Parang na-estatwa si Elena sa kinatatayuan niya. Halos hindi siya makahinga habang nakatitig sa screen ng cellphone na hawak ni Jay. Laman niyon ang isang litrato nilang tatlo. Siya, si Jay, at si Vanessa. Kuha iyon mula sa labas, at kahit hindi kita ang mukha ng kumuha, isang bagay ang malinaw na malinaw, kanina pa sila pinagmamasdan."That's impossible," wala sa sariling bulong niya, ramdam ang panlalamig ng sariling mga kamay.Mabilis na binawi ni Jay ang cellphone, pilit kinokontrol ang galit na rumehistro sa mukha nito. "How did they get this?"Walang nakasagot. Maging si Vanessa na kanina'y kalmado ay natigilan at namutla. "This was taken minutes ago," bakas ang kaba sa boses ng babae.Agad na napatingin si Elena sa bintana, tila inaasahang may makikitang anino doon. "Then they're still outside."Walang pag-aalinlangang tumayo si Jay. "Both of you, stay here.""Jay—" akma siyang susunod para pigilan ito. Nakakatakot lumabas lalo na't hindi nila alam kung sino ang kalaban."Don't
آخر تحديث : 2026-09-01 اقرأ المزيد