Lucas Ian Anderson (Lucien)Paglabas ko mula sa malamig na kwarto ni Mia, hindi ako dumiretso sa laboratory.Hindi ko kayang mag-focus sa mga microscopes, specimens, at chemical formulas kapag ang buong utak ko ay paulit-ulit na winawasak ng isang napakasimpleng reyalidad:Binalikan ko ang mali.At habang nagpapakagago ako sa pagbabalik sa maling tao—may isang taong iniwan ko sa dilim, paulit-ulit, na para bang laging may nakalaang “mamaya na, hindi ka naman aalis.”Huminga ako nang napakalalim sa kabuuan ng hallway. Ang ilaw sa loob ng Underground Laboratory—malamig, sterile, at walang kaunting emosyon. Sakto. Kasi wala na rin naman akong anumang emosyong gustong ipakita sa mukha ko.May pumasok na isang staff mula sa gilid, mabilis at nanginginig ang mga yabag.“Sir Lucas, Ms. Mia’s mother is currently asking for you in the conference room,” sabi niya habang nakayuko.Hindi na ako nagulat. Expected.Dahil kung may tao mang mas mabilis pa kay Mia umiyak at magpaawa, ’yon ay ang saril
ปรับปรุงล่าสุด : 2026-10-16 อ่านเพิ่มเติม