Share

Kabanata 95

Author: Divina Gracia
last update publish date: 2026-07-31 22:03:42

Sino ang gugustuhing magpabuntis sa lalaking pakakasalan naman ng ibang babae? Sumisigaw ang kaniyang isip, ngunit walang salitang lumalabas sa kaniyang bibig.

“I don’t need this—”

“You need it!” Giit nito, pinutol siya.

Gusto niyang ipaliwanag na hindi naman siya ginagalaw ni Aeros at ramdam niyang wala pa itong balak na galawin siya.

Ilang beses na silang naghalikan ni Aeros. Ilang beses na siyang muntik na madarang ng apoy, ngunit si Aeros, malakas ang kontrol nito sa sarili. Hindi sila k
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Substitute Bride of the Ruthless Tycoon   Kabanata 97

    Nakabalik sila sa kanilang mesa, ngunit natutulala pa rin siya sa kawalan. Ni hindi niya napansin na pinaupo na siya ng kaniyang ina sa tabi ni Aeros.Nasabi na sa kaniya ni Lavender na lumuwas nga raw ng Manila si Dale dahil hindi siya mahanap sa Cagayan de Oro. Nabanggit din ng kaniyang ina sa mga text messages nito na nagpunta si Dale sa bahay nila at tinanong kung nasaan siya.Naniwala siyang nasa Manila si Dale dahil kayang-kaya naman talaga nitong tumira sa Manila ng ilang araw. Ngunit wala sa isip niya na posibleng magkita ulit sila habang nananatili ito rito.“Are you okay?” Mahinang bulong ni Aeros sa kaniyang tabi.Napakurap siya ng mabilis at napalingon dito. Ang malamig nitong mga mata ang agad na bumati sa kaniya.Kanina pa pala nito pinagmamasdan ang namumutla niyang mukha.Sinubukan niyang ngumiti ngunit nanginginig ang kaniyang mga labi.Marahan na lamang siyang tumango.“I’m fine…”Kumunot ang noo nito. Parang hindi ito naniniwala, ngunit hindi na muling nagtanong.“Y

  • Substitute Bride of the Ruthless Tycoon   Kabanata 95

    Sino ang gugustuhing magpabuntis sa lalaking pakakasalan naman ng ibang babae? Sumisigaw ang kaniyang isip, ngunit walang salitang lumalabas sa kaniyang bibig.“I don’t need this—” “You need it!” Giit nito, pinutol siya. Gusto niyang ipaliwanag na hindi naman siya ginagalaw ni Aeros at ramdam niyang wala pa itong balak na galawin siya. Ilang beses na silang naghalikan ni Aeros. Ilang beses na siyang muntik na madarang ng apoy, ngunit si Aeros, malakas ang kontrol nito sa sarili. Hindi sila kailanman lumagpas sa halikan. “Please, Rory, take these. I want you to be safe—” “This is how you’re keeping me safe?” Sarkastiko niyang tanong. Natigilan si Lorna. Pumiksi siya sa hawak nito at muli namang umatras, hindi na ngayon sumunod si Lorna, hinayaan na nito ang distansya sa pagitan nila.Tiningnan niya ito ay hindi na itinago ang sakit at kabiguan sa kaniyang mga mata. Gusto niyang makita nito ang nararamdaman niya. “I don’t understand why you're doing this... Kung gusto mo naman pa

  • Substitute Bride of the Ruthless Tycoon   Kabanata 45

    Nagmamadali nitong binuksan ang dalang clutch bag at inilabas ang tatlong kulay pink na karton. Tiningnan niya iyon at nang mabasa ang nakasulat sa packaging ay napaatras na lamang siya. Pills nga ang dala ng kaniyang ina. Para siyang nae-eskandalo habang lumalayo rito. Wala pang nangyayari sa kanila ni Aeros. Sa ilang araw nila sa Casa Verde, hindi pa sila nagtatalik. Hindi siya nito pinagsamantalahan o pinilit man.Kahit na noon una’y iyon din ang iniisip niya kay Aeros, na pagsasamantalahan siya nito, napatunayan sa kaniya ng lalaki na hindi iyon ang habol nito sa kaniya.Aeros is not that worldly.“I bought these pills for you. Bumili na ako ng marami para makasigurado na palagi kang may-stock.”Umiling siya at naeeskandalong tiningnan ang kaniyang ina.Seryoso ba ito na bibigyan siya ng pills?Parang may sumipa sa kaniyang tiyan. Kailanman, hindi siya nakapagsabi sa kaniyang Mommy tungkol sa mga lalaki. Kahit ang tungkol sa kaniyang mga crush noong hayskul siya ay iniiwasan ni

  • Substitute Bride of the Ruthless Tycoon   Kabanata 94

    Dahil sa sinabi ng kaniyang ina, kinailangan na palitan ang kaniyang dessert ng plant-based milk kaysa sa dairy milk. Iyon nga lang, nang iserve sa kaniya ang panibagong dessert ay hindi niya rin nagawang kainin dahil ang toppings nito’y pistachios.May severe allergy siya sa mani at halos lahat ng klase ng nuts. Nahihirapan siyang huminga at agad na mumula ang kaniyang balat kapag nakakakain siya maski kaunti lang no’n.Ngunit mukhang hindi alam ng kaniyang ina ang bagay na ’yon, kaya nang ilapag sa kaniyang harap ang pistachio tiramisu ay hindi na ito nagreact kagaya kanina.See, the difference now, Rory. Mapait na bulong ng kaniyang isip.Alam ng kaniyang ina na lactose intolerant si Wenona, ngunit hindi nito alam na may allergies siya sa nuts. Kahit na siya ang anak, mas kilala pa rin nito si Wenona kumpara sa kaniya.Sa ilang taon na magkakasama sila sa iisang bubong, napapansin niya kung paano alagaan ng kaniyang Mommy ang mga anak ni Christian. Palagi itong maingat at mapili sa

  • Substitute Bride of the Ruthless Tycoon   Kabanata 93

    Parang bumaba ang tensyon nang sa wakas ay ma-e-close na ang deal. Nakita niya kung paano lumuwag ang paghinga ng kaniyang ina. Huminga ito ng malalim at masuyong ngumiti sa kanilang dalawa ni Aeros. May lambing din sa mga tingin nito, tila nagpapasalamat sa kaniyang pagtulong. Pagkatapos ng deal, inanyayahan na silang kumain ni Aeros. Napansin din kasi nito na walang gumagalaw sa pgkain. “T-thank you.” Utal niyang sabi nang biglang pinagpalit ni Aeros ang kanilang mga pinngan. Pinaghiwa siya nito ng steak upang hindi na siya mahirapan, nagulat pa nga siya noong pinagpalit nito ang kanilang mga plato dahil nauna nitong paghiwa-hiwain ang karneng naroon. Hindi niya inaasahan na maiisip ni Aeros ang bagay na ’yon.Another thoughtful from this ruthless man. Bulon niya habang sumusugat ang ngiti sa kaniyang labi. Samantalang nasulyapan naman niya ang pagkakatigil ng kaniyang ina sa pagsubo. Tingnan nito ang platong nasa harap niya at unti-unting nag-angat ng tingin sa kaniya. Na

  • Substitute Bride of the Ruthless Tycoon   Kabanata 92

    Dumating ang server kaya naisturbo na naman ang pag-uusap ng dalawa. Hinayaan na lang muna nila na ilatag ang kanilang pagkain bago bumalik sa usapan.Nang tapos nang ilagay sa mesa ang kanilang steak, nag-angat agad ng tingin si Christian kay Aeros sa huminga ng malalim. “55%… that’s majority control. This was my life’s work, Aeros. Can we adjust that? A share that is still substantial, still enough to protect your investment. Say, I'll let you have the 45% share of the company, instead of 55%.” Maingat ang pagkakasabi ni Christian ngunit bakas ang determinasyon sa mukha nito na makipag-negotiate ng maayos at tama. Sa isip ni Rory, tama nga rin naman si Christian. Masyadong malaki ang 55% share na hinihingi ni Aeros. Kung mas malaki pa ang share nito sa kompanya ni Christian, parang co-owner na rin ito! Posible pa ngang mabilis nitong ma-acquire ang kompanya dahil sa share nito. Ngunit marahan na iniiling ni Aeros ang ulo upang tumanggi. “45% won’t give me the authority to

  • Substitute Bride of the Ruthless Tycoon   Kabanata 4

    Agad na nagmarka sa kaliwang pisngi ni Samantha ang kaniyang palad. Hindi agad nakakilos ang babae sa pinaghalong gulat at pagkalito sa nangyari.Ngunit ilang sandali lang, napabaling ito ng tingin sa kaniya. Buong mukha nito ang agad na namula at ang mga mata nito’y napuno ng galit at poot.“Walan

  • Substitute Bride of the Ruthless Tycoon   Kabanata 3

    Ilang beses nang naimagine ni Rory ang muli nilang pagkikita ni Samantha. Sa kaniyang imahinasyon at gawa-gawang senaryo, sa pagkikita nilang muli ni Samantha ay lalapit ito sa kaniya at hihingi ng tawad sa lahat ng nagawa nito sa kaniya. May luha pa sa mga mata ng babae habang inaamin nito ang lah

  • Substitute Bride of the Ruthless Tycoon   Kabanata 2

    Ilang segundo na tinititigan lamang ni Rory ang mensahe ng kaniyang ina.Kaya siya lumayo at nagpokus sa pagbabasa ng mensahe nito dahil akala niya’y may nangyaring masama rito.Simula noong umalis siya ng Manila at piniling manirahan dito sa Cagayan de Oro ay hindi na sila gaanong nag-uusap ng kan

  • Substitute Bride of the Ruthless Tycoon   Kabanata 1

    “Totoo ba na nakauwi na ng Cagayan ang kapatid mo, Dale?” Kuryusong tanong ng isang boses na sadyang nagpatigil kay Rory sa harap ng nakasiwang na pinto.“Hindi ka ba natatakot na baka magalit si Rory kung sakaling malaman niyang nakauwi na si Samantha?”Nanlamig agad ang sikmura ni Rory nang bangg

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status