Share

CHAPTER 2

Author: SHEON
last update publish date: 2026-06-16 13:35:35

ARIA ALCANTARA POV

Ang sumunod na natatandaan ko na lang ay ang magulong piraso ng mga alaala. Ang mabigat na hininga ng lalaki, ang marangyang amoy ng kanyang mamahaling pabango, at ang malamig na hangin ng gabi habang hihila niya ako pasakay sa isang marangyang kotse. Sobrang lakas ng tama ng alak sa akin kaya hindi ko na nagawang mag-isip nang matino. Ang alam ko lang, sa mga sandaling iyon, gusto kong takasan ang katotohanang itinakwil ako ng sarili kong pamilya dahil sa mga ahas na nagtaksil sa akin.

Nang magising ako kinaumagahan, sinalubong agad ako ng isang matinding sakit ng ulo. Daig ko pa ang binukpukan ng martilyo. Napapikit ako nang mariin habang pilit na kinakapa ang paligid.

Hindi ito ang kama ko. Masyadong malambot. At ang kumot ay gawa sa mamahaling silk na kulay charcoal grey.

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at napaupo ako nang mabilis nang mapagtanto kung nasaan ako. Isang malaking luxury hotel penthouse suite. Tumingin ako sa ilalim ng kumot. Laking pasalamat ko na suot ko pa rin ang damit ko kagabi, bagaman medyo gusot na ito at maluwag na ang pagkakatali ng buhok ko.

Tumingin ako sa paligid, umaasang makikita ko ang lalaki kagabi, pero malinis at tahimik ang buong silid. Wala nang tao.

Bumaba ako sa kama at napansin ang isang pirasong papel sa ibabaw ng nightstand. May nakapatong na pirmahang tseke rito na may nakasulat na malaking halaga, at isang maikling note na may stroke ng panulat na napakatigas at pormal.

*“Para sa abala kagabi. Umalis ka na bago dumating ang mga tauhan ko.”*

Walang pangalan. Walang kahit ano.

Napangisi ako nang mapait habang tinititigan ang tseke. Grabe, pinalabas pa yata ng lalaking ito na binayaran niya ako para sa halik kagabi? Akala ba niya ay kung sino akong babae na pwedeng tapunan lang ng pera pagkatapos pakinabangan ang sandali? Kung alam lang niya kung gaano kalaki ang mga assets na hawak ko bilang auditor bago ako palayasin ng tatay ko, baka matawa siya sa halagang iniwan niya.

Kinuha ko ang bag ko at akmang aalis na nang may matabig ang paa ko sa sahig. Isang maliit na itim na bagay ang gumulong sa ilalim ng kama. Lumuhod ako at kinapa ito.

Isang leather cardholder na may nakasingit na flash drive. May maliit na logo ito ng isang lawin—ang kilalang selyo ng Vance Group of Companies.

Naiwan niya ’to? hula ko habang tinititigan ang flash drive. Kung galing ito sa Vance Group, ibig sabihin, ang lalaki kagabi ay may mataas na posisyon doon, o kaya naman ay may mahalagang transaksyon sa kumpanyang iyon. Ang Vance Group ang pinakamalaking conglomerate sa bansa, ang tinuturing na untouchable empire sa mundo ng negosyo.

Hindi ko pinansin ang tseke, pero isiniksik ko ang flash drive sa bulsa ng jacket ko. Umalis ako ng hotel gamit ang likod na pinto para iwasan ang mga bodyguard na posibleng nagbabantay sa lobby.

Tatlong araw ang lumipas na parang isang mahabang bangungot. Dahil na-freeze ang mga accounts ko at wala akong matuluyan, pansamantala akong nakisuyo sa isang maliit na apartment ng isang dating kaklase ko noong college na nasa probinsya. Doon ko pinalipas ang mga araw na halos hindi kumakain, nakatitig lang sa kisame, at paulit-ulit na naririnig sa utak ko ang tawa nina Jared at Chloe habang pinaplano ang pagbagsak ko.

Masakit, oo. Pero habang lumilipas ang mga araw, ang sakit ay unti-unting napapalitan ng isang malamig at kalkuladong galit. Hindi pwedeng ganito na lang. Hindi pwedeng sila ang nakangiti habang ako ay nagtatago sa dilim.

Sa ika-apat na araw, nagdesisyon akong kumilos. Pumunta ako sa isang tahimik na internet café sa gilid ng kalsada, malayo sa mga lugar na madalas puntahan ng pamilya ko. Umupo ako sa pinakasulok na computer at isinaksak ang itim na flash drive na nakuha ko sa hotel suite.

Noong una, akala ko ay mga ordinaryong corporate file lang ang laman nito. Pero habang binubuksan ko ang mga folder, unt-unting nanlaki ang mga mata ko. Bilang isang top financial auditor, kabisado ko ang bawat galaw ng mga numero—at ang nakikita ko ngayon sa screen ay hindi lang basta ordinaryong file.

Naglalaman ito ng mga lihim na financial statements, tax evasion records, at mga pekeng invoice na nakapangalan sa Alcantara Logistics—ang mismong kumpanya ng pamilya ko na pinapatakbo na ngayon ni Jared.

Nanginginig ang mga daliri ko habang nag-i-scroll pababa. Ang Vance Group pala ay matagal nang nag-iimbestiga sa kumpanya namin para sa isang hostile takeover, at ang flash drive na hawak ko ngayon ay naglalaman ng mga ebidensyang pwedeng magpadala kay Jared at sa pamilya ko sa kulungan sa loob ng mahabang panahon. Pero may kulang. May mga butas pa sa audit report na hindi pa nakukumpleto ng kung sino mang gumawa nito. Mga butas na ako lang, bilang dating chief auditor ng Alcantara, ang nakakaalam kung paano reresolbahin.

Napatitig ako sa screen habang unt-unting nagliliwanag ang direksyon ng gagawin ko. Kung gusto nina Jared at Chloe na kunin ang lahat ng sa akin, mas unahan ko na sila. Gagamitin ko ang utak ko para tapusin ang report na ito, at ibibigay ko ito sa taong may kakayahang pumisa sa kanila na parang mga insekto.

Inilabas ko ang aking sariling drive at sinimulan kong i-code ang mga nakatagong financial ledgers na na-save ko bago ako pinalayas. Mabilis na gumalaw ang mga kamay ko sa keyboard, bawat keystroke ay puno ng determinasyon. Ibabalik ko ang report na ito sa may-ari, pero sa pagkakataong ito, kasama na ang buong alas na magpapabagsak sa mga taong nanira sa buhay ko.

Matapos ang ilang oras na pagtatrabaho, itinabi ko ang mga folder sa isang pulang envelope at tumayo na ako mula sa computer. Dumiretso ako sa tapat ng salamin ng banyo ng café, inayos ang aking gulu-gulang na buhok, at tinitigan ang sarili ko. Tapos na ang oras ng pag-iyak.

Naglakad ako palabas ng internet café at pumara ng taxi patungo sa pinakasentro ng business district—sa Vance Corporate Tower.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Sweet Revenge, Fake Marriage   CHAPTER 34

    ARIANA ALCANTARA POVTahimik ang buong penthouse maliban sa marahang tunog ng musika na nagmumula sa soundbar sa sala. Nakatayo ako sa may malaking glass window, hawak ang isang baso ng pulang alak habang pinapanood ang mga nagniningning na ilaw ng mga gusali sa buong BGC. Kahit gabi na, abala pa rin ang mga sasakyan sa ibaba, parang ang lungsod na ito ay hindi kailanman natutulog.Kanina pa natapos ang pagdiriwang namin tungkol sa matagumpay na Mindanao expansion at sa pag-basura ng pekeng balita. Pagkatapos naming umalis sa Vance Tower, dumaan muna kami sa isang paboritong Italian restaurant para maghapunan bago tuluyang umuwi rito. Pero kahit tapos na ang araw at napatunayan naming mali ang mga taong gustong sumira sa amin, may kakaibang bigat pa rin sa loob ko na hindi ko maalis-alis.Pakiramdam ko, ang mga pagsubok na ibinabato nina Tita Marissa at ng mga kasabwat nila ay parang mga basag na bubog na paulit-ulit naming tinatapakan. Akala mo ay tapos na at m

  • Sweet Revenge, Fake Marriage   CHAPTER 33

    ARIANA ALCANTARA POVNakatitig lang ako sa papel na hawak ko habang paulit-ulit na binabasa ang bawat linya ng artikulo. Ginamit nila ang pangalan ng lolo ko—ang taong pinakarespetado sa buong industriya ng logistics—para lang palabasing may anomalya sa mga lumang dokumento ng lupa na binili namin noong dekada nubenta. Sobrang baba naman ng istilong ito. Alam ko na desperate sina Tita Marissa dahil sa dami ng kasong kinakaharap nila, pero ang idamay ang pangalan ng patay na lang para lang sirain ang expansion namin ngayong hapon? Sobra na 'yon.Naramdaman ko ang pag-init ng buong katawan ko sa galit. Hindi dahil sa natatakot ako sa epekto ng balita, kundi dahil sa kawalan nghiyaan ng mga taong gagawin ang lahat masira lang ang kumpanyang pinaghirapan ng pamilya namin. Kung akala nila ay manghihina ako sa isang fake news na gawa-gawa lang ng mga bayarang blogger, nagkakamali sila. Mas lalo lang akong ginanahan na tapusin ang laban na 'to ngayon na."M

  • Sweet Revenge, Fake Marriage   CHAPTER 32

    ARIANA ALCANTARA POVNaka-focus ang mga mata ko sa screen ng laptop habang binabasa ko ang huling draft ng proposal para sa Mindanao logistics expansion. Maganda ang takbo ng mga numero. Mas mababa ang projected cost kumpara noong nakaraang taon, at mas mabilis din ang magiging delivery turnaround time dahil sa mga bagong kasunduan namin sa mga lokal na port authority. Isang malaking hakbang ito para tuluyang patunayan sa buong industriya na hindi lang kami nakabangon mula sa iskandalo, kundi mas lumakas pa kami.Pero habang binabasa ko ang bawat detalye, hindi ko maiwasang makaramdam ng bahagyang kaba. Alam ko na ngayong araw din ang pagdinig sa korte tungkol sa pekeng TRO na isinampa ng mga bayarang abogado nina Tita Marissa. Kahit sinabi na sa akin ni Atty. Gomez na madali lang naming maibabasura 'yon, iba pa rin kapag iniisip mo na may mga taong sadyang walang ginawa kundi ang mag-abang sa bawat pagkakamali mo."Ma'am Aria," biglang pumasok si Karen sa opisi

  • Sweet Revenge, Fake Marriage   CHAPTER 31

    ARIANA ALCANTARA POVMaagang nagising ang diwa ko kinabukasan. Habang nakatingin ako sa labas ng bintana ng penthouse, pinapanood ko ang pag-akyat ng araw habang umiinom ng tsaa. Malayo na ang narating ko mula noong gabing pinalayas ako sa mansyon. Noon, pakiramdam ko ay katapusan na ng mundo ko. Pero ngayon, hawak ko ang kumpanya, may maayos kaming relasyon ni Papa na nagpapagaling na, at may taong tulad ni Ethan na laging nakasuporta sa bawat hakbang ko.Pero kahit alam kong kontrolado ko na ang sitwasyon, hindi ko pa rin malimutan ang tawag kagabi mula sa dating loan officer. Sina Tita Marissa at ang mga natitirang tauhan ni Jared ay nagtatangkang gumawa ng ingay sa likod namin. Alam kong desperado na sila dahil wala na silang pondo at nakakulong na ang pangunahing utak ng korapsyon, kaya gagawin nila ang lahat para lang makaganti o kaya ay makakuha kahit kaunting pera sa Alcantara Logistics.Huminga ako nang malalim at ibinaba ang mug sa ibabaw ng lamesa. Hi

  • Sweet Revenge, Fake Marriage   CHAPTER 30

    ARIANA ALCANTARA POVNakatitig ako sa repleksyon ko sa salamin habang dahan-dahan kong inaayos ang kwelyo ng blazer ko. Kulang-kulang dalawang linggo na ang nakakalipas simula noong unang preliminary hearing ni Jared, at sa bawat araw na lumilipas, parang unti-unting bumabalik sa normal ang lahat. Si Papa ay nakalabas na sa St. Luke's at kasalukuyang nagpapahinga sa mansyon sa ilalim ng mahigpit na alaga ni Yaya Elena at ng isang private nurse. Ang Alcantara Logistics naman ay tuluyan nang nakaposisyon sa tamang direksyon; walang aberya sa mga transaksiyon, malinis ang mga libro, at ang mga empleyado ay masipag nang nagtatrabaho nang walang pangamba.Pero kahit sabihin nating maayos na ang takbo ng negosyo, may mga gabi na hindi ko pa rin maiwasang mapaisip.Limang taon kong inilaan kay Jared ang buhay ko. Limang taon kong pinaniwalaan na siya na ang makakasama ko habambuhay, na siya ang magiging karamay ko sa pagpapatakbo ng kumpanya kapag matanda na si Papa. A

  • Sweet Revenge, Fake Marriage   CHAPTER 29

    ARIANA ALCANTARA POVTahimik ang naging byahe namin pabalik mula sa Pasay RTC patungong BGC. Habang nakatingin ako sa labas ng bintana ng sasakyan, paulit-ulit na naglalaro sa isip ko ang mukha ni Jared kanina habang suot ang orange na damit ng mga preso. Parang ang layo-layo na ng lalaking 'yon sa taong pinagkakatiwalaan ko noon. Ang yabang niya, ang galing magsalita, at ang taas ng tingin sa sarili—lahat ng 'yon ay gumuho nang dahil sa sarili niyang kasakiman.Pero kahit nakuha na namin ang unang tagumpay sa korte, walang bahagi sa akin ang nakakaramdam ng tuwa o pagdiriwang. Nandoon lang ang pakiramdam ng pagod. Para bang pagkatapos ng matagal na pagtakbo sa ilalim ng ulan, huminto ka na lang sa gitna ng daan dahil wala ka na palang natitirang lakas para humakbang pa.Napansin yata ni Ethan ang katahimikan ko. Dahan-dahan niyang inabot ang kamay ko habang nakapokus pa rin ang mga mata niya sa daan."Okay ka lang ba?" tanong niya, mababa at banaya

  • Sweet Revenge, Fake Marriage   CHAPTER 5

    ARIA ALCANTARA POVNarinig ko ang mahinang tunog ng pagsasara ng pinto sa labas. Umalis na ang secretary niya, at kasabay nito ang pagbaba ng matinding katahimikan sa buong 50th floor. Kami na lang dalawa ni Ethan Vance ang natira sa malawak at modernong opisina na ito.Lumakad siya pabalik sa gawi

  • Sweet Revenge, Fake Marriage   CHAPTER 4

    ARIA ALCANTARA POVUmupo ako sa swivel chair sa tapat ng malaking mesa niya. Tuwid ang likod ko, balikat na nakababa, at mukhang kalmado kahit ang totoo ay nagwawala na ang tibok ng puso ko sa sobrang kaba.Si Ethan Vance ay mas nakakatakot pala sa ilalim ng maliwanag na ilaw ng opisina kaysa sa ma

  • Sweet Revenge, Fake Marriage   CHAPTER 3

    ARIA ALCANTARA POVNakatayo ako sa tapat ng naglalakihang salamin na pinto ng Vance Corporate Tower. Napakagara ng lobby—lahat ng tao rito ay mukhang pormal, abala, at mayayaman. Tiningnan ko ang sarili ko sa repleksyon ng salamin. Suot ko ang pinaka-decenteng business attire na natira sa lumang ga

  • Sweet Revenge, Fake Marriage   CHAPTER 1

    ARIA ALCANTARA POVHawak ko ang paper bag na naglalaman ng homemade lasagna na apat na oras kong niluto. Espesyal ang gabing ’to. It’s our fifth anniversary ni Jared, at ilang buwan na lang, ikakasal na kami. Plano kong isurpresa siya sa penthouse niya. Kilala si Jared bilang isa sa pinakamahusay n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status