Pagkatapos kong kainin ang inihanda niyang pagkain, nagbihis ako ng maayos na damit. Si Kianna kasi, kahit paano, ay may mga simpleng damit na pinaayos at ipinahanda para sa akin. May simpleng blouse, may malambot na jogging pants, at may pares ng bagong sneakers na sakto sa laki ng paa ko.Sinabi ko sa kanya kagabi na nakakahiya at masyadong marami na ang naibibigay nila sa akin.Sinabi niya lang sa pabalang niyang tono: “Shut up, Ysa. Kung gusto mong mabuhay at maging tao sa mundong ’to, magsuot ka ng maayos at wag kang magpaka-martir.”Hindi ko na alam kung matatawa ba ako o maiiyak sa matapang niyang paraan ng pagmamalasakit.Bandang alas-nuwebe ng umaga, dahan-dahan akong bumaba sa malawak na sala.At doon ay nakita ko agad si Kianna—nakaupo sa couch, naka-cross legs, at may hawak na mamahaling phone. Si Kiefer naman ay naroroon sa isang malalim na sulok ng silid, naka-headphones, na para bang ayaw niyang maki-exist o makipag-usap sa mundo. Pero kahit ganoon, naroroon pa rin ang
Last Updated : 2026-10-17 Read more