INICIAR SESIÓN“Hindi ka pinapayag na lumabas at gumala. Wow. You’re a changed man? Iba na ‘yan.” Patuloy ni Jeremy, hindi man lang natinag sa kaniyang pagmumura. “Alyssa’s never been my girlfriend, you bastard.” Diretsahan niyang sabi. Naalala niya bigla si Huxley, noong huli silang mag-usap sa isang virtual meeting, nabanggit din nito si Alyssa. Iniisip ng mga kaibigan niya na ang pagkikita nila noon ng aktres sa Paris ay sinadya at hindi nagkataon na lamang. “E, kung hindi si Alyssa ang pumipigil sa’yo, sino? Para kang si Tristan… masyado kayong nagpapa-under sa babae.” Nagtagis ang kaniyang bagang. Ang mga matang madidilim ay lalong nilamon ng dilim. Sa isip niya, ang sarap bigwasan ng kaniyang kausap. “And you’re giving your d*mn opinion about women like you didn't fail three engagements last year.” Puno ng sarkasmo niyang sabi. Kita niya ang pagkakatigil ni Jeremy sa kinatatayuan nito. “Hey… hey…” itinaas nito ang dalawang kamay na parang sumusuko, saka tumawa ng walang emosyon.
Pagkapasok sa loob ng bahay ni Aeros, sakto namang naglalapag ng snack ang isang kasambahay sa ibabaw ng coffee table sa may sala. Samantalang prente namang nakaupo sa mahabang sofa ang kaniyang bisita at nginitian pa ang babaeng kasambahay nang tapos na itong maglagay ng meryenda. “Thank you.” Sabi nito, naniningkit ang mga mata dahil sa pagngiti.Namula ang mukha noong babae, at nahihiyang tumango saka dali-daling naglakad palayo. Gusto niyang mapailing, hindi niya naisip na kahit sa Antipolo, sa dating bahay, ay mahahanap siya ng isa sa kaniyang mga kaibigan upang isturbuhin. Sa isip-isip niya, mukhang hindi niya talaga matatakasan ang sinuman sa kanila. Akalain mong kahit na wala naman siyang sinabihan na pupunta siya ng Antipolo ay may bumisita pa rin. “Ano'ng ginagawa mo rito?” Tanong niya nang malapit na siya sa sala. Nag-angat ng mukha ang lalaki. Sinalubong siya ng tingin ng singkit nitong mga mata at bigla na lamang ngumiti. Kumunot naman ang kaniyang noo. Matagal
Umiling siya, hindi na niya alam kung ano ang sasabihin. Nakakagulat isipin na si Aeros na mismo ang nagboboluntaryo na ibigay sa kaniya ang kaalaman na kailangan niya para mas makilala ito. “Ikaw… saan ka lumaki?” Tanong nito pabalik nang hindi na siya makapagsalita. Nanigas siya sa kaniyang kinauupuan, at mukhang naramdaman iyon ni Aeros dahil napatitig ito sa kaniya. Hindi niya inaasahan na magtatanong ito. “Ah… sa Makati rin.” Mahina niyang sabi nang makabawi. “Doon sa bahay na pinuntahan natin. My… parents bought it when they got married. Doon ako… lumaki.” Si Wenona, sa bahay na ‘yon lumaki simula pagkabata. Ang mga magulang ni Wenona ang bumili ng bahay na ’yon kaya iyon ang sinabi niya.Pero totoo rin naman na sa bahay na ‘yon na siya nagkaisip at lumaki. Doon namulat ang kaniyang mga mata sa reyalidad. Napatulala siya nang biglang may maalala. Noon, dahil palipat-lipat ng trabaho ang kaniyang Daddy, ilang beses din nilang kailangan na lumipat ng tirahan. Nangu
Masaya siya kahit paano sa naging desisyon ni Aeros. Ang ilang araw na palugit ay sapat na para makapagpahinga naman kahit paano ang Auntie Sleigh nito sa problemang kinakaharap. Bilang babae, nauunawaan niyang nahihirapan magdesisyon ang ginang sa diborsyo nito. Maliban sa sariling damdamin, kailangan din nitong isipin ang kapakanan ng anak. At sa kagaya nitong Pilipina, mas prioridad nito ang magkaroon ng buo at masayang pamilya. Kaya alam niya... nahihirapan itong pakawalan ang asawa kahit na nalaman na nitong nagloloko na ang lalaki. “Isama na lang kaya natin sa Casa Verde ang Auntie Sleigh?” tanong niya kay Aeros. Simula nang ihatid niya ito sa kuwarto at nagpaalam na magpapahinga na muna, hindi pa ulit ito bumababa at nagpapakita sa kanila. Marahil ay napagod ng husto sa pag-iyak kaya hanggang ngayon ay tulog pa. Nakapagpasya na rin sila ni Aeros na magpalipas na lang muna ng gabi rito sa Antipolo at bukas na ng umaga bumyahe papunta ng Casa Verde. Hindi pa kasi nila u
Pagkababa niya, naabutan niyang may katawagan si Aeros sa telepono nito. Nang makita siyang papasok ng kusina ay mabilis din nitong pinutol ang tawag. Magkasalubong ang makakapal nitong kilay at ang madilim na mga mata'y wala pa rin halos pinagbago. Mukha pa rin itong galit at nag-aalala. Nauunawaan niya iyon. Mabagal siyang naglakad at sinundan ng tingin ang kamay nito nang ibaba sa ibabaw ng island counter and cellphone. “It’s my secretary.” Mabilis nitong sabi, kahit hindi naman siya nagtatanong. Marahan siyang tumango. Bumalik ulit siya sa pagkakaupo sa mataas na upuan ng island counter. “I wanna check Auntie Sleigh’s properties. Umuwi iyon ng biglaan, baka mapabayaan ang ari-arian sa ibang bansa at pagsamantalahan ng…” Tumango siya, hindi na kailangan ni Aeros na magpaliwanag. “Where is she?” Lumambot ang emosyon sa mga mata nito. Minsan lamang magpakita ng totoong emosyon si Aeros, at sa tuwing nakikitaan niya ito ng emosyon ay namamangha siya. Hindi naman pa
“How about Radcliff? Where is he now? Akala ko kasama mo siyang umuwi.” Tanong ni Aeros, mas seryoso lalong sumeryoso ang mukha.Hindi niya alam kung sino iyong tinutukoy ni Aeros, ngunit may pakiramdam siyang anak o pamilya ng tiyahin nito. Mariin na umiling si Sleigh. May sakit pa rin sa mga mata nito, ngunit dahil nang hihina na ay hindi na rin halos makapagsalita.Inabot nito ang baso ng tubig at uminom. “Iniwan ko siya kay Clint… I enrolled him last week. He’s in his sixth grade now, so I can’t… take him with me.” Bigo nitong sabi. Humilig sa kabilang side ng island counter si Aeros. Hindi niya malaman kung ano ang nararamdaman at iniisip nito dahil walang emosyon ang guwapo nitong mukha, at madilim masyado ang mga mata— parang ulap na nagkatitipon para ihanda ang isang malakas na bagyo. “I can do something about your son, Auntie. Pwede natin siyang iuwi ngayon din.” “No…” nanghihinang umiling ang babae. “No, Aeros. Cliff is not used to our weather here. Kagaya iyon ng Dadd
Agad na nagmarka sa kaliwang pisngi ni Samantha ang kaniyang palad. Hindi agad nakakilos ang babae sa pinaghalong gulat at pagkalito sa nangyari.Ngunit ilang sandali lang, napabaling ito ng tingin sa kaniya. Buong mukha nito ang agad na namula at ang mga mata nito’y napuno ng galit at poot.“Walan
Ilang beses nang naimagine ni Rory ang muli nilang pagkikita ni Samantha. Sa kaniyang imahinasyon at gawa-gawang senaryo, sa pagkikita nilang muli ni Samantha ay lalapit ito sa kaniya at hihingi ng tawad sa lahat ng nagawa nito sa kaniya. May luha pa sa mga mata ng babae habang inaamin nito ang lah
Ilang segundo na tinititigan lamang ni Rory ang mensahe ng kaniyang ina.Kaya siya lumayo at nagpokus sa pagbabasa ng mensahe nito dahil akala niya’y may nangyaring masama rito.Simula noong umalis siya ng Manila at piniling manirahan dito sa Cagayan de Oro ay hindi na sila gaanong nag-uusap ng kan
“Totoo ba na nakauwi na ng Cagayan ang kapatid mo, Dale?” Kuryusong tanong ng isang boses na sadyang nagpatigil kay Rory sa harap ng nakasiwang na pinto.“Hindi ka ba natatakot na baka magalit si Rory kung sakaling malaman niyang nakauwi na si Samantha?”Nanlamig agad ang sikmura ni Rory nang bangg







