MasukUmupo si Adrian sa tabi ni Eliana. Sa kabilang bahagi naman ay sina Carlos, Lola Pasing, Gina, Roman, at Hana.Bago sila magsimulang kumain, tumayo si Hana at pinagdikit ang kanyang mga kamay.“Okay po, prayer muna tayo.”Tumahimik ang lahat.Napangiti si Adrian habang pinagmamasdan ang bata.“Lord, thank You po sa pagkain namin ngayon,” panalangin ni Hana. “Thank You po dahil kumpleto kami at nandito po si Tito Adrian.”Napatingin si Adrian kay Eliana nang marinig iyon.Napangiti rin si Eliana.“Please bless po ang food namin at ang buong family namin. And please keep everyone safe. Amen.”“Amen,” sabay-sabay nilang sagot.Umupo na si Hana at agad na kumuha ng kanin.“Finally,” bulong niya.Napatawa ang lahat.“Gutom ka na?” tanong ni Roman.“Opo.”“Akala ko ba prayer muna?”“Prayer muna kasi baka maubusan ako.”Mas lalo silang nagtawanan.Samantala, kinuha ni Carlos ang isang malaking piraso ng balat ng lechon at inilagay sa plato ni Adrian.“O, Adrian. Tikman mo ’to.”Napatingin si
Napatigil sina Adrian at Eliana sa kanilang paghahalikan nang biglang may boses na nanggaling sa likuran nila.Pareho silang napalingon.Nakita nila ang isang babaeng nakatayo sa gilid ng falls, may dalang maliit na bayong at tila katatapos lamang mag-igib ng tubig. Nakangiti ito habang nakatingin sa kanilang dalawa.Agad namang namula ang mukha ni Eliana.“Eliana, ikaw ba ’yan?”Napangiti si Eliana nang makilala ang babae.“Ahhh… eh, ikaw pala, Aling Lorna.”Lumapit nang kaunti ang babae at masusing tiningnan si Eliana.“Kailan ka pa dumating?”“Kagabi lang po.”“Talaga?”Napatingin si Aling Lorna kay Adrian. Mula ulo hanggang paa, pinagmasdan niya ito. Napangiti siya nang makitang maayos ang pangangatawan…kahit kasalukuyang nasa tubig at naka-boxer brief lamang.“Teka, sino ba ’yang kasama mo?”Saglit na natigilan si Eliana.“A-ah… si Adrian.”“Adrian?”Tumango siya.“Boyfriend ko.”Agad na napangiti nang malapad si Aling Lorna.“Boyfriend?”“Opo.”“Aba, sana all!”Napatingin si Adr
Pagkatapos ni Adrian manghuli ng biik, agad na lumapit sa kanya si Eliana.Kitang-kita pa rin sa mukha nito ang saya habang pinagmamasdan ang fiancé niyang nakatayo sa tabi ng kulungan ng mga baboy. Punong-puno ng putik ang katawan ni Adrian. May mga bakas pa ng lupa sa dibdib, braso, mukha, at maging sa buhok nito.Ngumiti si Eliana at marahang pumalakpak.“Galing mo, babe.”Napangiti si Adrian at bahagyang tinaas ang kilay.“Ako pa ba?” proud nitong sagot.Napailing si Eliana habang pinipigilan ang tawa.“Grabe ka. Kanina parang ayaw mo nang pumasok sa kulungan.”“Eh kasi naman, babe. Hindi ko alam na kasama pala sa pagkuha ng blessing ng lola mo ang pakikipagbuno sa baboy.”Mas lalong natawa si Eliana.“Pero nahuli mo naman.”“Of course. Kailangan kong pumasa.”“Bakit parang exam ang ginawa sa’yo ni Lola?”“Hindi parang exam. Exam talaga.” Napailing si Adrian. “At feeling ko may practical test pa mamaya.”Tumawa si Eliana, pero nang mapalapit siya kay Adrian, napangiwi siya nang ba
Maagang nagising si Adrian kinabukasan. Dahan-dahan siyang bumangon mula sa kama at lumapit sa bintana. Bahagya niyang binuksan ang kurtina at napatingin sa labas.Napangiti siya.Sumisilip pa lamang ang araw sa pagitan ng mga puno. Malambot ang kulay ng langit, habang ang sinag ng araw ay unti-unting tumatama sa mga bubong ng mga bahay at malalawak na bukirin.Hindi tulad sa siyudad na karaniwan niyang nakikita mula sa penthouse, walang matataas na gusali sa harap niya.Walang busina.Walang ingay ng trapiko.Ang tanging naririnig niya ay ang huni ng mga ibon at mahinang kaluskos ng mga dahon na tinatamaan ng hangin.Napangiti siya.“Probinsya vibes.”Napalingon siya sa kama.Mahimbing pa ring natutulog si Eliana.Bahagyang nakatago ang mukha nito sa unan, habang magulo ang buhok at nakabalot sa katawan ang kumot.Napangiti si Adrian.Hindi niya ito ginising.Gusto niyang hayaan muna itong matulog.Pagkatapos niyang makapagbihis, tahimik siyang lumabas ng kuwarto.Pagbukas niya ng pi
Pagkapasok nila sa bahay, agad na naupo si Adrian sa lumang sofa sa sala.Halatang pagod siya sa mahabang biyahe. Bahagyang isinandal niya ang likod sa sofa at napabuntong-hininga.“Finally,” bulong niya.Napatingin sa kanya si Eliana.“Pagod ka?”“Medyo. Pero okay lang.”“Gutom ka?”Agad umayos ng upo si Adrian.“Actually, oo.”Napatawa si Eliana.“Alam ko na. Kaya kami nagmamadali ni Papa maghanda.”“Hindi naman ako maarte sa pagkain.”Napatingin si Lola Pasing kay Adrian.“Talaga?”“Opo.”“Sigurado ka?”“Opo.”Tumango ang matanda, pero may kakaibang ngiti sa labi nito.“Makikita natin.”Napatingin si Adrian kay Eliana na parang may kutob siyang may ibig sabihin ang sinabi ng matanda.“Babe…”“Huwag mo nang pansinin si Lola.”“Parang may test.”“Baka nga.”Napangiti si Eliana bago siya tumulong kay Carlos sa paghahanda ng pagkain.Habang naghihintay, napansin ni Adrian ang ilang picture frames na nakalagay sa ibabaw ng cabinet malapit sa sofa.Tumayo siya at lumapit.Isa-isang tinin
Matapos ang ilang oras na biyahe, unti-unting nagbago ang tanawin sa labas ng sasakyan.Mula sa matataas na gusali, malawak na kalsada, at mga ilaw ng siyudad, napalitan iyon ng mga puno, palayan, maliliit na tindahan, at mga bahay na magkakalayo ang pagitan.Hating-gabi nang tuluyang marating nina Adrian at Eliana ang probinsya.Samantala, mahimbing na natutulog si Eliana sa passenger seat. Bahagyang nakasandal ang ulo nito sa bintana, habang ang buhok niya ay ilang beses nang natatakpan ang mukha.Napangiti si Adrian habang sinusulyapan siya.Sa kabila ng mahabang biyahe, mukhang hindi man lang nito naramdaman ang pagod.Dahan-dahan niyang binawasan ang volume ng music bago siya nagsalita.“Babe…”Hindi gumalaw si Eliana.“Babe, gising na. Nandito na tayo.”Bahagyang gumalaw ang balikat ni Eliana, pero hindi pa rin dumilat.Napangiti si Adrian.“Babe, eto na ba ‘yun?.”Unti-unting iminulat ni Eliana ang mga mata niya. Ilang segundo muna siyang nakatitig kay Adrian bago niya napansin







