Dalawang araw na ang nakalipas mula nang mangyari ang nakakikilabot, at nakakakilig, kahit ayaw aminin ni Mikaela, na Newspaper Dance sa birthday party ni baby Lucas.Pero hanggang ngayon, pakiramdam ni Mika ay nakadikit pa rin sa balat niya ang init ng mga palad ni Gabriel. Sa tuwing naiisip niya kung paano siya binuhat nito at ibinulong na mabango siya, awtomatikong namumula ang pisngi niya."Dra. Santos, okay ka lang po? Namumula ka," tanong ng head nurse nilang si Nurse Joy habang naglalakad sila sa hallway ng OB ward.Mabilis na pinaypayan ni Mika ang sarili gamit ang hawak na clipboard. "H-Ha? Ah, mainit lang siguro! Sira yata ang aircon natin ngayon sa ward. Anyway, kamusta ang BP ng pasyente sa Room 302?"Bago pa man makasagot si Nurse Joy, biglang umalingawngaw ang boses mula sa overhead paging system ng ospital."Code Pink, ER. Code Pink, ER. Dra. Mikaela Santos and Dr. Gabriel Lorenzo, please proceed to the Emergency Room immediately."Agad na nagbago ang aura ni Mika. Nawa
آخر تحديث : 2026-09-07 اقرأ المزيد