Vienna Soile Zariah Humigpit ang pagkakahawak ni Mama sa braso ko. Parang ngayon lang niya lubusang naintindihan ang sinabi ni Tiyo. "Anong ibig sabihin no'n?" nanginginig niyang tanong. "Anong relasyon ang sinasabi ng tiyo mo, Soile?" Napatingin ako sa kanya. And the frustration in her eyes was too clear for me to ignore. Dahan-dahan akong huminga at pinilit na maging kalmado kahit nanginginig pa rin ang buong katawan ko matapos akong ihagis ni Tiyo sa dingding. "Ipapaliwanag ko ang lahat mamaya, Ma..." Bahagya akong yumuko upang salubungin ang mga mata niya. Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kamay niya. "Kapag nakaalis na tayo rito, sasabihin ko sa'yo ang lahat." "Pero, Anak—" "Magtiwala kayo sa akin, Ma. Kahit ngayon lang ay pakinggan niya muna ako," putol ko sa kanya.Natahimik siya at agad ko siyang hinila upang lagpasan ang dalawang nakaharang sa amin. Kailangan naming makaalis dito.Pero bago pa kami tuluyang makalampas sa kanila, mabilis na inabot ni Tiyo a
最終更新日 : 2026-09-29 続きを読む