na alagang isda ni Aviv.Dahil pinalipat kamakailan ni Aviv ang kaniyang koleksyon ng Peppermint Angelfish, ang ipinalit niya ay ang nag-iisang Arowana na ’yan.Pero higit pa sa halaga ng isdang ’yan, may mas malalim itong kuwento. Ang Arowana na ’yan ay ang natatanging alaga na nagmula pa sa namayapa niyang ina na si Doña Ava. Para kay Aviv, hindi lang basta alaga sa aquarium ang isdang ’yan. Isa itong alaala ng kaniyang pinakamamahal na ina, kaya alam kong espesyal ito para sa kaniya.“Angeli, pakikuha nga ng paboritong pakain ng Arowana sa cabinet,” utos ko. “Napansin ko kasing parang hindi pa ito napapakain ngayong umaga.”Agad naman siyang tumalima at nagtungo sa cabinet. Nang maiabot niya sa akin ang lalagyan ng feeds, m
Jane POVAraw ng Miyerkules at naisipan kong huwag munang pumasok. Kaunti na lang naman ang kailangang asikasuhin sa opisina, kaya mas pinili kong mag-stay muna sa mansiyon para kahit papaano ay makapag-relax at makapagpahinga ako.Pero hindi porke day off ko ay tutunganga na lamang ako buong araw sa kwarto. Ayaw kong mabagot sa itaas, kaya naisipan kong bumaba sa main floor at tumulong sa mga gawaing-bahay.Pagkapasok ko sa dining hall, nadatnan ko si Angeli na abalang nagva-vacuum sa sahig. Nang mapansin niya akong nagsimulang magpunas ng mesa ay agad siyang napahinto at nagsalita.“Ma’am Jane? Bakit po kayo naglilinis? Ako na po riyan, malapit na rin po akong matapos sa pagva-vacuum. Isa pa po, hindi po kayo pinagtatrabaho ni Sir Aviv rito. Baka kapag nalaman niya ito ay pagalitan niya kami,” nag-aalalang saad ni Angeli nang lumapit sa akin.Pero hindi ako nakinig sa kanya. Agad kong kinuha ang basahan na nakasuksok sa bulsa ng suot niyang maid uniform.“Naku, okay lang, Angeli. Wa
Hindi ko siya nilingon, pero sinagot ko siya gamit ang matabang na boses habang inilalapag ko muna ang hawak kong baso ng tubig sa gilid ng counter. “Kian, gabi na. Magpahinga ka na lang at huwag ka nang mag-ingay.” “Humarap ka naman sa akin, Jane... please,” nagmamakaawa niyang pakiusap habang naririnig ko ang mabibigat niyang hakbang palapit sa kinaroroonan ko. Dahan-dahan akong humarap sa kaniya at pinanatiling walang emosyon ang mukha ko. “Ano pa bang kailangan mong sabihin? Sabihin mo na dahil aakyat na ako.” Mabilis na gumalaw ang mga kamay niya at bago pa ako makaiwas, hinawakan niya ako sa magkabilang balikat. Nanginginig at mahigpit ang kaniyang pagkakahawak habang malinaw kong naaamoy ang alak na kumapit sa kaniyang katawan. “Jane, nagsisisi na ako. Sising-sisi ako sa ginawa ko sa ’yo noon,” pabulong niyang litanya na may luha sa mga mata. “Naging tanga ako kay Scarlet... Masyado akong nabulag sa kalìbugan ko kaya pinagtaksilan kita. Pero ikaw, Jane... ikaw pa rin ang
Jane POV “Hindi ko akalain na agad-agad mong palalayasin si Scarlet,” wika ko sa asawa ko habang nasa harap ako ng vanity mirror, nakaupo at marahang sinusuklay ang aking buhok. Si Aviv naman ay nakasandal sa headboard ng kama, may seryosong binabasa sa hawak niyang tablet. Pareho na kaming nakapagpalit ng pangtulog na kasuotan. Maya-maya, kapag natapos na ako sa pagsusuklay, ay sabay na kaming matutulog. “Si Kian ang nakiusap sa akin na paalisin siya agad-agad,” tugon niya na ikinahinto at ikinalingon ko sa kaniya. Napatitig siya sa akin habang bahagyang ibinababa ang tablet. “Tumawag siya sa akin kanina, pagkarating na pagkarating ko pa lang sa opisina ko. Sabi niya, hindi niya na raw kayang pakisamahan pa si Scarlet. Sa tuwing nakikita niya raw ang pagmumukha nito, naaalala niya ang mga lalaking kinakalantari nito sa labas.” Naibaba ko ang suklay sa ibabaw ng vanity organizer sa harap ng salamin. “Ayaw niya kasing maniwala sa sabi-sabi na isang pakawalang babae si Scarlet da
Isang matangkad na lalaki ang makikita sa hindi kalayuan. Nakasuot siya ng charcoal overcoat. Anino pa lang nito ay bakas na ang awtoridad at panganib. Nanlaki ang mga mata ko noong hubarin ng lalaki ang suot niyang overcoat at tumambad ang dalawang baril na nakasuksok sa kanyang tagiliran. Marahan
Jane's POV Umuulan habang tinatahak ko ang daan papunta sa charity gala ng mga Averoné. Dumaan ako sa isang liblib na shortcut dahil pinagmamadali na ako ng boyfriend ko na makarating kaagad sa destinasyon. Ito ang huling gabi na dadalo ako sa isang magarbong event na hindi pa ako kasal. Dahil buk
LORENZO GRAND HOTEL 6:00 P.M. “Wala pa ba si Kian?” boses ni Mommy, bakas sa tinig niya ang pag-aalala dahil hanggang ngayon ay wala pa rin ang groom. Kanina pa kami naghihintay sa kanya pero hanggang ngayon ay wala pa rin siya. Kapansin-pansin na rin ang inip ng mga bisitang naririto sa loob ng
Akala ng mga kakilala ko ay maswerte ako dahil ipinanganak akong mayaman, pero hindi nila alam na isa lamang akong ampon at ang nag-ampon sa akin ay ginawa lamang akong collateral sa mga utang nila sa mga magulang ni Kian.Si Daddy na sugapa sa sugal. Si Mommy na maluho at mahilig mag-travel. Wala







