Mikaela Santos' Pov Kinabukasan, maaga akong pumasok sa trabaho. Unlike yesterday, na halos gusto ko nang lamunin ng lupa dahil sa nangyari sa opisina ng boss namin, mas magaan ang pakiramdam ko ngayon. Maayos na rin ang mga sugat sa mga daliri ko, kahit may kaunting hapdi pa rin kapag nadidiinan. Pagdating ko sa staff room, agad akong sinalubong ng mga kasamahan ko. “Good morning, mga alipin ng salapi!” masigla kong bati habang nakangiting inilapag ang bag ko sa isang upuan. Napalingon sa akin si Ate Linda, isa sa mga senior cleaner namin, bago umiling. “Susmaryosep! Mikaela, umaga pa lang, ang ingay mo na agad. Hindi ka ba nauubusan ng energy?” “Hindi po, Ate. Renewable energy po ako. Galing sa pagmamahal ng pamilya.” “Eh, bakit mukha kang kulang sa pagmamahal kapag malayo pa ang sahod?” singit naman ni Jessa, na kasalukuyang nag-aayos ng buhok sa harap ng maliit na salamin. Napahawak ako sa dibdib ko na para bang nasaktan ako nang malalim. “Grabe ka naman, Jessa! Ang sakit
最終更新日 : 2026-10-24 続きを読む