Share

Chapter 7

Author: Luffytaro
last update publish date: 2026-11-16 13:55:37

“WHAT?” humigpit ang hawak ni Sigmund sa kanyang cellphone nang marinig niya ang sinabi ng kanyang ina mula sa kanilang linya. Napahilot siya ng kanyang sentido ng wala sa oras at pagkatapos ay napailing. “That’s ridiculous Ma.” sagot niya rito habang napapatawa.

Sino ba naman kasi ang gugustuhing paniwalaan ang sianbi nito na nakabuntis ng ibang babae ang kanyang ama. He was respected and cold. Kahit sino naman ang babaeng makakita rito ay tiyak na matatakot bago pa man nila ito malapitan kaya
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Billionaire I Call Father-In-Law    Chapter 7

    “WHAT?” humigpit ang hawak ni Sigmund sa kanyang cellphone nang marinig niya ang sinabi ng kanyang ina mula sa kanilang linya. Napahilot siya ng kanyang sentido ng wala sa oras at pagkatapos ay napailing. “That’s ridiculous Ma.” sagot niya rito habang napapatawa.Sino ba naman kasi ang gugustuhing paniwalaan ang sianbi nito na nakabuntis ng ibang babae ang kanyang ama. He was respected and cold. Kahit sino naman ang babaeng makakita rito ay tiyak na matatakot bago pa man nila ito malapitan kaya napaka imposible. Idagdag pa na wala man lang kainte-interes ang kanyang ama sa mga babae dahil ni minsan ay hindi niya pa ito nakitang nakipaglandian sa mga babae kaya napaka imposible talaga.Hindi niya tuloy alam kung saan naman kaya napulot ng kanyang ina ang balitang iyon.“Sigmund, this is no joke! Kailangan mong alamin kung sino ang babaeng nabuntis niya at ngayon pa lang, kailangan mo ng gawin ang lahat para mawala lang ang batang iyon!” bakas mula sa boses ng kanyang ina ang frustratio

  • The Billionaire I Call Father-In-Law    Chapter 6

    “YOU fooled me.” walang emosyon na sabi ni Sebastian kay Lilibeth, ang kanyang asawa na hindi niya naman minahal. Sa ilang dekada nilang pagsasama ay ni hindi niya man lang ito nagawang matutunang mahalin lalo na at ilang taon nilang sinubukang magkaanak ngunit sinabi nito sa kaniya na hindi sila makabuo dahil baog siya. Ipina-check nito ang kanyang semilya at ang resulta ng mga test ay baog siya.For years ay tinanggap niya ang katotohanang iyon. Pumayag siya na magpa IVF si Lilibeth just to continue his bloodline idagdag pa na hindi ito pumayag na makipaghiwalay sa kaniya dahil sinabi nito sa kanyang kapag sinubukan niyang nakipaghiwalay ay ipagsasabi nito sa ibang tao ang tungkol dito.Tinanggap niya si Sigmund bilang anak niya pero hindi niya ito lubusang natanggap ng buo at medyo malayo ang loob niya rito, siguro dahil hindi pa rin siya makapaniwala sa sarili niyang baog siya.Pero ngayong nalaman niyang buntis si Alaina at dinadala nito ay siya ang ama, ngayon niya napatunayan

  • The Billionaire I Call Father-In-Law    Chapter 5

    “WE DON’T have nothing to talk about…” nag-iwas ng tingin si Alaina. Kung gusto nitong mawala siya na parang bula sa buhay ng nga ito ay ayos lang sa kaniya, pero kung sasabihin nitong kailangan niyang ipalaglag ang bata sa sinapupunan niya ay ibang usapan na iyon.Kahit na hindi niya lubos inaasahan ang pagdating nito ay hindi niya ituturing ito na isang malaking pagkakamali. Oo nga at aksidente ang lahat pero ang pagkakaroon ng baby ay isa pa ring blessing galing sa Diyos alam niya.Sinalubong niya ang mga mata nito. Seryoso itong nakatitig sa kaniya noong mga oras na iyon, na para bang hindi natuwa sa naging sagot niya ngunit wala siyang pakialam.Pilit niya pinatatag ang kanyang kalooban. Hindi niya alam kung bakit ito pumasok sa loob ng silid niya sa totoo lang pero isa lang ang sigurado niya, he wants to get rid of the baby bago pa malaman ng lahat na ito ang ama ng dinadala niya.Kung sabagay, hindi niya ito masisisi kung sakali man dahil kahit sino naman talaga siguro ay magug

  • The Billionaire I Call Father-In-Law    Chapter 4

    NAMILOG ang mga mata ni Alaina sa narinig. “What?” Ang kanyang labi at katawan ay nanginig. “Are you kidding me Doc?” Ulit niya pang tanong sa Doktor na nagsabi sa kanya ng resulta ng mga lab test niya.Nagsalubong naman ang mga kilay nito at napakunot ang noo. “Hindi po ba kayo masaya misis na buntis kayo? Wala naman pong masama kung mabuntis kayo lalo na at may asawa po kayo.”Yun na nga mismo ang problema. May asawa nga siya pero hindi naman siya nito tinabihan pa kahit na minsan lang kaya isang malaking kalokohan ang mabuntis siya kung wala pa namang nangyayari sa kanilang dalawa.Isa lang ang sagot kung paano siya nabuntis. Nabuntis siya ng ama ni Sigmund, yes, her father in law. Pero isang beses lang na may nangyari sa kanilang dalawa kaya paanong nabuntis siya kaagad? Paano nangyari iyon?Posible ba talaga na ang isang beses na pakikipagtalik ay makakabuo ba kaagad?Hindi niya alam kung anong mararamdaman niya noong mga oras na iyon pero ang pinaka nangibabaw sa lahat ay ang t

  • The Billionaire I Call Father-In-Law    Chapter 3

    “What did you just say Doc?” Parang nabingi si Sigmund nang marinig niya ang sinabi ng Doktor na kapapasok lang sa silid ni Alaina. Tinawagan siya ng mga kasambahay nila dahil bigla na lang daw itong nawalan ng malay at kamuntikan pang mahulog sa hagdan kaya sa sobrang pag-aalala ng mga kasambahay ay itinakbo nila ito sa ospital at sa hindi niya inaasahang pagkakataon, isang nakakagulat na balita ang sinabi sa kaniya ng Doktor.“Yes po sir, buntis po ang misis niyo. Congratulations po!” masayang balita nito sa kaniya.Kung ang ibang mag-asawa ay magiging masaya na marinig na buntis ang asawa nila, siya naman ay kabaliktaran dahil sobrang dilim ng ekspresyon niya. Sinong mag-aakala na mabubuntis ang asawa niya when in fact, hindi naman sila nagtatabing dalawa. Nakakatawa ito. Tatahi-tahimik pero nagpapagamit na pala sa ibang lalaki sa likod niya. Ni wala man lang siyang kaalam-alam. Bukod pa doon, malayo sa itsura nito ang pagiging malandi pero kung sabagay, nagawa nga nitong bilugin

  • The Billionaire I Call Father-In-Law    Chapter 2

    “OH hi apo!” bati ng lola ni Sigmund sa kaniya. Hinalikan siya nito sa pisngi tyaka niyakap kung saan ay dali-dali niya naman itong sinuklian.“Hello po lola, namiss ko po kayo…” puno ng emosyong sabi ni Alaina. Hindi man sila okay ni Sigmund ay talaga namang malapit siya sa lola nito. Itinuturing niya itong pangalawa niyang lola since ang kanyang totoong lola ay pumanaw na noong nakaraang taon.Sobrang miss na miss na nga niya ito sa totoo lang at kapag nagkikita sila nito, palagi niyang naaalala ang lola niya.Ngumiti ito sa kaniya tyaka hinaplos ang pisngi niya. “Namiss din kita hija.” bumaba ang tingin nito sa tiyan niya tyaka hinipo. “Wala pa ba? Gusto ko ng magkaapo sa tuhod.”Alanganin lang siyang ngumiti. Nilingon niya si Sigmund na nakatingin lang din sa kaniya. Ang mga mata nito ay puno ng babala. Isang maling sagot niya lang sa harap ng lola nito ay tiyak na kung ano-ano na naman ang sasabihin nito sa kaniya. Ilang sandali pa ay bigla itong nagtanggal ng bara sa lalamunan.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status