Mag-log inIpinakilala sa kaniya ni Aeros ang iba't ibang species ng mga ibon na nakatira sa wooden nests. Ang ilan ay nakalimutan na niya ang pangalan, ngunit ang ilan ay naalala niya. Mayroong bato-bato, tandikan, maria-capra at mga maya. Ayon pa kay Aeros, napansin nitong kahit halo-halo ang mga ibong nakatira sa mga wooden nests, parang may kaniya-kaniya pa rin silang community. Itinuro nito kung saang parte ng kakahuyan madalas tumitira ang mga maria-capra, saan natutulog ang mga bato-bato at kung ano-anong species ang nakikipag-interact sa isa't isa. At habang ipinapaliwanag iyon ni Aeros, namamangha siya. Parang hindi ito malupit na negosyante kung magpaliwanag, para itong environment and animal advocate. Ramdam niya ang sensiridad nito sa pagkilala sa mga ibon at natural na tirahan ng bawat uri. “Gaano na katagal itong mga wooden nest?” Tanong niya. Nakaupo na sila ngayon sa kahoy na platform. Mula rito'y natatanaw pa rin naman nila ang mga nakasabit na wooden nests. Hindi nga lang
Umakyat sila ni Aeros sa hagdanan at nang makarating sa wooden planks ay agad na napansin ang isang kagamitan na tinabunan ng makapal na puting cover. Nasa dulo iyon ng wooden planks. Hinila ni Aeros ang puting plastic cover at tumambad sa kaniyang paningin ang malaking telescope.Naalala niya bigla na noong elementarya pa lamang siya, isa lang ang telescope sa kanilang paaralan. Nag-aaway-away pa sila ng mga kaklase niya para lang makagamit no’n.Magkano ba isa nito at bakit may sariling telescope sa gitna ng kakahuyan si Aeros?Nilingon siya ni Aeros nang naramdaman nitong hindi siya lumapit. Pinanood niya lamang na ayosin nito ang equipment. “Madalas namin gamitin ang telescope para makita kung anong mga species ang naidagdag.” Paliwanag nito kahit na hindi naman siya nagtanong.Marahil ay nakita nito ang pagtataka sa kaniyang mukha. Mabagal siyang lumapit sa telescope habang inaayos iyon ni Aeros. Ang malaking lense nito’y nakatutok na sa itaas kung nasaan naroon ang mga woo
Habang tumatagal ang kanilang paglalakad, napapansin niya na lumalakas ang huni ng mga ibon. Napapatingala siya sa matataas na puno ngunit wala naman siyang makitang mga ibon na nakadapo. Sobrang kalmado ng paligid. Ang amoy ng preskong hangin, mga dahon at mga damo ang siyang pumupuno sa kaniyang baga. Nagiging magaan ang kaniyang paghinga. Nakakarelax din ang haplos ng malamig na hangin na humahaplos sa kaniyang pisngi. At ang sarap nito sa pakiramdam na maging parte ng isang payapang lugar. Hindi rin nagtagal, napansin niyang parang elevated na ang kanilang dinadaanan. “Aeros… saan tayo pupunta?” Tanong niya rito. Nilingon siya nito at nakitang nahuhuli na siya. Kumpara naman kasi sa biyas ni Aeros, mas maiiksi ang sa kaniya kaya bawat isang hakbang nito ay kailangan niyang humakbang ng dalawa. Mapag-iiwan talaga siya. “Just come, I'll show you.” May multo na ng ngiti sa labi nito. Tingnan mo nga naman kung gaano kamoody ang isang ito. Kani-kanina lang ay mukhang badtri
Tinulungan siya ni Aeros na makaakyat sa likod ni Atlanta. Mayroon namang platform na inihanda para mabilis niyang maakyat si Atlanta, pero hindi niya rin iyon nagamit dahil binuhat siya ni Aeros at walang kahirap-hirap na naisampa sa likod ng kabayo.Nagulat siya noong una, lalo na't akala niya'y hahayaan siya ni Aeros na subukang umakyat nang mag-isa sa likod ni Atlanta. Iyon nga lang, hindi na rin siya nakapagprotesta dahil mabilis din siya nitong isakay sa kabayo. Hinila ni Jose ang lubid nang biglang gumalaw si Atlanta. Tinulungan siya nitong pakalmahin ang kabayo, ngunit maski ang lubid ay kinuha rin ni Aeros sa tauhan para ito na ang maggiya sa kabayo. Napakunot ang kaniyang noo. Nagtataka siya sa ikinikilos ni Aeros. Seryoso ang ekspresyon ng mukha ng binata at para pang devoted ito masyado na pakalmahin ang kabayo kahit na mukhang aburido. “Easy, girl.... easy.“ Hinaplos nito ang gilid ng ulo ni Atlanta upang paamuin. Umiwas saglit ang kabayo, ngunit kalauna'y hindi na
Bago pa mag-ala una ay nasa casita na siya para magpalit ng damit. Sobra-sobra ang nararamdaman niyang pagsisisi dahil pinatigil na nang tuluyan ni Aeros ang virtual meeting dahil lang sa sinabi niya kanina sa hapagkainan. Ayaw niyang makialam sa trabaho ni Aeros, ngunit dahil sa simpleng kumento niya'y hindi niya inaasahan na bigla na lamang itong magdedesisyon na i-reschedule na naman ang meeting na nasimulan na. Ang dapat na alas dos nilang pangangabayo ay naging ala una ngayong hapon. Pinabalik siya ni Aeros sa casita para makapagpalit ng damit na angkop sa kanilang gagawin. Samantalang nagpaiwan naman ito saglit sa casa para ibilin sa mga tauhan sa kuwadra na ilalabas ang dalawang kabayo— si Atlanta at Goliath. Nagtungo siya sa kabinet at naghanap ng maisusuot. Nang malaman ni Aeros na wala siyang angkop na kasuotan para sa pagsakay ng kabayo, nagpabili agad ito sa mall. Wala siyang kaalam-alam na may inutusan na pala ito para ipag-shopping siya ng mga damit. Saka niya lam
“You don’t eat much in every meal.” Puna nito nang makitang halos kalahati pa ang nasa pinggan niya samantalang malapit nang maubos ang pagkain nito. Mas marami rin ang nailagay niyang kanin kanina sa pinggan ni Aeros, pero mauuna pa yata itong matapos sa kaniya. “Mabagal din kasing mag-digest ang tiyan ko kaya mabilis akong mabusog at matagal namang magutom.” Paliwanag niya. Dahil sa pagkakaaksidente niya noon, naging mahirap na para sa kaniya ang kumain ng marami. Pinagbawalan siya ng doktor na kumain ng matagal e-digest, at hindi rin siya pinayagan na kumain ng sobra sa tatlong beses sa isang araw. Kaya nasanay na rin siya na halos kakaunti lang ang kinakain. Nakita niyang sinulyapan ni Aeros ang kaniyang katawan, parang sinisipat ang hubog niyon. Napakunot ang kaniyang noo. Kahit na kaunti lang ang kinakain niya araw-araw, may sapat naman iyong nutrisyon para sa kaniyang katawan. Hindi naman siya ganoon kapayat, may laman naman kahit paano ang kaniyang katawan. Imposib
“Aeros?” Napalingon sila sa may hagdan nang marinig na may tumawag sa pangalan ni Aeros. Isang matandang kasambahay ang umaakyat sa hagdan. Nakasuot ito ng unipormeng pangkasambahay. Puno na ng puti ang buhok nito, ngunit kahit na mukhang lagpas sesenta na ito ay malakas pa rin. “Ngayon ko lang
Kabanata 5Nagising si Rory na sobrang sakit ng katawan, lalo na ng kaniyang balikat na binalot na ng gauze. Sinubukan niyang bumangon, nahihilo siya at alam niyang ilang minuto na lang ay siguradong aakyat na ang asido sa kaniyang lalamunan. Nasapo niya ang kaniyang noo na mayroon din palang gauz
Ilang segundo na tinititigan lamang ni Rory ang mensahe ng kaniyang ina.Kaya siya lumayo at nagpokus sa pagbabasa ng mensahe nito dahil akala niya’y may nangyaring masama rito.Simula noong umalis siya ng Manila at piniling manirahan dito sa Cagayan de Oro ay hindi na sila gaanong nag-uusap ng kan
“Totoo ba na nakauwi na ng Cagayan ang kapatid mo, Dale?” Kuryusong tanong ng isang boses na sadyang nagpatigil kay Rory sa harap ng nakasiwang na pinto.“Hindi ka ba natatakot na baka magalit si Rory kung sakaling malaman niyang nakauwi na si Samantha?”Nanlamig agad ang sikmura ni Rory nang bangg







