홈 / Romance / The Heart Surgeon's Substitute Bride / The Battle in the Operating Room

공유

The Battle in the Operating Room

작가: gemi3031
last update 게시일: 2026-06-28 14:24:23

Magkakilala kayo?" takang tanong ni Dr. Ramos.

Hindi sumagot si Alex. Lumapit siya nang ilang hakbang kay Clara, ang kanyang presensya ay nakatutunaw sa sobrang bigat. Ikaw ang doktor na gumawa ng CPR sa lola ko. At ikaw din ang mag-oopera sa kanya ngayon.

Tiningnan ni Clara ang chart ng pasyente bago hinarap si Alex. Walang bakas ng takot sa kanyang mga mata. "Masyadong mataas ang risk ng surgery na ito, Mr. Valdez. Ang lola mo ay 76 taong gulang na. Ang tsansa na magtagumpay ang operasyon ay 50-50 dahil mahina na ang kanyang tissue.

Gawin mo ang lahat, giit ni Alex, hinawakan niya ang balikat ni Clara isang bagay na hindi niya karaniwang ginagawa sa mga estranghero. Sinasabi ng direktor na ikaw ang pinakamagaling. Patunayan mo sa akin.

Inalis ni Clara ang kamay ng bilyonaryo sa kanyang balikat sa isang propesyonal na paraan. "Gagawin ko ang trabaho ko dahil tungkulin ko ang magligtas ng buhay, hindi para magpakitang-gilas sa iyo. Ihanda ang operating room, utos ni Clara sa mga nurse, bago tiningnan si Alex nang diretso. Magdasal ka na lang na kayanin ng puso ng lola mo ang talim ng aking scalpel.

Habang naglalakad si Clara patungo sa scrub room para mag sterilize, naiwang nakatitig si Alex sa kanyang likod. Sa buong buhay niya, ang mga babaeng nakapaligid sa kanya ay alinman sa natatakot sa kanya o nagpapacute para makuha ang kanyang atensyon at pera gaya ng ex-fiancée niyang si Cassandra.

Ngunit ang doktor na ito? Wala itong pakialam kung sino siya. At sa unang pagkakataon, ang buhay ng pinakamahalagang tao sa buhay ng bilyonaryo ay nasa mga kamay ng isang simpleng babaeng hindi man lang nasisilaw sa kanyang yaman.

Malamig ang hangin sa loob ng Operating Room (OR). Ang tunog ng heart monitor na may ritmong bip... bip... bip... ang tanging naririnig sa buong silid. Naka-sterilize na si Clara, suot ang kanyang surgical gown, guwantes, at surgical cap. Ang kanyang mga mata lamang ang nakikita sa likod ng kanyang maskara, ngunit sapat na iyon para makita ang kakaibang seryoso at pokus na aura.

Sa itaas ng OR, sa likod ng isang malaking glass window sa viewing gallery, nakatayo si Alex Valdez. Naka-cross arms siya habang nakatitig sa ibaba. Hindi siya pinayagang pumasok sa mismong silid, kaya dito siya pumuwesto upang personal na bantayan ang operasyon ng kanyang lola. Ang kanyang mga mata ay nakatutok kay Clara.

Scalpel, malamig at kalmadong utos ni Clara sa surgical nurse.

Nang maiabot sa kanya ang instrumento, nagsimula na si Clara. Ang bawat hiwa niya sa dibdib ng matanda ay tumpak, mabilis, at walang pag-aalinlangan. Para kay Clara, sa oras na hawakan niya ang scalpel, nawawala ang lahat ng kanyang pagod. Ang tanging mahalaga ay ang pasyenteng nasa harap niya.

Lumipas ang unang dalawang oras ng operasyon nang maayos. Sinisimulan na ni Clara ang pag bypass sa baradong ugat gamit ang isang malusog na ugat na kinuha mula sa binti ng matanda.

Ngunit biglang nagbago ang tunog ng machine.

Doc, bumubulusok ang blood pressure ng pasyente! 60 over 40!" kabado at mabilis na ulat ng anesthesiologist.

May internal bleeding sa likod ng aorta! Humihina ang tibok ng puso niya! sigaw ng assistant doctor.

Sa viewing gallery, napasuntok si Alex sa salamin. "Anong nangyayari?!" sigaw niya sa walang lamang hangin. Nakita niya ang biglang pagkakagulo ng mga nurse at ang pag-pula ng mga linya sa monitor. Ang kanyang puso ay tila huminto sa pagtibok. Lola, huwag ngayon... huwag mo akong iwan, pakiusap niya sa kanyang isip.

Sa loob ng OR, habang ang lahat ay natataranta, si Clara ang nanatiling parang bato ang kalmado. Huwag kayong mag panic! I-clamp ang thoracic aorta, ngayon din! Maghanda ng dalawang bag ng dugo para sa transfusion! utos niya sa isang boses na hindi matatanggihan.

Mabilis niyang isinawsaw ang kanyang mga kamay sa loob ng dibdib ng matanda. Dahil sa katandaan ni Donya Aurora, masyadong manipis ang dingding ng kanyang mga ugat. Isang maling galaw lang ng karayom ni Clara ay maaaring tuluyang mapunit ang puso nito.

Tumingala saglit si Clara sa viewing glass. Nakita niya ang mukha ni Alex, ang makapangyarihang bilyonaryo ay mukhang isang batang takot na takot na mawalan ng pamilya.

Ibinaba muli ni Clara ang kanyang tingin. Hindi ka mamamatay sa lamesang ito," bulong niya sa pasyente.

Gamit ang kanyang pambihirang bilis at katatagan ng kamay, sinimulan ni Clara ang pagtahi sa napunit na bahagi ng aorta sa gitna ng umaagos na dugo. Ang kanyang mga daliri ay gumalaw na parang isang bihasang musikero na tumutugtog ng piano, pino, mabilis, at perpekto.

Ang buong operating room ay nagpigil ng hininga.

Isang minuto.. Dalawang minuto..

Bip... bip... bip..

Unti-unting bumalik sa normal na ritmo ang heart monitor.

Stabilized na po ang BP, Doc. 110 over 70. Huminto na ang bleeding, nakahingang-maluwag na sabi ng anesthesiologist. Napapahid din ng pawis ang mga nurse.

Tapusin natin ang pagtahi, sabi ni Clara, na parang walang nangyaring milagro.

Matapos ang isa pang oras, matagumpay na naisara ang dibdib ng matanda. Lumabas si Clara ng operating room at tinanggal ang kanyang maskara. Bungad sa pinto ay si Alex, na agad siyang sinalubong. Bakas sa mukha ng bilyonaryo ang halo-halong emosyon, takot, pag-asa, at matinding relief.

Kamusta ang lola ko? tanong ni Alex, ang kanyang boses ay may kaunting panginginig na pilit niyang itinago.

Tumingin si Clara sa kanya, may pagod ngunit may ngiti sa kanyang mga mata. "Ligtas na ang lola mo, Mr. Valdez. Matagumpay ang operasyon. Ililipat na siya sa recovery room ngayon, at kailangan niya lang magpahinga.

Napatitig si Alex kay Clara. Sa pagkakataong ito, hindi lang pasasalamat ang nararamdaman niya, kundi isang malalim na paghanga. Ang babaeng ito ay hinarap ang kamatayan at nanalo.

Salamat, taimtim na sabi ni Alex. Ito ang unang pagkakataon na nagpasalamat siya nang tapat sa isang tao.

Trabaho ko ito, simpleng sagot ni Clara. Magpahinga ka na rin. Mas kailangan ka ng lola mo kapag nagising siya.

Habang naglalakad palayo si Clara, hindi alam ni Alex na ito na ang huling gabi na magiging normal ang buhay ng magandang doktor, dahil sa oras na magising si Donya Aurora, may nakahanda na itong plano na magtatali sa kanilang dalawa habambuhay.

이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • The Heart Surgeon's Substitute Bride   The Stethoscope and the Blueprint

    Apat na taon ang mabilis na lumipas matapos ang marahas na pagtatangka ng anak ni Marco Sy sa unibersidad. Si Tristan Sy ay permanenteng nabubulok na ngayon sa isang maximum security detention facility sa ibang bansa, at ang anino ng paghihiganti ay tuluyan nang napawi. Sa edad na dalawampu't apat na taon, si Clarisse Valdez ay opisyal nang nakatapos ng kanyang medikal na pag-aaral nang may pinakamataas na parangal at kasalukuyan nang nagsisilbi bilang pinakabatang Resident Cardiothoracic Surgeon sa Dr. Manuel Monteverde Memorial Medical Center sa Tarlac, katabi ng kanyang inang si Clara.Dahil sa tindi ng kanyang pokus sa medisina at sa charity ward, walang oras si Clarisse para sa mga usapin ng pag-ibig. Para sa kanya, ang kanyang scalpel at ang pagbabalik ng normal na tibok ng puso ng mga bata ang kanyang nag-iisang buhay. Palagi niyang sinasabi kay Clara na mas pipiliin niyang maging single habambuhay kaysa sa pumasok sa isang relasyon na tulad ng nakaraang Marriage Contract ng ka

  • The Heart Surgeon's Substitute Bride   The Healing of the Bloodlines

    Pagkahinto ng sasakyan sa tapat ng main entrance, hindi na hinintay nina Clarisse at Xander Jr. na pagbuksan sila ng mga guwardiya. Dahan-dahan silang bumaba, magkahawak ang kanilang mga kamay habang si Ethan naman ay nakasunod sa kanilang likuran, seryoso ang mukha ngunit may bakas ng matinding relief.Si Xander Jr. ay may puting bandage na nakabalot sa kanyang kanang pisngi upang takpan ang sugat mula sa suntok ni Tristan Sy, habang ang puting laboratory coat naman ni Clarisse ay may kaunting mantsa ng pulang lupa at tuyong dugo mula sa naganap na marahas na sagupaan sa kalsada.Bumukas ang malaking pinto ng mansyon nang may malakas na kalabog.Nakatayo sa gitna ng lobby si Alexander Valdez at si Dr. Clara Monteverde-Valdez. Si Alex ay nakasuot ng kanyang pambahay na itim na polo, ngunit ang kanyang mukha ay putlang-putla at ang kanyang buong katawan ay marahas na nanginginig sa tindi ng takot at poot na kanina pa niya kinikimkim mula nang matanggap ang emergency alert mula sa NBI.

  • The Heart Surgeon's Substitute Bride   The Strike in the Dark

    Ang gabi ay tuluyan nang lumalim sa paligid ng unibersidad, at ang madilim na kalsada sa labas ng St. Jude Medical Institute ay binalot ng isang napakamalamig at masukal na hamog. Kakalabas lang ni Clarisse mula sa huling duty niya sa klinika. Bitbit ang kanyang backpack, mabilis siyang naglalakad patungo sa tagong terminal ng sasakyan. Nagpasya siyang huwag magpasundo sa mga personal na guwardiya ng kanyang ama upang hindi nito matuklasan ang nagaganap na tensyon sa pagitan nila ni Tristan Sy.Ngunit nang makarating siya sa isang madilim at walang taong kurbada ng kalsada, isang mahabang itim na limousine ang biglang humarurot mula sa dilim at marahas na humarang sa kanyang unahan.Bumukas ang pinto ng sasakyan, at dahan-dahang bumaba si Tristan Sy. Suot pa rin nito ang kanyang itim na winter jacket, seryoso ang mukha, at ang kanyang mga mata ay nanlilisik sa purong poot sa ilalim ng liwanag ng nag-iisang poste ng ilaw. Sa likod niya, sumunod ang dalawa pa nitong armadong tauhan na n

  • The Heart Surgeon's Substitute Bride   The Classroom Duel

    Ang gabi matapos ang nakatatakot na tagpo sa dissection laboratory ay naging isang mahabang laban para kay Clarisse. Nang umuwi siya sa mansyon ng mga Valdez, sinalubong siya ng pamilyar na init at tamis ng kanyang pamilya. Nakita niya ang kanyang amang si Alex na masayang nakikipagbuno kay Xander Jr. sa carpet ng sala, habang ang kanyang inang si Clara naman ay may dalang baso ng gatas para sa kanya. Sa tindi ng pagmamahal na nakikita niya, mas lalong pinatigas ni Clarisse ang kanyang paninindigan. Itinago niya ang pulang note ni Tristan sa pinakamalalim na bulsa ng kanyang backpack. Ayaw niyang muling buksan ang mga lumang sugat at takot ng kanyang mga magulang oras na para patunayan niya na ang nag-iisang anak ng bilyonaryo at ng heart surgeon ay may sapat na lakas upang ipaglaban ang kanyang sariling kaligtasan.Kinabukasan, ang main lecture hall ng St. Jude Medical Institute ay napupuno ng ingay ng higit sa sandaang mga first-year medical students. Ang sikat ng araw ay banayad na

  • The Heart Surgeon's Substitute Bride   The Passing of the Scalpel

    Ang paglipas ng limang taon mula noong makasaysayang medical mission ng pamilya Valdez sa Africa ay nagdala ng panibagong yugto ng pagbabago sa mansyon. Ang mga ripples ng panahon ay patuloy na gumuhit ng mga magagandang alaala, ngunit para sa panganay na anak nina Alex at Clara, ang panahon ng paglalaro sa ilalim ng mga puting rosas ay pormal nang nagtapos. Sa edad na dalawampung taon, si Clarisse Monteverde Valdez ay isang ganap nang pre-med graduate at kasalukuyang nasa kanyang unang taon sa St. Jude Medical Institute ang prestihiyosong unibersidad kung saan si Dr. Ethan Ramirez ay nananatiling isa sa mga tanyag na Professor.Taglay ni Clarisse ang pambihirang kumbinasyon ng kanyang mga magulang. Mayroon siyang maamo at matatag na kagandahan ng kanyang inang si Clara, ngunit ang kanyang matatalas na mga mata at ang dominanteng aura sa kanyang bawat hakbang ay purong Alexander Valdez. Kilala siya sa buong kampus bilang isang walang-awang genius na palaging nakakakuha ng pinakamataas

  • The Heart Surgeon's Substitute Bride   The Laurel of the Red Zone

    Ang sumunod na dalawang linggo sa loob ng Kivu Quarantine Camp sa Congo ay naging isang walang-patid na karera laban sa kamatayan. Para kay Dr. Clara Monteverde-Valdez, kay Dr. Ethan Ramirez, at kay Dr. Maya Salvador, ang Operating Room tent ay naging kanilang buong mundo. Sa ilalim ng patuloy na ugong ng mga medical generators at sa tulong ng sandaang makabagong ventilators na ipinagtanggol ni Alex mula sa mga rebeldeng gerilya, walang tigil ang mga kamay ng mga doktor sa paghawak ng scalpel.Araw at gabi, si Clara ang nangunguna sa mga emergency open-heart surgeries upang ayusin ang mga namamagang pader ng puso ng mga bata na dumanas ng mutated myocarditis. Si Ethan at Maya naman ang walang pagod sa pangangasiwa ng post-op recovery at sirkulasyon ng blood transfusion. Masyadong kritikal ang sitwasyon, ngunit ang talino, ang disiplina, at ang nag-aalabab na malasakit ng pamilya Valdez-Monteverde Foundation ay nagbunga ng isang pambihirang milagro.Sa loob ng labing-apat na araw, ang

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status