JEROME POV Natigilan sina Mama at Papa. "Pinili ni Chloe na ilihim ang sakit niya." dagdag na wika ni Trexie, “Dahil ayaw niya pong pati kayo, mag-aalala sa kanya. Ilang beses ko siyang kinausap…lalo na noong nag-uumpisa pa ang sakit niya…pero, ayaw niya talaga eh! Ni ayaw niyang tumikim ng kahit na isang gamot.” Lumuluhang pagsasalaysay ni Trexie. Kaagad ko namang naikuyom ang kamao ko. “Bakit, ayaw niya? Bakit kailangan isekreto ang isang napaka delikadong bagay?” “Ayaw niya daw pong pati kayo, mag-aalala sa kalagayan niya. Ang sabi niya sa akin, wala naman na daw halaga ang buhay niya. Ang ama niya ay nasa kulungan pa rin…tapos ang lolo at lola niya, patay na. Si Jerome naman, may iba nang babaeng gusto.” wika ni Trexie kasabay ng biglang paglapit ni Papa sa akin. At hindi na ako umilag pa nang malakas niya akong sinapak. Tinamaan ako sa aking panga pero, hindi ako kumibo. Para lang akong tood na nakatayo habang si Mama at pilit niyang inaawat si Papa “Walang hiya ka!
Huling Na-update : 2026-08-02 Magbasa pa