Share

Chapter 1

Author: Luffytaro
last update publish date: 2026-09-26 07:21:27

NAGISING si Alaina na sobrang sakit ng katawan. Parang mabibiyak ang ulo niya sa sobrang sakit. Nang magmulat siya ng kanyang mga mata ay isang hindi pamilyar na silid ang bumungad sa kaniya. Bukod pa doon, nangingibabaw ang sakit na nagmumula sa gitna ng kanyang mga hita na para bang sugat siya doon banda.

Kaagad na nagsalubong ang mga kilay niya. What the hell happened and where am I?

Dahan-dahan siyang bumangon mula sa kama at dahil sa ginawa niya, nahulog ang kumot na tumatakip sa katawan niya. Nang yukuin niya ang sarili niya ay dito na niya napagtanto na, she was naked!

Dagli niyang pinulot muli ang kumot at halos manginig ang buong katawan niya. Napuno siya ng pagkataranta. What happened? Why am I?

Biglang bumalik sa isip niya ang mga nangyari kagabi. Mula sa bar hanggang sa…

Napatakip siya sa kanyang mukha ng wala sa oras. Shit, anong ginawa niya?

Ilang sandali pa ay nagulat siya nang bigla na lang may gumalaw sa tabi niya at nang lingunin niya ito, there was someone lying beside her!

Parang tumalos ang puso niya ng wala sa oras. Napuno ng takot ang dibdib niya. Sa sobrang taranta niya ay nanlalki pa ang kanyang mga mata habang nakatingin sa lalaking katabi niya. Napatitig siya sa mukha nito. Mukhang mahimbing pa ang tulog nito. Hindi niya alam pero parang pamilyar ito sa kaniya. Ang malaking tanong sa isip niya, nagkita na ba silang dalawa noon? Pero hindi niya ito matandaan.

Ipinilig niya ang kanyang ulo. Hindi iyon ang importante noong mga oras na iyon kundi ang mahalaga ay kung paano siya makakaalis doon. Kung paano siya makakaalis ng hindi ito nagigising. Ayaw niyang makausap ito pagkatapos ng nangyari. Hindi niya gustong magkaroon pa sila ng koneksyon since ang namagitan sa kanilang dalawa ay isang one night stand lang.

Maingat siyang bumaba sa kama at pinulot ang mga damit niyang nagkalat sa sahig. Mabuti na lang at mahimbing ang tulog ng lalaki. Napakagat labi siya at dahan-dahang lumabas ng silid. Ni hindi siya lumingon sa kanyang likod sa takot na baka magising ang lalaki at habulin siya.

Nang makalabas siya ng hotel ay doon pa lang nakahinga ng maluwag si Alaina. Bago umalis, tiningala niya ang hotel kung saan siya dinala ng lalaki at masasabi niyang mamahalin ito dahil isa itong luxury hotel. Napakunot na lang tuloy ang noo niya. Sino kaya ang lalaking iyon? Pero sa huli ay ipinilig niya ang kanyang ulo at paika-ikang naglakad paalis doon.

~~~~~

“Ano bang problema mo huh?! Bumangon ka diyan ngayon din!” sigaw ni Sigmund sa kanya. Tinanggal din nito ang kumot na nakatakip sa kaniya.

Ni minsan, hidni ito pumasok sa silid niya. Yes, humiwalay siya ng silid dito since hindi rin naman siya nito tinatabihan. Ano pang silbi na sa iisang silid sila matulog hindi ba? 

Pero ngayon ay tumapak ito sa loob ng silid niya at bukod pa doon, personal siya nitong ginising. Ano rin bang problema nito? Bakit ba siya nito ginigising e wala naman itong pakialam sa kaniya diba?

Wala siyang balak na sumagot o ni bumangon. Sobrang sakit ng katawan niya at parang nilalagnat pa nga siya. Parang hindi niya kayang tumayo. 

Sa halip ay tinakpan niya na lang ang tenga na parang isang bata dahil sa panenermon sa kaniya ni Sigmund.

“Alaina!” hindi pa rin siya gumalaw. Nanatili pa rin siyang nakapikit at nakadapa sa kanyang kama. “Damn it! Alaina ano ba!” 

Ibiniling siya nito at tinapik ang pisngi niya. “Gumising ka diyan ngayon din! Kanina pa kita pinapagising sa mga kasambahay pero ayaw mo pa ring bumangon! Darating ang Daddy ko ngayon kaya kailangan mong mag-ayos para naman maging presentable kang haharap sa kaniya since ito pa lang ang una niyong magkita!” sabi nito saknaiya at pilit siyang pinabangon kahit na tamad na tamad siya.

Napapahikab pa siya at pagkatapos ay napahilamos gamit ang kanyang mga kamay. “Ano bang problema mo?” inaantok niya pang tanong rito.

“What? Anong problema ko? Ikaw yata ang may problema. For pete’s sake Alaina, anong oras na sa tingin mo? Magdidilim na pero heto at natutulog ka pa!”

Sumimangot na lang si Alaina sa narinig. Bakit ba siya nito pinakikialaman? Kung ito nga ay hinid niya pinapakialam sa gusto nitong gawin hindi ba? Hindi niya lang masiguro kung ano ang ginagawa nito sa tuwing lumalabas ito sa gabi pero sigurado siya na pinupuntahan nito ang first love nito na dapat nito pakasalan instead na siya.

Sinamaan niya ito ng tingin. “Masama na ba ngayon na matulog maghapon? Tyaka, ang sakit ng katawan ko para akong lalagnatin.” sagot niya.

“Wala akong pakialam kung lagnatin ka pa o ano. Ang kailangan ko ay mag-ayos ka para humarap sa Daddy ko.” walang kagatol-gatol na sabi nito sa kaniya. “This is the first time you will meet him and bear in mind, he is not an ordinary man so kung ako sayo mag-ingat ka sa kaniya or else…” ibinitin pa nito ang sinasabi ngunit sa halip na ituloy ay tumalikod lang ito. “Nevermind, mas maganda na lang din iyon para mawala ka na sa buhay ko.” lantarang saad nito na ikinakuyom lang ng mga kamay niya.

Nitong mga nakaraang araw ay medyo mas nagiging bulgar na ang mga salitang binitawan nito sa kaniya to the point na halos insultuhin na siya nito sa ginagawa niyang pagpapakasal sa kaniya. Sa totoo lang, hindi naman talaga niya pinangarap na pakasalan ito in the first place. Kaya lang kasi ang lola niya at ang lola nito ay nagkasundo na ipakasal sila sa isat-isa.

Nakataya doon ang mana nito kaya hindi na ito nakatanggi pa pero nilinaw nito sa kaniya na kahit na anong gawin niya y hinding-hindi nga siya nito mamahalin.

“You better move, malapit na siyang dumating o gusto mo talagang ipahiya ang sarili mo sa harap niya?” dagdag pa nitong tanong sa kaniya bago tuluyang lumabas ng silid niya.

Naging matalim lang ang kanyang mga mata ng wala sa oras. Ang antok na nararamdaman niya ay parang biglang nawala. Ito ang unang beses na mami-meet niya ang ama ni Sigmund since palagi itong nasa ibang bansa dahil sa negosyo. So ngayon ay bumalik ito, pero para saan?

Napa buntong hinna na lang siya. Masakit pa rin ang katawan niya pero alam niya sa sarili niyang kailangan niyang maghanda para bumaba. Hindi naman pwede na hindi siya lumabas at magpakilala sa kanyang father in law.

Kahit na masakit ang katawan niya ay pinilit niyang bumangon at bumaba ng kama. Bahala na, bulong niya sa isip niya.

…

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Billionaire I Call Father-In-Law    Chapter 4

    NAMILOG ang mga mata ni Alaina sa narinig. “What?” Ang kanyang labi at katawan ay nanginig. “Are you kidding me Doc?” Ulit niya pang tanong sa Doktor na nagsabi sa kanya ng resulta ng mga lab test niya.Nagsalubong naman ang mga kilay nito at napakunot ang noo. “Hindi po ba kayo masaya misis na buntis kayo? Wala naman pong masama kung mabuntis kayo lalo na at may asawa po kayo.”Yun na nga mismo ang problema. May asawa nga siya pero hindi naman siya nito tinabihan pa kahit na minsan lang kaya isang malaking kalokohan ang mabuntis siya kung wala pa namang nangyayari sa kanilang dalawa.Isa lang ang sagot kung paano siya nabuntis. Nabuntis siya ng ama ni Sigmund, yes, her father in law. Pero isang beses lang na may nangyari sa kanilang dalawa kaya paanong nabuntis siya kaagad? Paano nangyari iyon?Posible ba talaga na ang isang beses na pakikipagtalik ay makakabuo ba kaagad?Hindi niya alam kung anong mararamdaman niya noong mga oras na iyon pero ang pinaka nangibabaw sa lahat ay ang t

  • The Billionaire I Call Father-In-Law    Chapter 3

    “What did you just say Doc?” Parang nabingi si Sigmund nang marinig niya ang sinabi ng Doktor na kapapasok lang sa silid ni Alaina. Tinawagan siya ng mga kasambahay nila dahil bigla na lang daw itong nawalan ng malay at kamuntikan pang mahulog sa hagdan kaya sa sobrang pag-aalala ng mga kasambahay ay itinakbo nila ito sa ospital at sa hindi niya inaasahang pagkakataon, isang nakakagulat na balita ang sinabi sa kaniya ng Doktor.“Yes po sir, buntis po ang misis niyo. Congratulations po!” masayang balita nito sa kaniya.Kung ang ibang mag-asawa ay magiging masaya na marinig na buntis ang asawa nila, siya naman ay kabaliktaran dahil sobrang dilim ng ekspresyon niya. Sinong mag-aakala na mabubuntis ang asawa niya when in fact, hindi naman sila nagtatabing dalawa. Nakakatawa ito. Tatahi-tahimik pero nagpapagamit na pala sa ibang lalaki sa likod niya. Ni wala man lang siyang kaalam-alam. Bukod pa doon, malayo sa itsura nito ang pagiging malandi pero kung sabagay, nagawa nga nitong bilugin

  • The Billionaire I Call Father-In-Law    Chapter 2

    “OH hi apo!” bati ng lola ni Sigmund sa kaniya. Hinalikan siya nito sa pisngi tyaka niyakap kung saan ay dali-dali niya naman itong sinuklian.“Hello po lola, namiss ko po kayo…” puno ng emosyong sabi ni Alaina. Hindi man sila okay ni Sigmund ay talaga namang malapit siya sa lola nito. Itinuturing niya itong pangalawa niyang lola since ang kanyang totoong lola ay pumanaw na noong nakaraang taon.Sobrang miss na miss na nga niya ito sa totoo lang at kapag nagkikita sila nito, palagi niyang naaalala ang lola niya.Ngumiti ito sa kaniya tyaka hinaplos ang pisngi niya. “Namiss din kita hija.” bumaba ang tingin nito sa tiyan niya tyaka hinipo. “Wala pa ba? Gusto ko ng magkaapo sa tuhod.”Alanganin lang siyang ngumiti. Nilingon niya si Sigmund na nakatingin lang din sa kaniya. Ang mga mata nito ay puno ng babala. Isang maling sagot niya lang sa harap ng lola nito ay tiyak na kung ano-ano na naman ang sasabihin nito sa kaniya. Ilang sandali pa ay bigla itong nagtanggal ng bara sa lalamunan.

  • The Billionaire I Call Father-In-Law    Chapter 1

    NAGISING si Alaina na sobrang sakit ng katawan. Parang mabibiyak ang ulo niya sa sobrang sakit. Nang magmulat siya ng kanyang mga mata ay isang hindi pamilyar na silid ang bumungad sa kaniya. Bukod pa doon, nangingibabaw ang sakit na nagmumula sa gitna ng kanyang mga hita na para bang sugat siya doon banda.Kaagad na nagsalubong ang mga kilay niya. What the hell happened and where am I?Dahan-dahan siyang bumangon mula sa kama at dahil sa ginawa niya, nahulog ang kumot na tumatakip sa katawan niya. Nang yukuin niya ang sarili niya ay dito na niya napagtanto na, she was naked!Dagli niyang pinulot muli ang kumot at halos manginig ang buong katawan niya. Napuno siya ng pagkataranta. What happened? Why am I?Biglang bumalik sa isip niya ang mga nangyari kagabi. Mula sa bar hanggang sa…Napatakip siya sa kanyang mukha ng wala sa oras. Shit, anong ginawa niya?Ilang sandali pa ay nagulat siya nang bigla na lang may gumalaw sa tabi niya at nang lingunin niya ito, there was someone lying bes

  • The Billionaire I Call Father-In-Law    Simula

    UMUPO si Alaina sa gilid ng kama. Bakas sa kanyang mukha ang lungkot habang nakatingin sa bakanteng espasyo rito. Anim na buwan na simula nang magpakasal sila ni Sigmund. Anim na buwan.Pero kahit na minsan, hindi pa siya tinabihan ng asawa niya.Alam niya sa sarili niya na hindi naman talaga siya mahal ni Sigmund. Alam niya iyon, pero hindi siya nawalan ng pag asa na baka isang araw ay sakaling matutunan siyang mahalin nito.Palagi itong nawawala sa kalagitnaan ng gabi. Nasa iisang bahay sila nakatira pero kung ituring siya nito ay parang hangin at hindi siya nakikita. Sa mata ng lahat, masaya sila at napaka swerte niya bilang asawa nito ngunit ang totoo isa lang siyang design at asawa sa papel ni Sigmund dahil napilitan lang itong pakasalan siya.~~~~~“Saan ka na naman pupunta?” tanong ni Alaina sa asawa nang makitang aalis na naman ito.Isang matalim na titig ang ipinukol nito sa kaniya. “Kailan ka pa nagkaroon ng karapatan na kwestyunin ang desisyon ko?” walang gatol na tano

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status