Share

CHAPTER 4

Author: SHEON
last update publish date: 2026-06-16 13:39:04

ARIA ALCANTARA POV

Umupo ako sa swivel chair sa tapat ng malaking mesa niya. Tuwid ang likod ko, balikat na nakababa, at mukhang kalmado kahit ang totoo ay nagwawala na ang tibok ng puso ko sa sobrang kaba.

Si Ethan Vance ay mas nakakatakot pala sa ilalim ng maliwanag na ilaw ng opisina kaysa sa madilim na sulok ng bar. Suot niya ang isang charcoal black na custom suit, walang kahit anong gusot, at ang bawat kilos niya ay may dalang bigat na nakakailang.

"I've read your basic profile from the reception," panimula niya, ang boses niya ay malalim at walang kahit anong emosyon habang nilalagyan ng pulang marka ang isang papel. "Aria Alcantara. Former chief financial auditor ng Alcantara Logistics. Sinasabi sa mga balita na pinalayas ka ng pamilya mo dahil sa isang malaking eskandalo. At ngayon, narito ka sa harap ko, nag-aapply bilang assistant ko. Ano sa tingin mo ang dahilan para tanggapin ko ang isang taong may madungis na pangalan?"

Tinitigan ko siya nang diretso sa mga mata. Hindi ako kumurap. Kung magpapakita ako ng takot o kahinaan sa taong ito, automatic na tapos na ang laban. Kilala si Ethan sa pagpili ng mga tauhang matitigas ang sikmura.

"Ang mga balita ay binuo ng mga taong gustong kumuha ng posisyon ko, Mr. Vance," sagot ko, sapat ang lakas ng boses ko para hindi mautal. "At bilang isang negosyante, alam kong hindi ka tumitingin sa tsismis. Tumitingin ka sa mga numero. At sa mga resulta."

Inilapag ko ang pulang folder sa ibabaw ng makinis niyang mesa, dahan-dahan itong itinulak palapit sa kanya.

"Ano ’to?" tanong niya, tiningnan lang ang folder bago ibinalik ang malamig niyang tingin sa akin.

"Ang nawawalang piraso ng imbestigasyon mo," diretsahan kong sagot. "Alam kong matagal nang pinupunirya ng Vance Group ang Alcantara Logistics para sa isang hostile takeover. Pero nahihirapan ang mga tauhan mo dahil magaling magtago ng mga butas ang kasalukuyang namamahala roon—ang ex-fiancé ko. Ang flash drive na naiwan mo sa hotel suite noong Martes ng gabi, naglalaman ng hilaw na audit report."

Sa pagkakataong ito, tuluyan niyang ibinaba ang hawak niyang ballpen. Sumandal siya sa kanyang upuan, pinagkurus ang mga kamay sa ibabaw ng dibdib, at mas lalong tumalim ang tingin sa akin. Ramdam ko ang lamig ng hangin sa buong boardroom, parang bawat segundo ay may timbang.

"So, nalaman mo na," mariin niyang sabi. "At sa halip na itago o ibenta sa pamilya mo ang nakuha mo, dinala mo sa akin?"

"Dahil wala na akong pamilya," walang pag-aalinlangan kong sagot. "Ang pamilyang sinasabi mo ay nakikipagtulungan na ngayon sa lalaking nagnakaw ng mga shares ko. Kaya ang nasa loob ng pulang folder na iyan ay hindi lang basta report. Nilagyan ko na ’yan ng mga totoong financial ledger ng Alcantara mula sa personal database ko. Kinompleto ko ang mga kulang na detalye, itinama ko ang mga pekeng invoice, at ibinigay ko sa ’yo ang eksaktong formula kung paano mo sila mapapabagsak sa loob ng isang linggo nang walang kahirap-hirap."

Tinitigan niya ako ng ilang sandali bago dahan-dahans binuksan ang folder. Narinig ko ang mahinang paglipat ng mga pahina. Habang nagbabasa siya, unt-unting nagbago ang linya ng kanyang noo. Ang isang simpleng auditor ay hindi makakakuha ng mga ganitong kalalim na impormasyon, pero dahil ako ang gumawa ng system ng Alcantara, alam ko kung saan nakatago ang mga multo ng kumpanya.

Kitang-kita ko kung paano gumalaw ang mga mata niya sa bawat kalkulasyon na ginawa ko. Alam kong nagustuhan niya ang nakikita niya. Ang isang magandang business strategy ay parang sining para sa mga taong katulad niya.

"Impressed?" tanong ko nang may bahagyang ngiti, sinusubukang ibalik ang kumpiyansa sa sarili ko.

Isinara niya ang folder nang may malakas na tunog at muling tumitig sa akin. "Matalino ka nga, Miss Alcantara. Mas matalino kaysa sa mga nakaraang aplikante na pumasok sa pintong iyan. Pero ang tanong ko ngayon, bakit mo ginagawa ’to? Sinisira mo ang sarili mong kumpanya."

"Gusto kong makita silang walang-wala, Mr. Vance," sagot ko na may malamig na determinasyon. "Ginamit nila ako, kaya gagamitin ko rin ang lahat ng alam ko para bawiin ang sa akin. Kailangan mo ng utak ko para makuha ang Alcantara, at kailangan ko naman ang kapangyarihan mo para protektahan ako habang ginagawa ko ’yon."

Bumuntong-hininga siya nang malalim, tumayo mula sa kanyang upuan, at lumakad patungo sa intercom na nasa tabi ng kanyang mesa.

"Cancel all the remaining interviews for today," utos niya sa kanyang secretary sa kabilang linya. "And clear the entire floor. Walang pwedeng pumasok sa opisina ko hangga't hindi ko sinasabi."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Sweet Revenge, Fake Marriage   CHAPTER 22

    ARIANA ALCANTARA POVHuwebes ng gabi. Isang tulog na lang at board meeting na.Nakatitig ako sa malaking bintana ng kwarto ko dito sa penthouse habang sinusuklay ang basang buhok ko pagkatapos maligo. Labas-masok ang iba't ibang senaryo sa isip ko. Paano kung magka-eskandalo bukas? Paano kung hindi kayanin ni Papa ang pressure at biglang mag-collapse sa harap ng board? O paano kung may huling alas pa si Jared na hindi namin naasahan?Kahit na gaano kalinis ang plano namin ni Ethan, hindi ko pa rin maiwasang kabahan. Pamilya ko pa rin ang babanggain ko bukas. Noong pinalayas nila ako, akala ko mas madali silang tiisin kapag galit ako. Pero ngayon na malapit ko nang makuha ang hustisya, may kakaibang bigat sa dibdib ko na hindi ko maipaliwanag. Hindi ko alam kung panghihinayang ba ito sa mga nasirang taon o takot lang sa magiging reaksyon ng mga tao sa paligid namin. Pero isa lang ang sigurado: wala na akong balak umatras.Huminto ako sa pagsusuklay nang ma

  • Sweet Revenge, Fake Marriage   CHAPTER 21

    ARIA ALCANTARA POVNapatigil ako sa paglakad sa gitna ng sementadong daan ng parking lot. Nararamdaman ko ang lamig ng hangin, pero mas nangingibabaw ang init na biglang umakyat sa mukha ko habang nakikinig sa boses ni Chloe sa kabilang linya. Umiiyak siya—yung totoong iyak na puno ng takot, hindi katulad ng pa-victim na drama niya kahapon sa opisina ni Ethan.Naramdaman ko ang paghinto ni Ethan sa tabi ko. Tiningnan niya ako nang may pagtatanong sa kanyang mga mata, pero nanatili lang akong tahimik, mas pinatitigas ang hawak ko sa telepono."Ate, please..." hikbi ni Chloe, halos mabulol na siya sa takot habang may naririnig akong mga boses ng mga lalaki sa background niya. "Nandito sila sa unit. Kukunin nila ang mga laptop at mga papeles ni Jared. Sinasabi nila na may warrant of arrest daw para sa amin dahil sa falsification at fraud sa Alcantara Logistics. Ate, gawan mo ng paraan! Kausapin mo si Ethan! Alam kong isang salita mo lang sa kanya, mapapatigil

  • Sweet Revenge, Fake Marriage   CHAPTER 22

    ARIA ALCANTARA POVHuwebes ng gabi. Isang tulog na lang at board meeting na.Nakatitig ako sa malaking bintana ng kwarto ko dito sa penthouse habang sinusuklay ang basang buhok ko pagkatapos maligo. Labas-masok ang iba't ibang senaryo sa isip ko. Paano kung magka-eskandalo bukas? Paano kung hindi kayanin ni Papa ang pressure at biglang mag-collapse sa harap ng board? O paano kung may huling alas pa si Jared na hindi namin naasahan?Kahit na gaano kalinis ang plano namin ni Ethan, hindi ko pa rin maiwasang kabahan. Pamilya ko pa rin ang babanggain ko bukas. Noong pinalayas nila ako, akala ko mas madali silang tiisin kapag galit ako. Pero ngayon na malapit ko nang makuha ang hustisya, may kakaibang bigat sa dibdib ko na hindi ko maipaliwanag. Hindi ko alam kung panghihinayang ba ito sa mga nasirang taon o takot lang sa magiging reaksyon ng mga tao sa paligid namin. Pero isa lang ang sigurado: wala na akong balak umatras.Huminto ako sa pagsusuklay nang mari

  • Sweet Revenge, Fake Marriage   CHAPTER 20

    ARIA ALCANTARA POVPagpasok ko sa loob ng elevator, pinindot ko agad ang ground floor. Napasandal ako sa malamig na dingding na bakal habang dahan-dahang bumababa ang elevator. Ang bigat ng dibdib ko. Sobra.Alam kong matagal nang walang kwenta ang trato sa akin nina Tita Marissa at Chloe sa mansyon, pero iba pa rin pala kapag nanggaling mismo kay Papa ang kumpirmasyon. Ang sarili kong ama, pinirmahan ang dokumentong sumira sa akin. Ganoon ba talaga kadaling palitan ang loyalty ng isang magulang kapag bagong pamilya na ang nanggugulo? O ganoon lang talaga ako kawalang-halaga sa kanya kumpara kay Chloe? Limang milyong piso kapalit ng pagtapon sa akin sa basurahan. Napakapit ako sa strap ng bag ko habang pinipigilan ang sarili kong tuluyang maiyak muli. Hindi ako pwedeng umiyak dito. Maraming tao sa lobby at kailangan kong panatilihin ang mukha ng isang matatag na Alcantara-Vance.Pagkabukas ng elevator sa lobby, dire-diretso akong naglakad palabas. Nakita ko agad

  • Sweet Revenge, Fake Marriage   CHAPTER 19

    ARIA ALCANTARA POVNanigas ako sa kinauupuan ko habang nakatitig sa screen ng tablet. Ang nanay ni Chloe. Si Tita Marissa.Kahit kailan, hindi ko naging kaalyado ang babaeng ’yon. Siya ang pumalit sa pwesto ng yumaong mommy ko, at simula nang pumasok siya sa bahay namin, naramdaman ko na agad kung gaano niya ako gustong mawala sa eksena para si Chloe ang maging nag-iisang prinsesa ng mga Alcantara. Pero ang makitang may direktang wire transfer sa personal account niya mula sa pondo ng kumpanya? Isang araw bago ako palayasin?Hindi ito basta coincidence. Planado ang lahat."Ma'am Aria?" bulong ng accountant sa tabi ko, halatang natatakot sa naging reaksyon ko. "Gusto niyo po bang ipagpatuloy muna natin ang ibang accounts?""No," malamig kong sagot, pilit kong pinapakalma ang boses ko kahit na ang totoo ay nagdidilim na ang paningin ko sa galit. "Focus on this transaction. Magkano ang eksaktong halaga na pumasok sa account niya?""Five m

  • Sweet Revenge, Fake Marriage   CHAPTER 18

    ARIA ALCANTARA POVPagpasok ko pa lang sa main lobby ng Alcantara Logistics kinabukasan, ramdam ko na agad ang pagbabago ng ihip ng hangin. Kung kahapon ay puro bulungan at gulat ang sumalubong sa akin, ngayon ay pormal na pormal na ang bawat empleyadong nadadaanan ko. Siyempre, sino ba namang hindi matatakot? Hawak ko na ang fifty percent ng kumpanya, at alam ng lahat na may basbas ako ng isang Ethan Vance.Naka-cream tailored pantsuit ako ngayon at minimalist na black heels. Simple lang pero mukhang seryoso sa trabaho. Hawak ko ang tablet ko kung saan nakalagay ang listahan ng mga accounts na kailangan kong i-verify bago ang malaking transition ng pondo mamayang hapon.Sumabay sa akin sa elevator si Mark, ang secretary ni Ethan, kasama ang dalawang senior financial analysts ng Vance Group. Sila ang ipinadala ni Ethan para maging back-up ko sa gagawin naming audit ngayong araw."Ma'am Aria," tawag ni Mark habang pataas ang elevator. "Naka-ready na po ang

  • Sweet Revenge, Fake Marriage   CHAPTER 5

    ARIA ALCANTARA POVNarinig ko ang mahinang tunog ng pagsasara ng pinto sa labas. Umalis na ang secretary niya, at kasabay nito ang pagbaba ng matinding katahimikan sa buong 50th floor. Kami na lang dalawa ni Ethan Vance ang natira sa malawak at modernong opisina na ito.Lumakad siya pabalik sa gawi

  • Sweet Revenge, Fake Marriage   CHAPTER 3

    ARIA ALCANTARA POVNakatayo ako sa tapat ng naglalakihang salamin na pinto ng Vance Corporate Tower. Napakagara ng lobby—lahat ng tao rito ay mukhang pormal, abala, at mayayaman. Tiningnan ko ang sarili ko sa repleksyon ng salamin. Suot ko ang pinaka-decenteng business attire na natira sa lumang ga

  • Sweet Revenge, Fake Marriage   CHAPTER 2

    ARIA ALCANTARA POVAng sumunod na natatandaan ko na lang ay ang magulong piraso ng mga alaala. Ang mabigat na hininga ng lalaki, ang marangyang amoy ng kanyang mamahaling pabango, at ang malamig na hangin ng gabi habang hihila niya ako pasakay sa isang marangyang kotse. Sobrang lakas ng tama ng ala

  • Sweet Revenge, Fake Marriage   CHAPTER 1

    ARIA ALCANTARA POVHawak ko ang paper bag na naglalaman ng homemade lasagna na apat na oras kong niluto. Espesyal ang gabing ’to. It’s our fifth anniversary ni Jared, at ilang buwan na lang, ikakasal na kami. Plano kong isurpresa siya sa penthouse niya. Kilala si Jared bilang isa sa pinakamahusay n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status