Mag-log in
‘’Humanap ka ng ibang lalaking bubuntis sa ‘yo, Linda.’’
Ang mga salitang sinabi ng mister niya ay parang isang malaking maso na pumukpok ng malakas direkta sa puso ni Orlinda nang umaga na ‘yon.
Si Orlinda, na isang hamak na virgin, ay nasaktan at nagtaka sa sinabi ng asawa.
‘’Se-seryoso ka ba sa mga si-sinasabi mong ‘yan, Angelo?’’ mahinang saad ni Orlinda, nauutal ang boses at hindi makapaniwala sa narinig. ‘’Sa-sabihin mo sa ‘kin, hi-hindi ka nagbibiro, ‘di ba? Ba-bakit kailangan kong ma-magpabuntis sa ibang lalaki?’’
Bumuntong-hininga ng malalim si Angelo. ‘’Hindi mo ba naiintindihan kung bakit?! Patuloy akong kinukulit ni Mommy na magkaanak para magkaroon na ng isang tagapagmana ang pamilyang ito! Sawang-sawa na ‘ko sa pangungulit niya dahil sa paulit-ulit na tanong niya kung kailan ka ba magdadalang-tao!’’
Napalunok ng laway si Orlinda. ‘’Kung ganoon… bakit hindi na lang natin subukan ngayon? Bakit kailangan mo pa ako ipagtulakan sa ibang lalaki para mabuntis? Bakit hindi na lang ikaw? Kapag naging successful at may nabuo sa sinapupunan ko ay baka hindi ka na kulitan pa ni Mom,’’ naguguluhan niyang saad.
Natawa si Angelo sa narinig. ‘’Gusto mong ako ang gumalaw sa ‘yo? Huwag ka ngang magbiro! Hindi ko isusugal ang pagkalalaki ko sa ‘yo!’’
Ang mga salitang binitawan ni Angelo ang tuluyang nakapagpadurog ng puso ni Orlinda.
Nagbuka ng bibig si Orlinda, ngunit walang salita ang lumabas.
‘’Maghanap ka ng kahit sinong lalaki, kagalang-galang man o hindi, ikaw na magdesisyon kung sino. Kung hindi, ako na maghahanap para sa ‘yo,’’ sabi ni Angelo, malamig ang boses, na parang pinal na ang sinabi nito. ‘’Hindi ako nakikipagnegosasyon sa ‘yo, Linda.’’
Labis na nanikip ang dibdib ni Orlinda–parang pinipiga hanggang sa madurog ang kanyang puso. Nakakuyom ng mahigpit ang kanyang mga kamay sa kanyang tagiliran, hanggang sa mamuti ang kanyang mga buko-buko.
Nakaawang na ang bibig ni Orlinda para magprotesta pero naunahan siya ni Angelo na magsalita.
‘’Sa ayaw at sa gusto mo, kinakailangan mong mabuntis! Kung alam mo lang kung gaano kalaking kahihiyan ang naramdaman ko simula ng pakasalan kita. At ngayon, mas lalo mo akong gustong mapahiya dahil lang sa hindi mo ako mabigyan ng anak?’’ galit na wika ni Angelo.
Humakbang palapit kay Orlinda, madilim ang ekspresyon ng mukha. ‘’Kaya kung ako sa ‘yo, gawin mo na lang–kung ayaw mong itigil ko ang gamutan ng Lolo mo sa ospital!’’
Nanlumo si Orlinda sa banta. Mabilis siyang napailing. ‘’Angelo, please, nakikiusap ako sa ‘yo! Huwag mong gawin ‘yan! Kinakailangan ni Lolo ang tulong mo na bayaran ang malaking hospital bills niya! Kung hindi, baka paalisin nila si Lolo. Hindi kakayanin ni Lolo ngayon sa kundisyon niya!’’ pagsusumamo ni Orlinda habang nakaluhod.
Ayaw man niya o hindi. Ito na ang pinakamahirap na desisyon para kay Orlinda. Lalo na’t ang buhay ng Lolo niya ang nakataya.
Mabigat ang hininga ni Angelo, taglay ang bagsik at walang bahid ng pag-aalinlangan. ‘’Kung gan’on, magdesisyon ka na agad. Kapag sinunod mo ang sinabi ko, makakaasa kang tuluy-tuloy pa din ang tulong na matatanggap ng Lolo mo.’’
Isang taon pa lamang ng ikasal si Orlinda kay Angelo. Sa panahong iyon, napagtanto ni Orlinda na ni minsan ay hindi siya minahal ng sariling asawa.
Napilitan? Oo.
Napilitan lamang na pakasalan siya ni Angelo dahil lamang sa kahilingan ng kanyang Lolo. Dahil ang Lolo niya at Lolo ni Angelo ay naging matalik na magkaibigan kaya nagdesisyon ang dalawang matanda na ipagkasundo ang kanilang mga apo.
Kung alam lang ni Orlinda na ganito pala ang kahahantungan ng kanilang pagsasama, hindi sana siya papayag na pakasalan si Angelo.
Ginawa naman niya naman ang lahat para lang makuha ang loob ng asawa pero kahit ano pa ang gawin niya, tila matigas ang puso ng lalaki. Kailanman ay hindi sinuklian ni Angelo ang lahat ng pagsusumikap niya.
‘’Ano ang desisyon mo?’’ malamig na tanong ni Angelo, hinihintay ang desisyon ng kanyang misis.
Yumuko si Orlinda, umiwas ng tingin. ‘’Pa-pag-iisipan ko muna,’’ aniya.
Nanatailing malamig ang boses ni Angelo. ‘’Sige, bibigyan kita ng tatlong araw mula ngayon. Pagkatapos n’on, sabihin mo sa ‘kin ang naging desisyon mo.’’
Pagkatapos sabihin iyon ay lumabas na si Angelo sa kanilang silid-tulugan.
Samantala, naiwang nakatayong mag-isa sa loob ng silid si Orlinda. Biglang nanghina ang kanyang mga binti kaya naman naupo siya sa gilid ng kanilang kama.
Pilit na pinigilan ni Orlinda ang pagpatak ng mga luhang namuo sa gilid ng kanyang mga mata. Tumingala siya para hindi ito tumulo.
Bumuntong-hininga siya ng malalim.
‘’Saan naman kaya ako makakahanap ng lalaking sinasabi niya? Akala niya ba madali lang sa ‘kin gawin ang pinapagawa niya? At saka, hindi ba niya naiisip na ang sanggol na ipagbubuntis ko ay posibleng maging tagapagmana ng pamilya Tan? bulong niya, na puno ng pait at frustration.
Nag-angat ng tingin si Orlinda at sumulyap sa orasang nakadikit sa dingding. Nagulantang siya ng makita kung anong oras na.
Alas-sais y medya na ng umaga–malapit na ang oras ng almusal.
‘’Hala!’’
Binalot ng kaba ang dibdib niya. Mabilis siyang lumabas ng silid at tumakbo patungo sa kusina.
Ang kanyang gawain tuwing umaga ay ipagluto ang pamilya Tan. Hindi lamang ang kanyang asawa na si Angelo, pati na ang iba pang parte ng pamilya.
Ang pamilya Tan ay isang makapangyarihang conglomerate family na istriktong sinusunod ang patrilineal customs. Lahat ay nakatira sa iisang bubong, mga biyenan, mga anak at mga manugang–isang hierarchy na hindi man halata, pero ramdam mo ang bigat ng kanilang mapang-aping pamamalakad.
At si Orlinda, ang pinakabatang manugang at walang trabaho, ay awtomatikong naging katulong sa bahay ng mga Tan. Taga-luto, taga-ayos at utusan. Hindi kagaya ng dalawa pang manugang ng pamilya Tan na may kanya-kanyang mga trabaho.
Maraming mga katulong ang pamilya Tan. Marami ang nagtutulong-tulong sa paglilinis ng marangya at malawak na mansyon, kasama na roon si Orlinda na sinisiguro na name-maintain ang kagandahan at kalinisan ng loob ng mansyon. Bawat kwarto, bawat silid, lahat ay malinis. Kinakailangan na perpekto at pulido ang lahat.
Pagkatapos ng halos kalahating oras, tapos na magluto ng agahan si Orlinda. Mabilis siyang nakatapos sa pagluluto sa tulong ng dalawa pang katulong. Ngayon naman, ang sunod niyang gagawin ay pagsilbihan hindi lang ang kanyang asawang si Angelo, pati na rin ang kanyang biyenan.
‘’Ito na ang mainit na tsaa mo, Mom,’’ aniya, maingat na iniabot sa biyenan ang tasa.
‘’Salamat,’’ walang kabuhay-buhay na saad ni Evelyn, hindi man lamang tinapunan ng tingin ang manugang.
Matapos pagsilbihan si Evelyn, sunod naman ay ang kanyang asawa. Kumuha siya ng tinapay at akmang ilalagay sa plato ni Angelo nang ilayo ng lalaki ang kanyang plato.
‘’Kaya ko na ang sarili ko. Maupo ka na at kumain,’’ malamig na sabi ni Angelo.
Napakagat ng labi si Orlinda ng tanggihan ng asawa ang pagsisilbi niya. Tahimik na lamang siya naupo sa kaliwa ni Angelo.
Pagkaupo, kumuha siya ng sariling pagkain. Nang akmang aabutin na ng kamay niya ang natitirang tinapay, binasag ng matinis na boses ang katahimikan ng hapag-kainan.
‘’Isang taon. Eksaktong isang taon ng manugang ng mga Tan si Linda.’’ Lumingon si Evelyn sa pinakabatang manugang na si Orlinda. ‘’Pero magpa-hanggang ngayon ay wala pa ring laman ang tiyan mo.’’
Dahan-dahan na bumaba sa kandungan ni Orlinda ang dalawa niyang kamay na kanina’y hawak ang dalawang kubyertos.
Nagyuko siya ng ulo, mahigpit na magkahawak ang dalang kamay. Hindi siya nangahas na tumingin kahit kanino–lalo na sa mapanghusgang mga mata ni Evelyn.
Ramdam pa niya ang mapangutyang tingin ng kanyang mga bayaw mula sa magkabilang gilid ng hapag-kainan, na nagpapasikip sa kanyang dibdib.
Nahihiya? Siyempre.
Ang pamilya ng kanyang asawa ay isang marangal at elite family–na may purong lahing pinoy at chinese.
Si Evelyn De Vega-Tan, na may dugong pinoy, at ang kanyang asawa, ang yumaong na si Chen Tan, na isang Chinese conglomerate.
Ang may-ari ng Golden Tan Corporation, na nagmamay-ari at nagpapatakbo ng negosyo sa loob at labas ng bansa, ay maraming subsidiary–kabilang ang mga industrial company, hotel at ospital.
Ang kanilang kayamanan ay minana ng tatlong anak ni Evelyn: ang panganay na si Christian, ang gitnang anak na si Manuel at ang bunso, ang asawa ni Orlinda na si Angelo.
‘’Nagpa-appointment ako sa isang magaling na obstetrician,’’ patuloy ni Evelyn, sabay abot ng business card kay Angelo, na nakaupo sa kaliwa niya—para ibigay kay Orlinda.
Kinuha ito ni Angelo mula sa kamay ng ina at iniabot kay Linda ng hindi tumitingin. Napakatamlay ng kanyang galaw, walang kahit na anong pinapakitang ni katiting na interes.
Matapos iabot ang business card ay nagpatuloy sa pagsasalita si Evelyn. ‘’Gusto kong puntahan mo ‘yan,’’ sabi niya kay Orlinda tsaka lumingon sa bunsong anak. ‘’Angelo, sasamahan mo si Linda sa doktor. Maliwanag ba?’’
‘’Mom, baka naman baog si Linda,’’ singit ni Sheila—ang asawa ng panganay na anak na si Christian—kaya napatingin sa kanya ang lahat ng nasa hapag-kainan. Samantala, si Christian naman ay sandaling sumulyap sa kanyang misis.
‘’Parehas tayo ng iniisip, Ate Sheila. Baka baog nga talaga si Linda at ayaw lang niya ipaalam sa ating lahat kasi natatakot siya na baka hiwalayan siya ni Angelo,’’ gatong naman ni Grace—ang asawa ng gitnang anak na si Manuel, na lalong nagpalala ng usapan.
Nang marinig ang pangungutya ng dalawa ay labis na nasaktan si Orlinda. Hindi na bago sa kanya ang ganitong pagtrato mula sa dalawa. Lagi siyang minamaliit ng nina Sheila at Grace dahil sa malaking pagkakaiba nila ng estado.
Si Sheila ay gradute ng Master’s degree in Design mula sa isang kilalang unibersidad sa America. Hindi lang iyon, si Sheila ay anak din ng isang mayamang negosyante at ngayon ay nagpapatakbo ng isang malaking boutique. Si Grace naman ay graduate ng Master’s of Law at nagtatrabaho bilang isang abogado. Pagmamay-ari ng pamilya ni Grace ang pinakamalaking Law Firm sa bansa.
Si Orlinda? Isa lamang siyang babae na sinuwerteng maging manugang ng pamilya Tan.
Ang huling testamentong iniwan ng Lolo ni Angelo bago ito pumanaw ang naging dahilan kung bakit opisyal na nagpakasal sina Orlinda at Angelo, isang taon matapos mamatay ang matanda.
Para kay Orlinda, isang malaking sampal sa mukha ang pagtawag sa kanya na ‘’baog.’’ Tagos sa buto ang paratang na ito. Nais man niyang iklaro kung bakit hindi pa din siya nabubuntis, wala siyang lakas ng loob na gawin. Alam niyang mas lalalim pa ang galit at pagmuhi ni Angelo sa kanya.
Paano ba ako mabubuntis kung si Angelo mismo ang ayaw na makipagtalik sa ‘kin, bulong niya sa kanyang sarili.
Sumulyap siya sa tabi at nakitang nakatitig lamang si Angelo sa plato nito, blangko ang ekspresyon at tila buryong na buryong.
Gaya ng inaasahan niya, hindi man lang siya ipinagtanggol ni Angelo. Lagi lamang itong tahimik na nakikinig habang pinapanood si Orlinda insultuhin at pahiyain ng kanyang pamilya.
Nag-angat ng tingin si Orlinda, tumitig sa kanyang biyenan. ‘’Mom, hindi ka na sana nag-abala pa. Wala namang problema sa ‘kin. Maayos lang naman ang kalusugan ko,’’ mahinahong paliwanag niya.
Matapos magsalita ni Orlinda ay napaigtad siya nang bigla na lamang ihampas ni Evelyn ang hawak na kubyertos sa mesa. Hindi lamang siya ang nagulat, pati na ang mga taong nasa hapag-kainan ng mga sandaling ‘yon.
‘’Maayos?’’ ulit ni Evelyn. ‘’Ano’ng maayos?! Linda, gawin mo na lang ang ipinag-uutos ko sa ‘yo. Pumunta kayo ni Angelo sa doktor para magpatingin. Pagkatapos ay ipakita niyo agad sa akin ang resulta para makita natin kung sino ba talaga sa inyo ang may problema!’’ nakaangil na sabi nito.
Nais sanang magprotesta ni Orlinda nang marinig niyang magsalita si Angelo.
‘’Gawin na lang natin ang gusto ni Mommy, Linda,’’ sa wakas ay nagsalita na si Angelo pero hindi para ipagtanggol siya kundi sang-ayunan ang ipinagagawa ni Evelyn.
Nagpatuloy sa pagsasalita si Angelo. ‘’Tama lang ang suhestyon ni Mommy na magpatingin ka kung baog ka ba o hindi. Kasi ako, sigurado ako sa sarili kong hindi ako baog.’’
Ang kamay ni Orlinda na nakapatong sa kanyang kandungan ay nagsimulang manginig dahil sa matinding emosyon. Halos nakabaon ang mga kuko niya sa kanyang palad para lamang pigilan ang sarili na maiyak.
Hindi niya akalain na sasabihan siya ng sarili niyang asawa na siya ay baog sa harap pa ng pamilya nito.
“Linda, makinig ka sa mga sasabihin ko sa iyo,” maawtoridad na sabi ni Evelyn kay Orlinda. “Bibigyan kita ng tatlong buwan mula ngayon, kailangan ay buntis ka na. Kung hindi, ako mismo ang gagawa ng paraan para diborsiyuhin ka ni Angelo!” Nagtaas ng boses si Evelyn, at nagbigay ng ultimatum kay Orlinda.
Hindi pa roon nagtapos ang lahat dahil muling nagsalita si Evelyn. “Pagkatapos ay pababalikin kita sa kung saang pilapil o palayan ka nanggaling, at doon mo gugugulin ang buong buhay mo kasama ng naghihingalo mong Lolo!”
“Ch-Chris…?”“Tulungan na kita magsukat,” wika ni Christian. Nagbaba ng tingin para tignan ang numero na siyang sukat ng dibdib ng babae bago pulutin ang papel at ballpen na inilapag ni Orlinda sa sahig para isulat ang sukat ng babae.“Kanina ka pa ba nariyan?” malumanay na tanong ni Orlinda.Agad na umiling si Christian. “Ngayon-ngayon lang. May ginawa lang ako sandali sa labas kani-kanina lang,” paliwanag nito.“Ganoon ba…” aniya, dahan-dahang napatango si Orlinda.Habang ang atensyon ni Christian ay nasa pagsusukat ng katawan niya.Tumayo ng tuwid si Orlinda. Tahimik niyang pinanood ang bayaw na sukatin siya.Maya-maya, may naisip siya bigla kaya napatanong siya. “Kuya Chris, alam mo pala mga parte na kailangan sukatan para gumawa ng damit?”Hindi agad sinagot ni Christian ang katanungan niya. Tinapos muna nito ang pagsusulat sa papel matapos magsukat.Nag-angat ng tingin si Christian. “Hindi naman gan’on kahirap alamin kung anong mga sukat ang kailangan,” sagot nito.Noon pa man,
“Gandahan mo yung disenyo ng damit na susuotin ko, Sheila, ah? Gusto ko magandang-maganda ako kagaya mo,” sabi ni Grace habang nagpapaikot-ikot sa harap ng mahabang salamin, sinisipat ang bawat anggulo ng kanyang pigura na parang feeling niya ay isa siyang modelo.Hindi sumagot si Sheila dahil abala siya sa pagtatala ng mga sukat na kinuha niya hindi lamang kay Grace, pati na sa iba pang miyembro ng pamilya Tan.Nang gabing iyon, nagtipon ang buong pamilya para lang magsukat ng damit. Sinukat ni Sheila ang bawat miyembro ng pamilya.Mga isang linggo na lang bago ang kaganapan. Ilang araw pa pero abalang-abala na agad si Sheila. Paano ba naman? Siya ang inatasan ni Evelyn na magtahi ng kanilang damit na susuotin.Sa pagsukat pa lamang, parang napapagod na siya.Matapos magsulat ng mga sukat at mag-ukit ng naisip na disenyo sa papel, nagtaas siya ng tingin.“Wala ka na bang iba pang idadagdag o papalitan, Grace?” walang kabuhay-buhay niyang tanon, medyo inaantok na kasi siya.Umiling si
“Talaga?” hindi makapaniwalang reaksyon ni Leon. “Hindi ba’t si Ana ang sekretarya mo? ‘Yong nasa 40s na?” muling tanong nito.Tumango muli si Christian. “Pansamantalang nasa maternity leave ngayon si Ana kaya pinalitan muna siya ni Orlinda,” sagot niya.“Gan’on ba,” napapatangong wika ni Leon. “Huling tanong, gaano na ba katagal na nagtatrabaho sa ‘yo ang sekretarya mo?”“Mahigit tatlong linggo pa lang,” sagot naman ni Christian.“Totoo ba ‘yan?” muling nagulat sa nalaman si Leon. “Saang prestihiyosong eskwelahan o unibersidad ba nagtapos ang sekretarya mo?” usisa nito.Bahagyang ngumiti si Christian, umiiling. "Hindi nakatungtong ng kolehiyo si Orlinda. Highschool graduate lang ang natapos niya," sagot niya.Muling nabigla si Leon sa isinagot ni Christian. "Totoo ba 'yang mga sinasabi mo?" gulat na tanong nito. "Mr. Tan, maitanong ko lang. Bakit mo siya kinuha bilang sekretarya mo?"Akmang magsasalita na si Christian nang magbuka siya ng bibig nang marinig ang huling tanong ng la
Eksaktong alas-singko ng hapon dumating ang panauhing hinihintay ni Christian.Isang lalaki na kasing-edad ni Christian ang pumasok—si Leon Avendino—naglalakad sa tabi nito ay isang matikas na babae.Agad na lumapit si Christian para batiin ang mga panauhin. Si Orlinda ay mabilis na sumunod at ginaya ang amo.“Maligayang pagdating, Director Avendino,” magalang na bati Christian, iniabot ang kamay sa panauhin.Malugod na tinaggap ni Leon Avendino ang pakikipagkamay kay Christian, nakangiti.Matapos makipagkamay, una munang ipinakilala ni Leon ang babaeng nasa tabi nito.“By the way, I would like to introduce to you my wife—Julie Avendino,” masayang pagpapakilala ni Leon sa kanyang misis.Marahang ngumiti si Julie.Nakahanda na si Christian na batiin ang asawa ni Leon pero nang makitang nagtaas ito ng kamay at nagsenyas, sandali siyang natigilan.Gaya ng ginawa ni Julie, nagtaas din ng kamay si Orlinda at nagsenyas na nangangahulugan ng pagbati sa babaeng panauhin. Mabilis pero malinaw
Dalawang beses na kumatok si Joel bago pumasok sa loob ng opisina ng amo.Sa loob, agad niyang naramdaman ang mababang temperatura sa sandaling humakbang siya papasok.Mabilis na umikot ang kanyang paningin. Napansin niya ang basag na mouse na pamilyar na pamilyar sa kanya na ginagamit ng amo.Nang mag-angat siya ng tingin, napaigtad siya sa pagkabigla ng makitang nakatitig ng matalim sa kanya si Christian, nakapangalong-baba.Joel composed himself right away, keeping professionalism like what he taught Orlinda should always do.He walked forward, stopped and stood in front of Christian before speaking his reason.“Sir, may meeting ka mamayang hapon with Director Avendino,” wika ni Joel. “Pinalinis ko na din ang guest room ahead of time in case the Director arrives earlier than we expected,” he added.“Hmm,” Christian responded shortly with a hum.Matapos sabihin ito ay aalis na siya agad pero nang maalala ang basag na mouse sa sahig, nilinis na muna nito baho lumabas ng opisina.Pagl
“Ano, Grace? Handa ka bang diborsyohin ang kapatid ko para sa ‘kin?” muling tanong ni Angelo.Napakagat ng labi si Grace, hindi niya alam kung tama ba ang sasabihin niya.Kung um-oo siya ng sagot, dapat nakahanda nga talaga siya sa mga consequences na maaring mangyari pagkatapos niyang diborsyohin si Manuel.Habang napapaisip, biglang pumasok sa isip niya ang isang imahe kung saan masayang-masaya ang mga magulang niya sa tuwing nakikita nito si Manuel na kasama siya para dumalaw sa kanilang tahanan.Hindi maikakaila ang pagkahumaling ng mga magulang niya kay Manuel.May biglang pumasok muli sa kanyang isip. Ang imahe ng galit niyang mga magulang matapos niyang hiwalayan si Manuel.Bigla siyang nakaramdam ng takot.Lalo na ng isa pang imahe ang pumasok sa kanyang isip, ang malaman ng lahat ang lihim na affair nila ni Angelo.Dito na nagsimulang manginig ang buong katawan ni Grace sa matinding takot.Bilang abogado, isang kahihiyan at nakakababa ng kredibilidad kapag nalaman na siya mis
Angelo scoffed. “It’s good that you know your place,” he said.Matapos sabihin ito ay kumuha ng damit na isusuot si Angelo at naglakad pabalik ng banyo para doon magbihis kagaya ng kinagawian nito.Nang sumara ang pinto ng banyo ay parang lumuwag ang dibdib ni Orlinda.Napahimas siya sa kanyang dib
Alas-onse na ng gabi ng matapos sa paglilinis ng mga pinagkainan ng gabing iyon si Orlinda. Iniwan na niya ang ilang maliliit na natitirang gawaing bahay gaya ng pagpupunas ng mahabang mesa na siyang kinakainan ng pamilya Tan sa mga kasambahay.Dahil sa pagod at bigat ng eksena kanina sa hapag sigu
"Linda!" galit na bulalas ni Evelyn, namumula ang mga mata sa pagngangalit. "Hindi ba't sinabi ko sa 'yo na ayusin mo ang trabaho mo?! Simpleng pagputol lang ng kuko ay hindi mo pa magawa nang maayos!"Dahil sa nangyari, mabilis na kumakabog ang dibdib ni Orlinda sa takot. Sa pananaw niya, wala nam
‘’Angelo…’’ mahinang tawag ni Orlinda sa asawa. Tumayo siya sa kanyang kinauupuan at pinulot ang business card sa carpet, nanginginig ang mga kamay. ‘’Bakit ba pilit mong pinapagawa ‘to sa ‘kin? Ano bang ginawa kong kasalanan?’’‘’Bakit?’’ Tumalim ang mga mata ni Angelo. ‘’Ahh… Akala mo siguro nagb







