Hindi alam ni Alexandra Reyes kung gaano na siya katagal dinadala sa madilim na lagusan.Nakatakip ang isang kamay sa kaniyang bibig, habang mahigpit na nakapulupot sa kaniyang mga braso ang kamay ng lalaking humihila sa kaniya. Sa bawat hakbang, kumikiskis ang kaniyang sapatos sa mamasa-masang sahig. Amoy lupa, kalawang, at lumang kahoy ang paligid. Ang tanging liwanag ay nagmumula sa maliit na flashlight na hawak ng lalaking nasa unahan nila.“Tumigil ka sa kakapiglas,” bulong nito. “Hindi kita sasaktan kung hindi mo ako pipilitin.”Kinagat ni Xandra ang palad na nakatakip sa kaniyang bibig.“Aray!” Napabitaw ang lalaki.Mabilis siyang pumihit at sinikap na tumakbo pabalik, ngunit sinalubong siya ng isa pang lalaki mula sa likuran. Bago pa siya makasigaw, may malamig na bagay na idiniin sa kaniyang tagiliran.“Isang maling galaw lang,” babala nito, “at hindi mo na makikita ang lalaking mahal mo.”Nanigas si Xandra.Hindi dahil sa takot sa sandatang nakadikit sa kaniyang katawan, kund
최신 업데이트 : 2026-10-23 더 보기