“What did you just say Doc?” Parang nabingi si Sigmund nang marinig niya ang sinabi ng Doktor na kapapasok lang sa silid ni Alaina. Tinawagan siya ng mga kasambahay nila dahil bigla na lang daw itong nawalan ng malay at kamuntikan pang mahulog sa hagdan kaya sa sobrang pag-aalala ng mga kasambahay ay itinakbo nila ito sa ospital at sa hindi niya inaasahang pagkakataon, isang nakakagulat na balita ang sinabi sa kaniya ng Doktor.“Yes po sir, buntis po ang misis niyo. Congratulations po!” masayang balita nito sa kaniya.Kung ang ibang mag-asawa ay magiging masaya na marinig na buntis ang asawa nila, siya naman ay kabaliktaran dahil sobrang dilim ng ekspresyon niya. Sinong mag-aakala na mabubuntis ang asawa niya when in fact, hindi naman sila nagtatabing dalawa. Nakakatawa ito. Tatahi-tahimik pero nagpapagamit na pala sa ibang lalaki sa likod niya. Ni wala man lang siyang kaalam-alam. Bukod pa doon, malayo sa itsura nito ang pagiging malandi pero kung sabagay, nagawa nga nitong bilugin
Last Updated : 2026-09-29 Read more