Ayaw nang isipin ni Avery ang hapunan sa condo ni Nessa. Hindi niya kayang kontrolin si Nick o hulaan ang susunod nitong gagawin. Pinunasan niya ang luha sa pisngi.“Kung bukas, masaktan ka na naman, hindi ibig sabihin no’n na wala kang naging progreso,” sabi ni Kiara.Hinaplos nito ang likod ng kamay ni Avery.“May mga araw na magaan,” pagpapatuloy ni Kiara. “May mga araw ding isang salita o isang lugar lang, babalik ang sakit. Hindi linear ang healing. Minsan uusad ka, minsan parang back to zero ka.”“Akala ko nga kaya ko nang makita si Nessa,” sabi ni Avery. “Pero kagabi, habang nakaupo kaming tatlo sa mesa niya, hindi ko mapigilang mag-isip ng kung ano-ano.”“Noong binigyan ko ulit ng pagkakataon ang asawa ko, binibilang ko ang mga araw na hindi ako umiyak. Akala ko kapag dumami na, ibig sabihin magaling na ako.” Umiling si Kiara. “Nasasaktan pa rin ako minsan. Hindi ko na iniisip na nabigo ako tuwing nangyayari iyon.”Napatingin si Avery sa kape niyang halos hindi nabawasan. May
Last Updated : 2026-09-28 Read more