LOGINAnim na taon na ang lumipas mula nang talikuran ni Celestine ang lalaking minsan niyang minahal nang higit pa sa sarili. Anim na taong walang anumang balita, walang paramdam, at mas gusto niya iyong ganoon.
"Please, Lord, kahit ito na lang," bulong niya sa hangin. Mahigpit ang hawak ni Celestine sa folder na naglalaman ng kanyang résumé habang nakatayo sa tapat ng gahiganteng gusali ng Virelli Group. Ilang buwan na siyang walang trabaho. Sagad na ang ipon niya para sa renta, pagkain, at iba pang gastusin. This interview was her absolute last chance. Huminga siya nang malalim bago itinulak ang salaming pintuan ng lobby. Ngunit ilang hakbang pa lamang ang nagagawa niya ay napahinto siya nang makarinig ng mahinang hikbi. Napalingon siya sa pinagmulan ng tunog at nakita ang isang bata, humigit-kumulang anim na taong gulang, na tahimik na pinupunasan ang namumulang mga matang halos maiyak na. "Hey, sweetheart.." Mabilis na lumuhod si Celestine sa harap nito upang pantayan ang height ng bata. "Are you okay? Bakit ka umiiyak?" Namumula ang ilong ng bata habang tumitingin sa kanya. "I... I can't find my daddy." Agad na lumambot ang puso ni Celestine kahit medyo nanibago siya dahil spokening dollars ang kausap niya. "It's okay. Don't cry. We'll find him together, okay?" Pero sa loob-loob niya, gustong-gusto niyang kaltukan ang tatay ng bata kapag nakita ito. Ano bang klaseng ama ang mag-iiwan ng anak sa ganitong kalaking gusali? Loko ang gago, ah! Bahagyang kumislap ang mga mata ng bata. "Really po?" "Of course, sweetheart." Magkahawak-kamay silang naglakad sa malawak na lobby. Hindi pa sila nakakalayo nang may mapansin si Celestine na nakahandusay sa tabi ng isang plush sofa. "Is this your bunny?" tanong niya habang pinupulot ang isang maliit na stuffed rabbit. Instant na lumiwanag ang mukha ng bata. "My Bunbun!" Agad niya itong kinuha at niyakap nang mahigpit sa kanyang dibdib. "Thank you po!" Napatawa nang mahina si Celestine sa kakyutan nito. "You're welcome.” At bago pa siya makapagsalita ulit para sana itanong kung ano ang hitsura ng ama nito, ilang empleyadong nagmamadali at halatang pinapawisan sa taranta ang mabilis na tumakbo papunta sa kinaroroonan nila. "Miss Sophia!" Halos sabay-sabay silang nakahinga nang maluwag. "Naku, we've been looking everywhere for you!" Sophia? What an adorable name, isip ni Celestine. Bagay na bagay sa bata. Aakma na sana siyang magpapaalam nang magalang na humarap sa kanya ang isa sa mga staff. “Thank you so much for helping her, Miss.” Plastik na ngiti ang ibinigay ni Celestine sa mga empleyado, pero sa isip-isip niya, gustong-gusto na niyang pangaralan ang mga ito. Paano kung hindi ang magandang katulad niya ang nakakita sa bata? Paano kung predator pala 'yong nakakasalubong nito? Hay naku, MGA PABAYA! "No problem," plastic pa ring tugon niya bago huminga nang malalim. Aakma na sana siyang tatalikod upang umalis, ngunit bago pa siya makahakbang ay mabilis na pumulupot ang maliliit na bisig ni Sophia sa kanyang hita. "I like you," mahina ngunit masayang sabi ng bata. Natigilan si Celestine, ramdam ang biglang init sa kanyang dibdib. Hindi niya halos malaman ang isasagot sa bilis ng pangyayari, kaya napa-ngiti na lang siya. "T-thank you, bhe.” Naputol ang munting sandali nang umalingawngaw ang isang boses mula sa interview area. "Miss Celestine Monteverde!" Napabalik siya sa realidad. Dahan-dahan siyang kumalas sa yakap ng bata at muling lumuhod para pantayan ito. “Kailangan ko nang umalis, sweetheart. Mag-iingat ka palagi, ha? Huwag kang masyadong malikot at makinig ka sa kanila.” Tumango ang bata, bagaman bakas sa maliit nitong mukha na ayaw pa siyang paalisin. "Will I see you again?" Natawa nang mahina si Celestine sa inosenteng tanong nito. "Siguro." Binigyan niya ito ng isang huling ngiti bago tumayo. Inayos niya ang kanyang damit, huminga nang malalim, at tahimik na nanalangin habang sumusunod sa staff papunta sa interview room. Pagdating sa tapat ng door, marahan siyang kumatok. "Come in.” Pinihit niya ang doorknob at pumasok. Ngunit nang iangat niya ang tingin sa lalaking nakaupo sa dulo ng mahabang conference table, parang piniga ang kanyang puso. Nanlalamig na huminto ang ikot ng mundo niya. The man across the table slowly lifted his gaze. Halata rin ang panandaliang gulat sa mga mata nito nang magtagpo ang kanilang mga paningin. It was none other than freaking Alessandro. Her cheater motherfucker ex! Kahit anim na taon na ang lumipas, imposibleng hindi niya ito makilala. Bagay na bagay dito ang bagong blonde buzz cut, mas lumapad ang dibdib at mga balikat nito, at mas lalo pang naging mapanganib ang kagwapuhan. May ilang tattoo ring bahagyang sumisilip sa nakatuping manggas ng dress shirt nito. Hinding-hindi siya pwedeng magkamali, si Alessandro talaga ito. At sa lahat ng lugar sa mundo, sa job interview pa talaga niya makakaharap ang ex niyang gago? "Take a seat, Miss Monteverde." His voice was calm, cold, and professional, na tila ba wala man lang silang masalimuot at nakakagagong pinagdaanan noon. Muntik nang mabilaukan si Celestine sa sarili niyang laway sa kapal ng mukha nito. "I... I'm sorry. I don't think I can continue with this interview." Agad siyang tumalikod at mabilis na humakbang pabalik sa p***o. Ngunit bago pa niya mahawakan ang doorknob, kusa na itong bumukas. "Daddy!" Masayang tumakbo si Sophia pumasok sa silid at diretso itong kumapit sa binti ni Alessandro. Natigilan si Celestine sa narinig, para siyang sinaksak sa kinatatayuan. Daddy? Si Sophia... anak ng gago? Napatingin siya sa dalawa. Ang hugis ng mata, ang kurba ng kilay, at pati ang kulay ng buhok... Puta naman, paanong hindi niya agad iyon napansin kanina? So masaya na pala ang gago? Nakabuo na ng sarili niyang pamilya habang siya? hanggang ngayon ay naghihirap pa ring buuin ang sarili mula sa pagkawasak na ginawa nito. Napakapait! Kumirot nang matindi ang dibdib niya. Bago pa siya makahinga nang maayos, lumapit muli si Sophia sa kanya at hinawakan ang kanyang daliri. "Daddy! I want her!" Napakunot ang noo ni Alessandro. "What do you mean, baby?" "I want her to stay! I like her, she's kind." Nabalot ng nakakabinging katahimikan ang buong silid. Maging ang HR officer na nasa gilid ay napatakip sa sariling bibig. Si Alessandro naman ay hindi inalis ang malamlam ngunit seryosong tingin sa kanya. Pagkaraan ng ilang segundo ng nakakairitang titigan, muling nagsalita ang lalaki. "You're hired." "W-what?" halos pabulong na gulat ni Celestine. "You'll be my personal secretary." Mabilis siyang umiling. "No, I can't. I won't and I don't want to." Umatras siya ng isang hakbang at hayag na napairap. "At hindi ba sinabi ko nang hindi ko na itutuloy ang interview? Bingi ka ba?” Hindi na niya hinintay ang reaksyon nito at mabilis na tumalikod, ngunit muling humarang si Sophia at humabol sa blazer niya. "No!" malakas na reklamo ng bata, halos magdadabog na sa sahig. "I want her!" Napakurap ang HR staff sa gulat. Kilalang-kilala ng lahat si Sophia—walang sinumang naging secretary ng CEO ang nakaligtas sa kasungitan ng batang 'to. Madalas nitong pinapaiyak o tinatakbuhan ang mga nagdaang aplikante. Pero ngayon, si Celestine lang ang kusa nitong ginusto. "See?" nakalolokong sabi ni Alessandro habang mayabang na nakasandal sa kanyang upuan. "Even my daughter already made her decision.” Bahagyang nag-init ang ulo ni Celestine. Pakialam ba niya sa anak nito? Saka kung tatanggapin niya ang alok na 'to, baka ikamatay niya lang! Hinding-hindi niya kayang araw-arawin ang presensya ng lalaking sumira sa buhay niya. Aakma na siyang magsusungit muli nang biglang sumingit ang HR. "Miss Monteverde, this position offers three times the salary of a regular secretary." Natigilan si Celestine. Three times? Biglang naglakbay ang isip niya sa halos pampares na lang na laman ng bank account niya, sa unpaid rent bill, at sa instant noodles na paborito na niyang hapunan gabi-gabi. Humigpit ang hawak niya sa folder. Napapikit siya habang nakikipagbuno sa sariling dignidad. Pagmulat niya, nakita niya si Sophia na nakatingala sa kanya, magkadikit ang maliliit na kamay na parang nagmamakaawa. "Please.. accept Daddy's offer. I promise I'll be a good girl whenever you're around." Napabuntong-hininga si Celestine sa huling pagkakataon. Tinalo ng kumakalam na sikmura ang kanyang ulo. "Fine," pilit niyang sabi habang nakatitig nang masama sa lalaki. "I'll accept the job." Isang mabilis at nakakaasar na ngisi ang gumuhit sa labi ni Alessandro. "Good. Report tomorrow at eight sharp." At sa isang simpleng pikit-mata, muling pinagtagpo ng tadhana ang dalawang pusong may naiwang bitin na nakaraan pero ngayon, bilang boss at sekretarya. “Well, well, well... congratulations to you, Mr. Jackass,” mahina at maarte niyang bulong habang nag-aayos ng sarili. “Swerte mo lang dahil sobrang cute ng anak mo at napakataas ng sweldo. Otherwise? This gorgeous face? Never mo nang makikita 'to kahit kailan.” "What are you mumbling there, Miss Monteverde?" malamig at baritonong tanong ni Alessandro. Nanlaki ang mga mata ni Celestine. Shit. Narinig niya ba? Mabilis niyang pinalitan ang kanyang ekspresyon ng pinakaplastik na ngiting kaya niyang ibigay. "Nothing, sir! I was just appreciating the generous opportunity." Tumaas ang dalawa niyang kilay at binigyan ito ng matamis ngunit mabagsik na tingin. Hindi na siya nag-abalang maghintay ng sagot nito. Tinaas niya ang kanyang baba, inayos ang lakad, at rumarampa palabas ng interview room na parang nasa sariling Fashion Week. Ngunit pagkasara na pagkasara ng door sa likod niya, saka siya napaungol sa matinding inis at napasabunot sa sariling buhok. Great. Just fucking great! Tanggap nga ako sa trabaho, kapalit naman ay ang araw-araw na pagmumukha ng ex kong gago na cheater pa! Argh! What a fucking fantastic way to start a new career!Alessandro's POVTahimik ang buong apartment pagpasok ko. Isinara ko ang door, inilagay ang susi sa maliit na tray sa gilid ng entrance, at dumiretso sa malawak na sala. Malaki ang unit na ito, may mataas na kisame, dark gray na mga pader, at malalaking bintana kung saan tanaw ang mga ilaw ng siyudad sa labas. Minimalist lang ang ayos dito: isang malaking black leather couch, wooden coffee table, at isang malinis na study desk sa gilid malapit sa bintana. Dito ako mas nakakapag-isip nang maayos, malayo sa ingay ng campus.If you're wondering why I'm still in college when I'm already pushing thirty, well, I'm twenty-eight, actually. This isn't my first degree, either. Natapos ko na kasi 'yung una, and I guess I got bored with life kaya naisipan kong mag-aral ulit. Nothing wrong with that, right?Ibinaba ko ang backpack ko sa sahig at hinubad ang navy blue hoodie ko, naiwan ang plain black shirt na suot ko sa loob. Dumiretso ako sa kusina para uminom ng mala
Celestine's POVPaglabas namin ng main library, agad akong sinalubong ng malamig na simoy ng hangin sa labas. Madilim na ang buong paligid at tanging mga streetlamps na lang ang nagbibigay ng liwanag sa mahabang pathway papunta sa campus gate at sa mga dormitories sa labas. Bitbit pa rin ni Fin ang tote bag ko, pero imbes na makaramdam ako ng kilig o pasasalamat sa pagtulong niya, pakiramdam ko ay sobrang bigat ng hangin sa pagitan namin.Tahimik lang kaming naglalakad sa unang dalawang minuto. Rinig na rinig ko ang malalalim na paghinga ni Fin, halatang nagpipigil pa rin ng inis mula sa nangyari sa loob ng library kanina."Sino ba talaga 'yung lalaking 'yun?" biglang tanong ni Fin, binabasag ang katahimikan. Hindi siya nakatingin sa akin; nakatuon lang ang mga mata niya sa dinaraanan namin pero halata sa boses niya ang pagkairita.Napabuntong-hininga ako nang mahina. "Hindi ko nga siya kilala nang personal, Fin. Nagpakilala lang siya kanina sa st
Celestine's POVRamdam ko agad ang pagbigat ng paligid habang papalapit si Fin sa mesa namin. Mabilis pero mabibigat ang mga hakbang niya sa carpeted floor ng second floor. Nakakunot ang noo niya at seryoso ang mukha, malayo sa usual niyang maaliwalas at makulit na aura kapag kasama niya ako.Napalunok ako nang bahagya at mabilis na ibinalik ang tingin sa reviewer ko, kunwari ay busy ako sa pagbabasa para hindi niya mahalata na nagulat ako sa biglaang pagsulpot niya. Sa gilid ng mga mata ko, nakita kong bahagyang sumulyap si Alessandro sa direksyon ni Fin bago siya bumalik sa pagta-type sa laptop niya. Kalmado lang siya, parang walang pakialam sa kung sino man ang paparating.Huminto si Fin sa mismong gilid ng mesa namin."Celestine," mahinang tawag niya, pilit na pinapababa ang boses dahil nasa library kami, pero rinig na rinig ko ang tigas sa tono niya.Nag-angat ako ng tingin at pilit na ngumiti. "Fin, nandiyan ka na pala. Akala ko mamaya ka pa matatapos sa klase mo.""Maaga nag-di
Celestine's POVPagpasok ko sa loob ng main library, agad akong sinalubong ng malamig na buga ng aircon at ng nakakabinging katahimikan na kanina ko pa hinahanap. Amoy lumang papel, barnisadong kahoy, at bagong linis na sahig ang buong paligid. Mabilis akong nag-scan ng ID sa entrance turnstile at dumiretso sa pinakadulong bahagi ng second floor, kung saan nakapwesto ang mga mahahabang wooden study tables na malapit sa malalaking salaming bintana. Dito kasi bihirang dumaan ang mga tao, kaya mas madaling mag-concentrate.Inilapag ko ang mabigat kong tote bag sa bakanteng upuan sa tabi ko at umupo. Huminga ako nang malalim, pilit na pinapakalma ang sarili mula sa pagmamadali kanina. Inilabas ko ang mga makakapal kong libro, ang pouch ng mga highlighters, isang pad ng dilaw na sticky notes, at ang mga index cards na muntik nang tangayin ng hangin sa labas.Sinubukan ko ring alisin sa isip ko ang mukha ng lalaking iyon—aka ang poging gymrat na nakita ko kanina. Napabuntong-hininga ako at
Celestine's POV Ramdam ko na ang panlalamig ng pawis sa sentido ko habang nakatitig sa ikatlong pahina ng reviewer ko. Kanina ko pa ito binabasa, paulit-ulit kong sinusundan ng daliri ang bawat linya, pero ni isang salita ay tila walang pumapasok sa utak ko. Alas-dos na ng hapon, tirik na tirik ang araw sa labas ng salaming bintana ng student lounge, at pakiramdam ko ay umuusok na ang mga tainga ko sa sobrang dami ng kailangang sauluhin para sa major exam namin bukas. "Lord, kahit konting brain cells lang po," bulong ko sa sarili habang mariing pinipisil ang tulay ng ilong ko. Nakalatag sa harap ko ang tatlong makakapal na libro, iba't ibang kulay ng highlighters na halos tuyo na ang tinta, mga nagkalat na sticky notes, at isang baso ng iced coffee na matagal nang natunaw ang yelo kaya lasang tubig na lang. Ang hirap talagang maging college student, lalo na kapag sunod-sunod ang mga deadlines, quizzes, at recitations. May mga araw na pakiramdam ko ay napag-iiwanan na ako ng lahat.
Hello, readers! I have some good news for you! I've been going back and forth with myself, debating whether I should continue this or not. But after giving it some thought, I've finally made up my mind. Yes, itutuloy ko na po ito! I hope you're just as excited as I am! Matapos ang mga pambihirang pangyayari kina Alessandro at Celestine, napagdesisyunan kong bigyan kayo ng panibagong season o era ng kanilang kuwento! Sa pagkakataong ito, babalik tayo sa nakaraan, noong graduating college student pa lamang si Celestine at noong una niyang nakilala si Alessandro. Which as you see po may sneakpeak kayo doon sa Special Chapter. Asahan ninyo ang mas maraming sweet, cheesy, nakakakilig, at sobrang OA na moments nilang dalawa! At siyempre, mas marami na rin kayong mababasang POV ni Alessandro! 👀 Sana ay patuloy ninyo silang suportahan sa panibagong yugto ng kanilang kuwento. Get ready sa kilig at ka-cringe-han ng love story nila bago ang lahat ng nangyari!







