LOGIN
ARIA ALCANTARA POV
Hawak ko ang paper bag na naglalaman ng homemade lasagna na apat na oras kong niluto. Espesyal ang gabing ’to. It’s our fifth anniversary ni Jared, at ilang buwan na lang, ikakasal na kami. Plano kong isurpresa siya sa penthouse niya. Kilala si Jared bilang isa sa pinakamahusay na corporate lawyer sa bansa, at nitong mga nakaraang linggo, halos patayin niya ang sarili niya sa trabaho para sa pangarap naming kumpanya. Kaya naman kahit pagod ako mula sa sarili kong trabaho bilang isang financial auditor, heto ako, handang mag-celebrate kasama siya.
Pagdating ko sa tapat ng pinto ng penthouse, napansin kong bahagyang nakabukas ito. Masyado talagang makalimutin ang lalaking ’to kahit kailan, saob ko sa sarili ko habang napapangiti. Pumasok ako nang dahan-dahan, sinusubukang huwag makagawa ng anumang ingay para hindi masira ang surpresa ko.
Patawid na ako sa sala nang makarinig ako ng mga kakaibang tunog mula sa direksyon ng masters bedroom. Ungol. Mahihinang tawa. At pamilyar na boses ng isang babae.
Napatigil ako sa paghakbang. Biglang bumigat ang hangin sa paligid ko. Parang may kung anong malamig na enerhiya ang gumapang sa buong katawan ko, dahilan para manginig ang mga kamay ko. Dahan-dahan kong ibinaba ang dala kong paper bag sa counter. Ang boses na ’yon… kilalang-kilala ko kung kanino ’yon.
Humakbang ako palapit sa silid. Mas lalong naging malinaw ang mga boses.
"Jared, dahan-dahan naman... Baka biglang dumating si Aria," wika ng isang malanding boses. Si Chloe. Ang ampon kong kapatid. Ang babaeng itinuring kong parang tunay na dugo, ang palagi kong binibilhan ng mga mamahaling gamit, at ang kinukupkop ng pamilya ko.
"Huwag mo muna siyang isipin ngayon, babe. Masyadong busy si Aria sa mga kliyente niya. At saka, sino ba namang tanga ang mag-aakalang narito tayo?" sagot ng isang pamilyar na boses ng lalaki. Si Jared. Ang lalaking pinagkatiwalaan ko ng limang taon ng buhay ko. Ang lalaking nangakong pakakasalan ako sa harap ng altar.
Sumilip ako sa siwang ng pinto. Parang gumuho ang buong mundo ko sa nakita ko. Sila ’yon. Walang kaduda-duda. Ang fiancé ko at ang kapatid ko, magkasama sa ibabaw ng kama na kami mismo ni Jared ang pumili para sa magiging bahay namin.
Hindi ako makahinga. Parang may sumasakal sa akin. Ang sakit na naramdaman ko ay hindi lang basta kirot sa puso; para itong pisikal na talim na paulit-ulit na sumasaksak sa dibdib ko. Ngunit bago pa ako tuluyang maiyak, narinig ko ang sumunod nilang pinag-usapan. Isang usapan na tuluyang pumatay sa kung anomang natitirang pagmamahal ko sa kanila.
"Nailipat mo na ba ang mga shares ng Alcantara Logistics sa pangalan ko?" tanong ni Chloe habang nakasandal sa dibdib ni Jared. "Sabi mo, sa oras na magkasal kayo, unti-unti nating kukunin ang pera ng pamilya niya."
Tumawa nang mahina si Jared. "Of course. Masyadong nagtitiwala sa akin si Aria. Pinapipirmahan ko lang sa kanya ang mga financial documents bilang auditor, pirma naman siya nang pirma nang hindi nagbabasa nang maayos dahil alam niyang fiancé niya ako. Sa oras na maikasal kami, automatic na mapupunta sa account mo ang kalahati ng shares niya bilang gift ko sa ’yo. Pagkatapos, magrerequest ako ng divorce, at maiiwan siyang walang-wala. Gagamitin lang natin ang pangalan ng pamilya niya para mapalago ang sarili nating business."
Napakapit ako sa gilid ng pader. Doon ko narealize ang lahat. Hindi lang pala ito basta pangangaliwa. Plano nila akong ubusin. Ginamit ako ni Jared para sa lisensya ko, para sa kakayahan ko sa auditing, at para sa yaman ng pamilya ko. Habang ako, nagpapakapagod para sa kinabukasan naming dalawa, silang dalawa naman ay nagpaplano kung paano ako itatapon sa kangkungan pagkatapos kong pakinabangan.
Naramdaman ko ang mabilis na pagbabago ng emosyon ko. Ang lungkot at sakit, biglang napalitan ng isang nag-aapoy na galit. Isang galit na hindi ko pa naramdaman sa buong buhay ko. Kung akala nila ay iiyak lang ako sa isang sulok at magmamakaawa, nagkakamali sila. Hindi ako si Aria Alcantara para lang maging biktima ng mga linta.
Itinulak ko nang malakas ang pinto. Kumalabog ito sa pader, dahilan para mapatalon sa gulat ang dalawang nakahiga sa kama. Agad nilang hinila ang kumot para takpan ang mga sarili nila, parehong nanlalaki ang mga mata habang nakatingin sa akin.
"A-Aria?!" nauutal na sabi ni Jared. Namutla siya, nawalan ng kulay ang mukha na animo’y nakakita ng multo. "Kanina ka pa ba riyan? Teka, let me explain. Hindi ito ang iniisip mo—"
"Hindi ang iniisip ko?" Putol ko sa kanya. Ang boses ko ay malamig, matigas, at walang kahit anong bakas ng panghihina. "Na niloloko niyo ako? Na kinukuha niyo ang mga shares ko sa kumpanya? Na ginagawa niyo akong tanga sa loob ng mahabang panahon?"
Bumaling ako kay Chloe na ngayon ay nagpapakita na ng pekeng luha. "At ikaw, Chloe. Ang kapal din naman ng mukha mo. Lahat ng luho mo, ako ang nagbayad. Kulang na lang ibigay ko sa ’yo pati ang buhay ko, tapos ang lalaking pakakasalan ko pa ang hihilahin mo sa kama mo?"
"Ate, sorry... Mahal namin ang isa't isa, hindi ko sinasadya," hikbi ni Chloe, sinusubukang magpaka-biktima.
Natawa ako nang mapait. Lumapit ako sa tabi ng kama at tiningnan sila nang buong pandidiri. "Huwag mo akong matawag-tawag na ate, dahil simula sa araw na ’to, wala na akong kapatid na tulad mo. At ikaw, Jared..." Humarap ako sa lalaking akala ko ay makakasama ko habambuhay. "Salamat sa pagpapakita kung gaano ka kadumi bago ko pa maisuot ang singsing na ’yan."
"Aria, pakinggan mo muna ako!" Susubukan sanang tumayo ni Jared pero bago pa niya magawa ’yon, mabilis kong kinuha ang baso ng tubig sa nightstand at isinalpak ang buong laman nito sa mukha niya.
"Magpaliwanag kayo sa impyerno," mariin kong sabi. Tinalikuran ko sila nang walang pag-aalinlangan. Naglakad ako palabas ng penthouse nang tuwid ang likod, hawak ang natitirang dignidad na meron ako. Hindi ako luluha sa harap ng mga taong walang kwenta.
Ngunit pagbaba ko sa parking lot, habang hawak ang manibela ng kotse ko, doon lang nagsimulang pumatak ang mga luha ko. Ang sakit-sakit pa rin pala. Ang hirap tanggapin na ang mga taong pinahalagahan mo nang higit sa sarili mo ang siya palang unang hahiwa sa puso mo. Ang tanging sigurado ko lang ngayon, hindi ko hahayaang matuloy ang mga plano nila. Babawiin ko ang lahat ng sa akin, kahit anong mangyari.
Pinaandar ko ang kotse patungo sa bahay ng mga magulang ko. Kailangan kong sabihin kay Papa ang lahat. Kailangan niyang malaman kung anong uri ng ahas ang kinupkop namin sa bahay.
Nang makarating ako sa mansyon ng mga Alcantara, mabilis kong binuksan ang pinto ng sala. Ngunit laking gulat ko nang makitang nandoon na si Papa, seryosong nakaupo sa sofa habang hawak ang kanyang tablet. Sa tabi niya ay ang aking Mama na mukhang balisa.
"Papa, mabuti at gising ka pa," hingal kong sabi habang papasok. "May kailangan kayong malaman tungkol kay Jared at Chloe—"
"Ikaw ang may kailangang ipaliwanag, Aria," malamig na putol sa akin ni Papa. Iniharap niya sa akin ang tablet.
Doon ko nakita ang isang kumakalat na artikulo sa isang sikat na blind item at showbiz site, may kasama pang mga malalabong litrato ko na may kasamang ibang lalaki sa isang hotel room noong nakaraang buwan—mga litratong halatang edited at gawa-gawa lang.
"Ano ’to, Aria?" galit na tanong ni Papa, tumayo siya at itinuro ako. "Binalitaan ako ni Jared na matagal mo na raw siyang niloloko! At ngayon, balita ko ay nilusob mo pa siya sa penthouse niya para manakit dahil lang nahuli ka niya sa mga pinaggagawa mo?"
Napatanga ako. Ang bilis nila. Sa loob lang ng ilang minuto habang nagmamaneho ako, naunahan na nila akong baligtarin ang kwento. Ginamit nila ang impluwensya ni Jared para palabasin na ako ang masama.
"Pa, hindi totoo yan! Sila ni Chloe ang may relasyon! Nakita ko sila sa sarili kong mga mata!" Depensa ko, ngunit bakas sa mukha ni Papa na hindi siya naniniwala. Masyado silang malapit kay Chloe na palaging nagpapaka-mabait na anak sa harap nila.
"Magsisinungaling ka pa at idadamay mo pa ang kapatid mo!" Sigaw ni Papa, tuluyang nawalan ng pasensya. "Matagal na kitang pinagbibigyan sa mga kapritso mo, Aria. Pero ang sirain ang reputasyon ng pamilyang ito dahil sa mga iskandalo mo? Hindi ko matatanggap ’yan! Umalis ka sa bahay na ’to habang hindi ko pa tuluyang kinukuha ang lahat ng shares mo sa kumpanya!"
Tumingin ako kay Mama, umaasang ipagtatanggol niya ako, pero umiwas lang siya ng tingin. Doon ko naramdaman ang tunay na lamig ng mundo. Walang naniniwala sa akin. Ang sarili kong pamilya, itinakwil ako dahil sa isang kasinungalingang binuo ng mga taong nagtaksil sa akin.
Natawa ako nang mahina, isang tawang puno ng pait at poot. "Fine. Kung mas naniniwala kayo sa kanila, aalis ako. Pero tandaan niyo ang araw na ’to, dahil kapag nalaman niyo ang katotohanan, huwag na huwag kayong lalapit sa akin para humingi ng tawad."
Tinalikuran ko sila at naglakad palabas ng mansyon, bitbit lamang ang aking bag at ang galit na magsisilbing lakas ko para mabuhay.
Wala akong matuluyan. Na-freeze din ni Papa ang secondary credit cards ko sa ilalim ng pangalan niya sa loob lang ng ilang minuto. Nagmaneho ako nang walang patutunguhan hanggang sa mapadpad ako sa tapat ng isang marangyang establisyimento sa gitna ng siyudad—ang *The Obsidian*, isang exclusive VIP lounge na kilalang tambayan ng mga pinakamayayaman at makapangyarihang tao sa bansa.
Pumasok ako sa loob. Kailangan ko ng alak. Kailangan kong lunurin ang sakit, kahit ngayong gabi lang. Umupo ako sa mismong bar counter at umorder ng pinakamatapang na inumin na meron sila. Isang lagok, dalawa, tatlo. Ramdam ko ang pag-init ng lalamunan ko, kasabay ng unti-unting pag-ikot ng paligid.
Sa kalagitnaan ng aking pag-iisa, naramdaman ko ang pag-upo ng isang lalaki sa bakanteng stool sa tabi ko. Hindi ko siya nilingon, ngunit ang presensya niya ay napakabigat, parang may dalang kakaibang awtoridad na pilit humihila ng atensyon ng lahat sa paligid. Amoy mamahaling pabango, halo ng tobacco at cedarwood.
"Isa pa nga," untag ko sa bartender, medyo nauutal na dahil sa tama ng alak.
"Miss, mukhang marami ka nang nainom," seryosong saad ng barman, nag-aalangan na akong bigyan.
Bago pa ako makasagot, narinig ko ang isang malalim at baritonong boses mula sa lalaking nasa tabi ko. "Give her whatever she wants. Charge it to my tab."
Dahan-dahan kong nilingon ang lalaki. Kahit medyo malabo na ang paningin ko, kitang-kita ko ang perpekto nitong panga, matangos na ilong, at mga matang kasing-talim ng agila na nakatitig sa akin. Napakagwapo niya, ngunit may kung anong panganib na nakapalibot sa kanya.
Tinitigan ko siya nang matagal. Sa puntong iyon, wala na ako sa tamang pag-iisip dahil sa emosyon at alak. Ang tanging nasa utak ko lang ay ang kagustuhang makalimot, ang mapatunayang may halaga pa ako, at ang magrebelde sa mundong bigla na lang nagtapon sa akin.
"Salamat sa libre, gwapo," nakangiti kong sabi, sabay lapit ng upuan ko sa kanya.
Tinaasan niya ako ng kilay, tila nagtataka sa kawalan ko ng takot sa kanya. Ngunit hindi ko na siya hinayaang magsalita pa. Hinawakan ko ang kuwelyo ng kanyang mamahaling suit jacket, hinila siya pababa, at idinikit ang labi ko sa labi niya. Ito ay isang mapusok, magulo, at desperate na halik—isang pagtatangka na takasan ang realidad, kahit pansamantala lang.
ARIANA ALCANTARA POVHuwebes ng gabi. Isang tulog na lang at board meeting na.Nakatitig ako sa malaking bintana ng kwarto ko dito sa penthouse habang sinusuklay ang basang buhok ko pagkatapos maligo. Labas-masok ang iba't ibang senaryo sa isip ko. Paano kung magka-eskandalo bukas? Paano kung hindi kayanin ni Papa ang pressure at biglang mag-collapse sa harap ng board? O paano kung may huling alas pa si Jared na hindi namin naasahan?Kahit na gaano kalinis ang plano namin ni Ethan, hindi ko pa rin maiwasang kabahan. Pamilya ko pa rin ang babanggain ko bukas. Noong pinalayas nila ako, akala ko mas madali silang tiisin kapag galit ako. Pero ngayon na malapit ko nang makuha ang hustisya, may kakaibang bigat sa dibdib ko na hindi ko maipaliwanag. Hindi ko alam kung panghihinayang ba ito sa mga nasirang taon o takot lang sa magiging reaksyon ng mga tao sa paligid namin. Pero isa lang ang sigurado: wala na akong balak umatras.Huminto ako sa pagsusuklay nang ma
ARIA ALCANTARA POVNapatigil ako sa paglakad sa gitna ng sementadong daan ng parking lot. Nararamdaman ko ang lamig ng hangin, pero mas nangingibabaw ang init na biglang umakyat sa mukha ko habang nakikinig sa boses ni Chloe sa kabilang linya. Umiiyak siya—yung totoong iyak na puno ng takot, hindi katulad ng pa-victim na drama niya kahapon sa opisina ni Ethan.Naramdaman ko ang paghinto ni Ethan sa tabi ko. Tiningnan niya ako nang may pagtatanong sa kanyang mga mata, pero nanatili lang akong tahimik, mas pinatitigas ang hawak ko sa telepono."Ate, please..." hikbi ni Chloe, halos mabulol na siya sa takot habang may naririnig akong mga boses ng mga lalaki sa background niya. "Nandito sila sa unit. Kukunin nila ang mga laptop at mga papeles ni Jared. Sinasabi nila na may warrant of arrest daw para sa amin dahil sa falsification at fraud sa Alcantara Logistics. Ate, gawan mo ng paraan! Kausapin mo si Ethan! Alam kong isang salita mo lang sa kanya, mapapatigil
ARIA ALCANTARA POVHuwebes ng gabi. Isang tulog na lang at board meeting na.Nakatitig ako sa malaking bintana ng kwarto ko dito sa penthouse habang sinusuklay ang basang buhok ko pagkatapos maligo. Labas-masok ang iba't ibang senaryo sa isip ko. Paano kung magka-eskandalo bukas? Paano kung hindi kayanin ni Papa ang pressure at biglang mag-collapse sa harap ng board? O paano kung may huling alas pa si Jared na hindi namin naasahan?Kahit na gaano kalinis ang plano namin ni Ethan, hindi ko pa rin maiwasang kabahan. Pamilya ko pa rin ang babanggain ko bukas. Noong pinalayas nila ako, akala ko mas madali silang tiisin kapag galit ako. Pero ngayon na malapit ko nang makuha ang hustisya, may kakaibang bigat sa dibdib ko na hindi ko maipaliwanag. Hindi ko alam kung panghihinayang ba ito sa mga nasirang taon o takot lang sa magiging reaksyon ng mga tao sa paligid namin. Pero isa lang ang sigurado: wala na akong balak umatras.Huminto ako sa pagsusuklay nang mari
ARIA ALCANTARA POVPagpasok ko sa loob ng elevator, pinindot ko agad ang ground floor. Napasandal ako sa malamig na dingding na bakal habang dahan-dahang bumababa ang elevator. Ang bigat ng dibdib ko. Sobra.Alam kong matagal nang walang kwenta ang trato sa akin nina Tita Marissa at Chloe sa mansyon, pero iba pa rin pala kapag nanggaling mismo kay Papa ang kumpirmasyon. Ang sarili kong ama, pinirmahan ang dokumentong sumira sa akin. Ganoon ba talaga kadaling palitan ang loyalty ng isang magulang kapag bagong pamilya na ang nanggugulo? O ganoon lang talaga ako kawalang-halaga sa kanya kumpara kay Chloe? Limang milyong piso kapalit ng pagtapon sa akin sa basurahan. Napakapit ako sa strap ng bag ko habang pinipigilan ang sarili kong tuluyang maiyak muli. Hindi ako pwedeng umiyak dito. Maraming tao sa lobby at kailangan kong panatilihin ang mukha ng isang matatag na Alcantara-Vance.Pagkabukas ng elevator sa lobby, dire-diretso akong naglakad palabas. Nakita ko agad
ARIA ALCANTARA POVNanigas ako sa kinauupuan ko habang nakatitig sa screen ng tablet. Ang nanay ni Chloe. Si Tita Marissa.Kahit kailan, hindi ko naging kaalyado ang babaeng ’yon. Siya ang pumalit sa pwesto ng yumaong mommy ko, at simula nang pumasok siya sa bahay namin, naramdaman ko na agad kung gaano niya ako gustong mawala sa eksena para si Chloe ang maging nag-iisang prinsesa ng mga Alcantara. Pero ang makitang may direktang wire transfer sa personal account niya mula sa pondo ng kumpanya? Isang araw bago ako palayasin?Hindi ito basta coincidence. Planado ang lahat."Ma'am Aria?" bulong ng accountant sa tabi ko, halatang natatakot sa naging reaksyon ko. "Gusto niyo po bang ipagpatuloy muna natin ang ibang accounts?""No," malamig kong sagot, pilit kong pinapakalma ang boses ko kahit na ang totoo ay nagdidilim na ang paningin ko sa galit. "Focus on this transaction. Magkano ang eksaktong halaga na pumasok sa account niya?""Five m
ARIA ALCANTARA POVPagpasok ko pa lang sa main lobby ng Alcantara Logistics kinabukasan, ramdam ko na agad ang pagbabago ng ihip ng hangin. Kung kahapon ay puro bulungan at gulat ang sumalubong sa akin, ngayon ay pormal na pormal na ang bawat empleyadong nadadaanan ko. Siyempre, sino ba namang hindi matatakot? Hawak ko na ang fifty percent ng kumpanya, at alam ng lahat na may basbas ako ng isang Ethan Vance.Naka-cream tailored pantsuit ako ngayon at minimalist na black heels. Simple lang pero mukhang seryoso sa trabaho. Hawak ko ang tablet ko kung saan nakalagay ang listahan ng mga accounts na kailangan kong i-verify bago ang malaking transition ng pondo mamayang hapon.Sumabay sa akin sa elevator si Mark, ang secretary ni Ethan, kasama ang dalawang senior financial analysts ng Vance Group. Sila ang ipinadala ni Ethan para maging back-up ko sa gagawin naming audit ngayong araw."Ma'am Aria," tawag ni Mark habang pataas ang elevator. "Naka-ready na po ang
ARIA ALCANTARA POVNarinig ko ang mahinang tunog ng pagsasara ng pinto sa labas. Umalis na ang secretary niya, at kasabay nito ang pagbaba ng matinding katahimikan sa buong 50th floor. Kami na lang dalawa ni Ethan Vance ang natira sa malawak at modernong opisina na ito.Lumakad siya pabalik sa gawi
ARIA ALCANTARA POVUmupo ako sa swivel chair sa tapat ng malaking mesa niya. Tuwid ang likod ko, balikat na nakababa, at mukhang kalmado kahit ang totoo ay nagwawala na ang tibok ng puso ko sa sobrang kaba.Si Ethan Vance ay mas nakakatakot pala sa ilalim ng maliwanag na ilaw ng opisina kaysa sa ma
ARIA ALCANTARA POVNakatayo ako sa tapat ng naglalakihang salamin na pinto ng Vance Corporate Tower. Napakagara ng lobby—lahat ng tao rito ay mukhang pormal, abala, at mayayaman. Tiningnan ko ang sarili ko sa repleksyon ng salamin. Suot ko ang pinaka-decenteng business attire na natira sa lumang ga
ARIA ALCANTARA POVAng sumunod na natatandaan ko na lang ay ang magulong piraso ng mga alaala. Ang mabigat na hininga ng lalaki, ang marangyang amoy ng kanyang mamahaling pabango, at ang malamig na hangin ng gabi habang hihila niya ako pasakay sa isang marangyang kotse. Sobrang lakas ng tama ng ala







