เข้าสู่ระบบNakatayo siya ilang metro ang layo sa amin habang si Tito Ron naman ay nagsasalita, na parang sinasabi nitong lapitan ako, pero nanatili pa rin siyang natuod sa kinatatayuan niya. Tahimik lang siyang nakatingin sa akin pero pansin ko ang kakaibang emosyon sa mga mata niya. Napansin ko ang kakaibang takot na hinaluan ng labis na pag-aalala. Binigyan nila ako ng daan papunta sa kanya. Doon na ako dahan-dahang naglakad, pilit tinitiis ang sakit sa hita at ang kirot sa namamagang pisngi at labi ko. “Ma...” usal ko pagkahinto ko sa harapan niya. “Ma, gusto ko lang—” Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang bigla siyang lumapit. At bago pa ako makagawa ng kahit ano, mahigpit niya akong niyakap. Napako ako sa kinatatayuan ko. Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang paghikbi niya. Mahigpit niyang isiniksik ang ulo ko sa balikat niya na para bang natatakot siyang mawala ulit ako. “M-Mabuti naman at ligtas ka... Jane. Diyos ko, anak...” Nanginginig ang boses niya. Maya-maya, bahagy
Napaatras ako nang bahagya sa sinabi niya. “Pero si Mama... pinapaalis na niya ako. Galit siya sa akin, Aviv.” Isang malumanay na ngiti ang gumuhit sa labi niya. Umiling siya at mas hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko. “Pag-uwi natin sa bahay ng nanay mo, ihanda mo ang sarili mo.” “Anong ibig mong sabihin?” hindi ko maintindihang tanong sa kaniya. Hindi siya agad sumagot. Sa halip, sinenyasan niya ang medic na tapusin na ang pag-aayos sa bandage ng braso niya. Nang matapos ang mga ito, inaya niya ako na lumabas ng bulwagan. Nang malapit na kami sa nakaparadang helicopter, hinarap ko siya. “Husband...” panimula ko habang diretso akong nakatitig sa mga mata niya. “Paano mo nagawa 'yon?” Bumaling siya sa akin, napalukot ang noo. “Ang alin?” “Nung pinagsisipa ka ni Donato,” bahagyang nanginig ang boses ko habang naaalala ang eksenang iyon. “Tiningnan ni Scarlet ang pulso mo sa leeg. Narinig ko mismo, sinabi niyang patay ka na dahil wala na siyang naramdamang tibok ng puso o pu
Jane POV Napakapal pa rin ng usok sa loob ng bulwagan. Halos mabingi ako sa halo-halong ingay ng mga taong inaaresto ng elite security personnel, at ang kalansing ng mga gamit ng mga medic para gamutin ang mga may sugat. Sa gitna ng lahat ng kaguluhan, tanging ang lalaking nakaupo sa wheelchair sa harapan ko ang nakikita ko. Puno ng pasa ang mukha niya. May malalim na hiwa sa pisngi niya, at ang guwapong mukha ay may natuyong dugo. Mahigpit na nakatali ang kaliwa niyang braso dahil sa sugat na natamo niya mula sa baril. Pero sa kabila ng lahat ng iyon, nakatitig pa rin siya sa akin na parang ako lang ang mundo niya. “Sir,” usal ni Feid pagkalapit sa kanya. “Nakatakas po si Donato kasama si Scarlet. Pero ang grupo po ni Bryce ay nahuli na at kasalukuyan nang ginagapos ng team,” seryosong ulat nito. Bahagyang napailing si Aviv, bakas ang pagod at pagkadismaya sa mga mata niya. “Ang tinik din talaga ng Donato na iyon. Sadyang binibigyan pa siya ng langit ng pagkakataong mabuhay para
“Ano, manonood ka na lang ba?”“N-No… please…” pagmamakaawa ng asawa ko sa nanghihinang boses. “Don’t you dare, Scarlet. Kapag itinuloy mo iyan, mananagot ka,” may gigil niyang saad.Napahalakhak lamang ang anim bago lumapit si Donato. Sinipa niya si Aviv sa tiyan, dahilan para mapaubo siya. Muli nitong sinipa ang asawa ko, mas malakas pa kaysa sa una, at pagkatapos ay inapakan ang dibdib niya nang may pwersahang pagbagsak ng paa, dahilan para umubo siya ng dugo.“No, please! Let him go. Just kill me already, basta buhayin n’yo lang ang asawa ko.”Pero hindi nakinig si Donato. Walang tigil niyang pinagsisipa ang asawa ko hanggang sa tuluyan na nitong naipikit ang mga mata.Iniatras ni Scarlet ang kutsilyo at tuluyan nang umagos ang dugo mula sa maliit na sugat sa pagitan ng dibdib ko.“Did you already kill him?!” Lumapit si Scarlet at napaupo para hipuin at suriin ang pulso sa leeg ni Aviv.“Fuck, Donato! He is not breathing anymore!” hiyaw niya, na siyang ikinapanghina ng mga tuhod k
Unang sumugod ang tatlong malalaking tauhan. Umiwas si Aviv sa unang suntok at mabilis na pinalapat ang siko niya sa leeg ng isa, dahilan para lumutong ang buto nito at bumagsak. Kinuha niya ang braso ng ikalawa, binali ito pabalik, at ginamit ang katawan nito bilang panangga sa sipa ng ikatlo.Habang itinutumba niya ang limang sumugod sa kanya, agad namang may sumunod na sampu at sinugod siya mula sa likod at gilid. Isang malakas na sipa ang humampas sa likod ng asawa ko, dahilan para napaluhod siya sandali. Bago pa siya makabangon, dalawang malalakas na sipa ang tumama sa tagiliran niya.“Aviv!” sigaw ko habang lumuluha.Pero lumaban pa rin siya. Kahit may dugo na sa gilid ng bibig at may mga pasa nang namumula sa mukha niya, tumatayo at tumatayo pa rin siya.Nagpakawala siya ng isang mabilis na spinning back kick na nagpatapon sa dalawang kalaban papunta sa mga sirang upuan. Bawat bagsak ng kalaban ay may kasamang bali ng buto, pero dahil sa dami nila, unti-unting napapagod ang kat
Jane POVNang unti-unti nang ibaba ni Scarlet ang kamay niya habang nakatingin kay Aviv, nagpigil ako ng hininga. Pero bago pa man ito tuluyang bumagsak, nagsalita si Aviv sa gitna ng mabigat at mapanganib na tensiyon.“What do you want from me? You want me to beg? Get down on my knees and plead with you? Cry and beg you to spare my wife’s life?” malamig at walang kahit anong takot na tanong ni Aviv sa lahat.Napangiti si Scarlet at pinigilan ang pagbaba ng kamay niya. “Yes. Beg for her life, Aviv. Go ahead. Let’s see just how pathetic you’ll look on your knees, begging for that worthless wife of yours!”Saglit na natahimik si Aviv. Sa harap ng napakaraming baril na nakatutok sa kanya, bago niya sinunod ang utos ni Scarlet, unti-unti siyang napaluhod sa gitna ng bulwagan.“Donato, kinagagalak kitang makita ulit,” nakangising saad ng asawa ko habang nakaluhod na sa malamig na semento. “At kayo rin,” tukoy niya sa grupo ni Bryce. “Napadpad
Nasa loob na ako ng isang bakanteng kuwarto dito sa bahay nina Lolo Esteban at Lola Alicia. Katatapos ko lang maligo at ngayon ay abala na ako sa pagpapatuyo ng buhok ko gamit ang tuwalya. Naibaling ko ang tingin sa pintong gawa sa lumang tabla. Unang pumasok si Lola Alicia, kasunod si Aviv na may
“Paano po ’yung kotse ko, sir?” ani ko, sabay lingon sa kotse kong nakaparada sa gilid ng kalsada “I’ll have my staff to take care of your car,” he said calmly. “Get in,” utos niya pagkabukas ng pinto kaya walang sabi-sabing sumunod ako. Pagkaupo ko sa mamahaling leather seat, muli akong napaya
LORENZO GRAND HOTEL 6:00 P.M. “Wala pa ba si Kian?” boses ni Mommy, bakas sa tinig niya ang pag-aalala dahil hanggang ngayon ay wala pa rin ang groom. Kanina pa kami naghihintay sa kanya pero hanggang ngayon ay wala pa rin siya. Kapansin-pansin na rin ang inip ng mga bisitang naririto sa loob ng
Akala ng mga kakilala ko ay maswerte ako dahil ipinanganak akong mayaman, pero hindi nila alam na isa lamang akong ampon at ang nag-ampon sa akin ay ginawa lamang akong collateral sa mga utang nila sa mga magulang ni Kian.Si Daddy na sugapa sa sugal. Si Mommy na maluho at mahilig mag-travel. Wala







