LOGINNagmamadali nitong binuksan ang dalang clutch bag at inilabas ang tatlong kulay pink na karton. Tiningnan niya iyon at nang mabasa ang nakasulat sa packaging ay napaatras na lamang siya. Pills nga ang dala ng kaniyang ina. Para siyang nae-eskandalo habang lumalayo rito. Wala pang nangyayari sa kanila ni Aeros. Sa ilang araw nila sa Casa Verde, hindi pa sila nagtatalik. Hindi siya nito pinagsamantalahan o pinilit man.Kahit na noon una’y iyon din ang iniisip niya kay Aeros, na pagsasamantalahan siya nito, napatunayan sa kaniya ng lalaki na hindi iyon ang habol nito sa kaniya.Aeros is not that worldly.“I bought these pills for you. Bumili na ako ng marami para makasigurado na palagi kang may-stock.”Umiling siya at naeeskandalong tiningnan ang kaniyang ina.Seryoso ba ito na bibigyan siya ng pills?Parang may sumipa sa kaniyang tiyan. Kailanman, hindi siya nakapagsabi sa kaniyang Mommy tungkol sa mga lalaki. Kahit ang tungkol sa kaniyang mga crush noong hayskul siya ay iniiwasan ni
Dahil sa sinabi ng kaniyang ina, kinailangan na palitan ang kaniyang dessert ng plant-based milk kaysa sa dairy milk. Iyon nga lang, nang iserve sa kaniya ang panibagong dessert ay hindi niya rin nagawang kainin dahil ang toppings nito’y pistachios.May severe allergy siya sa mani at halos lahat ng klase ng nuts. Nahihirapan siyang huminga at agad na mumula ang kaniyang balat kapag nakakakain siya maski kaunti lang no’n.Ngunit mukhang hindi alam ng kaniyang ina ang bagay na ’yon, kaya nang ilapag sa kaniyang harap ang pistachio tiramisu ay hindi na ito nagreact kagaya kanina.See, the difference now, Rory. Mapait na bulong ng kaniyang isip.Alam ng kaniyang ina na lactose intolerant si Wenona, ngunit hindi nito alam na may allergies siya sa nuts. Kahit na siya ang anak, mas kilala pa rin nito si Wenona kumpara sa kaniya.Sa ilang taon na magkakasama sila sa iisang bubong, napapansin niya kung paano alagaan ng kaniyang Mommy ang mga anak ni Christian. Palagi itong maingat at mapili sa
Parang bumaba ang tensyon nang sa wakas ay ma-e-close na ang deal. Nakita niya kung paano lumuwag ang paghinga ng kaniyang ina. Huminga ito ng malalim at masuyong ngumiti sa kanilang dalawa ni Aeros. May lambing din sa mga tingin nito, tila nagpapasalamat sa kaniyang pagtulong. Pagkatapos ng deal, inanyayahan na silang kumain ni Aeros. Napansin din kasi nito na walang gumagalaw sa pgkain. “T-thank you.” Utal niyang sabi nang biglang pinagpalit ni Aeros ang kanilang mga pinngan. Pinaghiwa siya nito ng steak upang hindi na siya mahirapan, nagulat pa nga siya noong pinagpalit nito ang kanilang mga plato dahil nauna nitong paghiwa-hiwain ang karneng naroon. Hindi niya inaasahan na maiisip ni Aeros ang bagay na ’yon.Another thoughtful from this ruthless man. Bulon niya habang sumusugat ang ngiti sa kaniyang labi. Samantalang nasulyapan naman niya ang pagkakatigil ng kaniyang ina sa pagsubo. Tingnan nito ang platong nasa harap niya at unti-unting nag-angat ng tingin sa kaniya. Na
Dumating ang server kaya naisturbo na naman ang pag-uusap ng dalawa. Hinayaan na lang muna nila na ilatag ang kanilang pagkain bago bumalik sa usapan.Nang tapos nang ilagay sa mesa ang kanilang steak, nag-angat agad ng tingin si Christian kay Aeros sa huminga ng malalim. “55%… that’s majority control. This was my life’s work, Aeros. Can we adjust that? A share that is still substantial, still enough to protect your investment. Say, I'll let you have the 45% share of the company, instead of 55%.” Maingat ang pagkakasabi ni Christian ngunit bakas ang determinasyon sa mukha nito na makipag-negotiate ng maayos at tama. Sa isip ni Rory, tama nga rin naman si Christian. Masyadong malaki ang 55% share na hinihingi ni Aeros. Kung mas malaki pa ang share nito sa kompanya ni Christian, parang co-owner na rin ito! Posible pa ngang mabilis nitong ma-acquire ang kompanya dahil sa share nito. Ngunit marahan na iniiling ni Aeros ang ulo upang tumanggi. “45% won’t give me the authority to
Nang mag-angat siya ng tingin sa malalaking letra na naka-italic design sa itaas ng malaking five star restaurant, bumundol na agad ang kaba sa kaniyang dibdib.Hindi dapat siya naaapektuhan ng ganito, kanina niya pa inihanda ang kaniyang sarili, pero bakit hindi niya pa rin mapigilan ang malakas at marahas na tibok ng kaniyang puso?Kanina'y maayos pa naman siya sa sasakyan. Hindi pa ganito ang tibok ng kaniyang puso, ngunit ngayon na nasa harap na siya ng restaurant at tinitingala ito, parang may bigat na dumadagan sa buo niyang pagkatao.Naramdaman niyang mayroong lumapat na kamay sa kaniyang likod. Hindi na niya kailangan na hulaan, pagkalingon niya’y bumungad na agad ang guwapong mukha ni Aeros.Nagpark ito ng sasakyan kaya nauna siyang bumaba. “Is everything okay?” Tanong nito.Siguro'y hindi niya naitago ang totoong ekspresyon ng kaniyang mukha. Bakas marahil ang pag-aalala sa kaniyang mga mata.Sinubukan niyang ngumiti upang panatagin rin ang kaniyang loob.Masyadong mamahali
Hindi niya maintindihan kung bakit bigla itong sinasabi ni Aeros sa kaniya. Hindi ito ang pinag-uusapan nila, bakit iyon bigla ang sasabihin ni Aeros? Just to caught her off guard? Nag-angat siya ng tingin at muli na namang natigilan nang makita ang takot at pag-aalala sa mga mata nito. It feels like he's losing something he doesn't want to lose. Naguguluhan siya. Hindi niya kailanman nakita na ganito ka-expressive ang mga mata ni Aeros. “A-ano bang sinasabi mo?” Nautal niyang tanong. He paused. Parang pinagdedebatehan pa sa isip kung itutuloy ang sinabi o hindi. Ngunit kalaunan, huminga ito ng malalim at pumikit saglit. At nang magmulat ang mga mata nito, nakita niya ang dumaang pagod. “When we were in the woods, you asked me… kung ilan na ang naging girlfriend ko. I… I couldn't tell you. I didn't commit to any serious relationship because I think… it’s useless. Wala akong sineryoso na babae. Wala pa akong naging girlfriend.” Umawang ang kaniyang bibig. Hindi niya napig
“Aeros?” Napalingon sila sa may hagdan nang marinig na may tumawag sa pangalan ni Aeros. Isang matandang kasambahay ang umaakyat sa hagdan. Nakasuot ito ng unipormeng pangkasambahay. Puno na ng puti ang buhok nito, ngunit kahit na mukhang lagpas sesenta na ito ay malakas pa rin. “Ngayon ko lang
Kabanata 5Nagising si Rory na sobrang sakit ng katawan, lalo na ng kaniyang balikat na binalot na ng gauze. Sinubukan niyang bumangon, nahihilo siya at alam niyang ilang minuto na lang ay siguradong aakyat na ang asido sa kaniyang lalamunan. Nasapo niya ang kaniyang noo na mayroon din palang gauz
Agad na nagmarka sa kaliwang pisngi ni Samantha ang kaniyang palad. Hindi agad nakakilos ang babae sa pinaghalong gulat at pagkalito sa nangyari.Ngunit ilang sandali lang, napabaling ito ng tingin sa kaniya. Buong mukha nito ang agad na namula at ang mga mata nito’y napuno ng galit at poot.“Walan
Ilang beses nang naimagine ni Rory ang muli nilang pagkikita ni Samantha. Sa kaniyang imahinasyon at gawa-gawang senaryo, sa pagkikita nilang muli ni Samantha ay lalapit ito sa kaniya at hihingi ng tawad sa lahat ng nagawa nito sa kaniya. May luha pa sa mga mata ng babae habang inaamin nito ang lah







