Nerisse Villareal’s Point of View Nagpumiglas ako, at sinamaan siya ng tingin. Umigting ang aking panga, habang tinititigan ang kaniyang asul na mga mata. Kumikislap ang mga ‘yon nang kaunti, ngunit mas lamang ang dilim doon. Pumikit siya saglit, at nang magmulat siya ng mga mata, nawala na ang kislap doon. “Tarantado ka nga,” bulong ko, at hindi nagpapadala sa dilim ng kaniyang mga mata. “Tingin mo, makukuha mo ako riyan?” “Hindi ko naman sinabing makukuha kita sa ganoong paraan, Nerisse,” bulong niya, at unti-unting inilapit ang kaniyang mukha sa akin. Tumigil siya nang kalahating pulgada na lamang ang layo ng labi niya sa akin. Tumama ang kaniyang mainit na hininga sa aking mukha. Ang pinaghalong panlalaking pabango niya, at ang mint sa kaniyang hininga ang nagpanginig sa aking sistema. “Pero kung ‘yon lang ang tanging paraan para patunayan sa ‘yo, bakit hindi?” Umangat ang sulok ng kaniyang labi, habang nakatingin sa akin nang mariin. Sinubukan kong bawiin ang aking mga kama
Last Updated : 2026-08-30 Read more