Hindi na alam ni Althea kung anong klaseng kamalasan ba ang sinapit niya. Dalawa o tatlong beses pa lang silang nagkikita, pero sa bawat pagkakataon na iyon. Hindi niya maiwasang matakot, aminado naman siya na gwapo ito. Lalo na kapag seryoso ang mukha nito, ngunit mapapansin pa rin na masyado itong malamig at mapagmataas.Kapag nakangiti naman, lalo itong nagmumukhang mapanganib at hindi mapigilan. Hindi niya mabasa kung ano ba ang tunay nitong iniisip, parang mabuti na may halong kasamaan. Napakahirap niyang intindihin, sinubukan niyang itulak muli ang dibdib nito. Pero parang pader ito, kahit gaano siya kalakas hindi ma lang ito natinag. “Hoy babae…saan mo inilalagay ang kamay mo?”Agad na natigilan si Althea, ngayon lang niya napansin na V-neck ang suot nitong polo. Habang itinutulak niya ito, kitang-kita ang kanyang maputing daliri laban sa maitim nitong damit. Hindi lang iyon, hindi niya namalayang sumayad pa ang dalawang daliri niya sa malamig nitong collarbone. "Sir, mali
Last Updated : 2026-07-30 Read more