LOGINMaagang nagising si Adrian kinabukasan. Dahan-dahan siyang bumangon mula sa kama at lumapit sa bintana. Bahagya niyang binuksan ang kurtina at napatingin sa labas.Napangiti siya.Sumisilip pa lamang ang araw sa pagitan ng mga puno. Malambot ang kulay ng langit, habang ang sinag ng araw ay unti-unting tumatama sa mga bubong ng mga bahay at malalawak na bukirin.Hindi tulad sa siyudad na karaniwan niyang nakikita mula sa penthouse, walang matataas na gusali sa harap niya.Walang busina.Walang ingay ng trapiko.Ang tanging naririnig niya ay ang huni ng mga ibon at mahinang kaluskos ng mga dahon na tinatamaan ng hangin.Napangiti siya.“Probinsya vibes.”Napalingon siya sa kama.Mahimbing pa ring natutulog si Eliana.Bahagyang nakatago ang mukha nito sa unan, habang magulo ang buhok at nakabalot sa katawan ang kumot.Napangiti si Adrian.Hindi niya ito ginising.Gusto niyang hayaan muna itong matulog.Pagkatapos niyang makapagbihis, tahimik siyang lumabas ng kuwarto.Pagbukas niya ng pi
Pagkapasok nila sa bahay, agad na naupo si Adrian sa lumang sofa sa sala.Halatang pagod siya sa mahabang biyahe. Bahagyang isinandal niya ang likod sa sofa at napabuntong-hininga.“Finally,” bulong niya.Napatingin sa kanya si Eliana.“Pagod ka?”“Medyo. Pero okay lang.”“Gutom ka?”Agad umayos ng upo si Adrian.“Actually, oo.”Napatawa si Eliana.“Alam ko na. Kaya kami nagmamadali ni Papa maghanda.”“Hindi naman ako maarte sa pagkain.”Napatingin si Lola Pasing kay Adrian.“Talaga?”“Opo.”“Sigurado ka?”“Opo.”Tumango ang matanda, pero may kakaibang ngiti sa labi nito.“Makikita natin.”Napatingin si Adrian kay Eliana na parang may kutob siyang may ibig sabihin ang sinabi ng matanda.“Babe…”“Huwag mo nang pansinin si Lola.”“Parang may test.”“Baka nga.”Napangiti si Eliana bago siya tumulong kay Carlos sa paghahanda ng pagkain.Habang naghihintay, napansin ni Adrian ang ilang picture frames na nakalagay sa ibabaw ng cabinet malapit sa sofa.Tumayo siya at lumapit.Isa-isang tinin
Matapos ang ilang oras na biyahe, unti-unting nagbago ang tanawin sa labas ng sasakyan.Mula sa matataas na gusali, malawak na kalsada, at mga ilaw ng siyudad, napalitan iyon ng mga puno, palayan, maliliit na tindahan, at mga bahay na magkakalayo ang pagitan.Hating-gabi nang tuluyang marating nina Adrian at Eliana ang probinsya.Samantala, mahimbing na natutulog si Eliana sa passenger seat. Bahagyang nakasandal ang ulo nito sa bintana, habang ang buhok niya ay ilang beses nang natatakpan ang mukha.Napangiti si Adrian habang sinusulyapan siya.Sa kabila ng mahabang biyahe, mukhang hindi man lang nito naramdaman ang pagod.Dahan-dahan niyang binawasan ang volume ng music bago siya nagsalita.“Babe…”Hindi gumalaw si Eliana.“Babe, gising na. Nandito na tayo.”Bahagyang gumalaw ang balikat ni Eliana, pero hindi pa rin dumilat.Napangiti si Adrian.“Babe, eto na ba ‘yun?.”Unti-unting iminulat ni Eliana ang mga mata niya. Ilang segundo muna siyang nakatitig kay Adrian bago niya napansin
Palubog na ang araw nang nasa kalagitnaan na ng kanilang biyahe sina Adrian at Eliana papunta sa probinsya.Unti-unti nang nagiging kulay kahel at pula ang langit. Dumadaan ang mga sinag ng araw sa pagitan ng mga puno at gusali, habang ang mga ilaw sa kalsada ay isa-isang nagsisimulang bumukas.Tahimik lamang si Eliana sa passenger seat.Nakasandal siya sa bintana habang pinagmamasdan ang mga lugar na kanilang nadadaanan. Paminsan-minsan, napapangiti siya kapag may nakikita siyang pamilyar na tanawin. Mas lalong lumalayo ang mga gusali at business establishments, at napapalitan ang mga ito ng malalawak na bukirin, puno, maliliit na tindahan at mga bahay na magkakatabi sa gilid ng kalsada.Napansin ni Adrian ang tahimik na pagkamangha niya.“Namimiss mo na ba dito?” tanong niya.Lumingon si Eliana sa kanya.“Hmm?”“Yung province.”Ngumiti si Eliana at muling tumingin sa labas.“Oo. Matagal na rin kasi akong hindi nakauwi nang ganito katagal.”“Excited ka bang makita ang Papa mo?”“Very
Ilang minuto nang nakatayo sina Adrian at Eliana sa gilid ng kalsada, parehong nakatingin sa flat na gulong ng kanilang sasakyan.Napabuntong-hininga si Adrian at kinuha ang cellphone niya.“Babe, wait here. Tatawagan ko si Marco.”Tumango si Eliana habang nakasandal sa gilid ng sasakyan.“Okay.”Pinindot ni Adrian ang pangalan ni Marco sa contacts. Ilang segundo lamang ay sumagot na ito.“Bro, nasaan ka ngayon? Pwede pa-help?” tanong agad ni Adrian.“May date kami ni Kylie dito sa Tagaytay. Emergency ba ’yan?” sagot ni Marco.“Oo eh. Na-flat yung gulong ko. Pupunta pa naman kami ni Eliana sa province nila.”Sandaling natahimik si Marco bago tumawa.“Wow, bro. Mukhang mamanhikan ka.”Napatingin si Adrian kay Eliana na tahimik na nakikinig sa kabilang bahagi ng sasakyan.“Yun nga, bro.”“Wait, seryoso?”“Yeah.”Napangiti si Adrian.“Basta pupunta ka dito.”“Nasaan ba kayo?”Sinabi ni Adrian ang lugar kung saan sila huminto.“Sige. Punta kami ni Kylie diyan. Mga ilang oras din siguro.”
Maaga pa lang ay nagising na si Adrian.Tahimik pa ang buong penthouse. Wala pang gaanong liwanag na pumapasok mula sa malalaking bintana ng bedroom, at malamig pa ang hangin mula sa air conditioner. Ngunit imbes na matulog pa, mas excited si Adrian dahil pupunta sila ng probinsya ngayong araw.Dahan-dahan siyang lumapit kay Eliana na mahimbing pa ring natutulog.Umupo siya sa gilid ng kama at ilang segundo siyang nakatingin sa mukha nito. Napangiti siya nang makita ang peaceful nitong expression.Then he leaned closer.“Babe…”Hindi gumalaw si Eliana.Ngumiti si Adrian.“Babe, gising na.”Marahan niyang niyakap si Eliana mula sa likuran at hinalikan sa pisngi.“Hmm…” mahina nitong ungol habang nakapikit pa rin.“Gising na,” bulong ni Adrian.“Anong oras na?”“Maaga pa.”“Then bakit mo ako ginising?”“Because we have somewhere to go.”Dahan-dahang dumilat si Eliana. Ilang segundo muna siyang nakatitig sa kisame bago niya naalala ang sinabi ni Adrian kagabi.“Wait…”Napatingin siya kay







