Vienna Soile Zariah "Pero in fairness ah? Ang gwapo no'ng delivery rider kagabi," pabulong na sabi ni Mari pagkaupong-pagkaupo namin sa bakanteng lamesa sa canteen. Hilaw akong ngumiti sabay nag-iwas ng tingin sa kanya. Dahil ayokong magtanong na naman siya kung ano ang nangyari kagabi, at baka kung ano-ano pa ang pumasok sa utak niya at tuluyan niya akong mahuli. Sana nga talaga ay hindi na nila ako guluhin ngayon. Sana gumana iyong banta ko para kay Eliezer! "Sana nga," mahinang sambit ko pero mukhang narinig iyon ni Mari. "Anong sana nga? Ani 'yon, Soile?" usisa niya at kulang nalang ay ang umupo siya sa kandungan ko. "Lumayo-kayo ka nga. Masyado lang malapit, naaamoy ko hininga mo," reklamo ko. Sandali siyang natahimik. At maya-maya pa ay inilapit niya ang palad niya sa kanyang bibig at huminga doon. "Kadiri ka, Mira!!!" bulyaw ko nang amuyin niya bigla ang palad nita at pagkatapos ay inilahad iyon sa 'kin. "Alam mo namang conscious ako sa mga ganito, Soile.
最終更新日 : 2026-09-14 続きを読む