LOGIN“What did you just say Doc?”
Parang nabingi si Sigmund nang marinig niya ang sinabi ng Doktor na kapapasok lang sa silid ni Alaina. Tinawagan siya ng mga kasambahay nila dahil bigla na lang daw itong nawalan ng malay at kamuntikan pang mahulog sa hagdan kaya sa sobrang pag-aalala ng mga kasambahay ay itinakbo nila ito sa ospital at sa hindi niya inaasahang pagkakataon, isang nakakagulat na balita ang sinabi sa kaniya ng Doktor.
“Yes po sir, buntis po ang misis niyo. Congratulations po!” masayang balita nito sa kaniya.
Kung ang ibang mag-asawa ay magiging masaya na marinig na buntis ang asawa nila, siya naman ay kabaliktaran dahil sobrang dilim ng ekspresyon niya. Sinong mag-aakala na mabubuntis ang asawa niya when in fact, hindi naman sila nagtatabing dalawa.
Nakakatawa ito. Tatahi-tahimik pero nagpapagamit na pala sa ibang lalaki sa likod niya. Ni wala man lang siyang kaalam-alam. Bukod pa doon, malayo sa itsura nito ang pagiging malandi pero kung sabagay, nagawa nga nitong bilugin ang ulo ng kanyang lola para lang maikasal ito sa kaniya kaya hindi na rin nakapagtataka na nagpabuntis naman ito sa iba.
O baka gusto nitong gamitin iyon para maging masaya ang lola niya? Mas naging madilim pa lalo ang ekspresyon ni Sigmund.
“Salamat Dok.” sabi niya ngunit walang saya na mababakas sa mukha niya.
Ang kanyang mga jamay ay napakuyom ngunit mabilis din namang sumilay ang isang ngiti sa labi ni Sigmund. Dati ay pino-problema niya kung anong magiging dahilan ng pagkikipaghiwalay niya rito pero, ito na rin ang gumawa ng rason para maghiwalay silang dalawa.
~~~~~~
“Lola—”
Halos manginig ang matandang babae sa galit habang nakatingin sa kaniya. “Don’t you ever say any more words.” nagbabanta ang boses nito.
Pagkagaling ni Sigmund sa ospital ay kaagad siyang dumiretso sa bahay ng kanyang lola para sabihin na gusto na niyang makipaghiwalay kay Alaina kaya lang pagkasabi niya pa lang na gusto niyang makipaghiwalay dahil nabuntis ito ng iba ngunit sa halip na makuha niya ang simpatya ng kanyang abuela ay galit pa ang natanggap niya rito.
“Alam ko kung anong ginagawa mo Sigmund. I am aware na palagi mo na namang pinupuntahan ang babaeng iyon! Sinabi ko na sayong kalimutan mo na siya hindi ba? Bakit ba ayaw mong makinig?”
Napakuyom ng mahigpit ang mga palad ni Sigmund nang marinig niya iyon. Sa halip na siya ang kampihan ng kanyang sariling lola, siya pa yata ang napasama. Palagi na lang sinasabi sa kaniya ng lola niya na dapat niyang araling mahalin si Alaina dahil napakabait nitong bata pero kahit anong gawin niya, hindi na magbabago pa ang tingin niya rito. Hindi na niya kaya pang turuan ang puso niyang mahalin ito dahil pagmamay-ari na ni Valerie ang puso niya noon pa man.
Ngayong bumalik na ito, gagawin niya ang lahat para magkasama silang dalawa ulit at hindi na niya hahayaan pang maghiwalay silang dalawa.
Hindi niya rin maiwasang hindi isipin at tanungin kung ano nga ba ang ipinakain ni Alaina sa kanyang lola para kampihan siya nito ng ganun, wala siyang ideya sa totoo lang. Wala na itong bukambibig kundi ang puro papuri sa babaeng iyon samantalang wala namang espesyal sa kaniya.
“If you try to divorce her, hindi mo magugustuhan kung anong gagawin ko.” banta pa nito sa kaniya na ikinatagis lang ng mga bagang niya sa galit.
Hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig. Anong gusto ng lola niya? Tanggapin niya bilang anak niya na sarili ang ipinagbubuntis ni Alaina kahit na iba ang ama nito?
Hindi pa naman siya nasisiraan ng bait para gawin iyon. Hindi niya maintindihan kung paano nito nasasabi iyon. Gusto na niya tuloy tanungin kung apo ba talaga siya nito o mas apo niya ito kaysa sa kaniya?
“Lola, are you kidding me? You want me to be the father of her child?” puno ng sarkasmo na tanong niya sa sarili niyang lola. Wala na siyang pakialam kung anong isipin nito. Pero paano kapag nalaman ng ibang tao ang tungkol dito? Tiyak na pagtatawanan siya. Hindi niya gugustuhin iyong mangyari.
“Naisip mo yan pagkatapos mo siyang iwanan mag-isa sa gabi para lang pumunta sa babaeng iyon pagkatapos ay sasabihin mo yan? Or you set her up para lang mabuntis siya ng iba para lang magkaroon ka ng dahilan to divorce her and to be with that vexen?”
Naging malamig ang mga mata ni Sigmund nang marinig niya ang sinabi ng kanyang lola. Masama ang loob niya sa totoo lang kapag sinasabi nito na kalimutan niya na si Valerie when in fact, alam na alam nito kung gaano niya ito kamahal. Nakita nito kung paano siya nabaliw noong bigla na lang itong naglaho na parang bula pero ngayon ay bumalik na itong muli sa kaniya.
Tinanggap niya itong muli dahil mahal niya pa rin ito hanggang ngayon. Mahal niya pa rin ito at hindi niya ito kayang mawala sa buhay niya ulit.
Tumayo na siya at handa nang umalis, tiyak na hindi siya nito pakikinggan kaya wala na siyang kailangan pang sabihin dito dahil mapapahaba lang ang pag-uusap nila.
“Sigmund! Hindi pa tayo tapos mag-usap get back here!”
Ngunit kahit na anong tawag nito sa kaniya ay hindi niya ito pinakinggan kundi, dire-diretso siyang lumabas at umalis na para bang walang narinig.
…
NAMILOG ang mga mata ni Alaina sa narinig. “What?” Ang kanyang labi at katawan ay nanginig. “Are you kidding me Doc?” Ulit niya pang tanong sa Doktor na nagsabi sa kanya ng resulta ng mga lab test niya.Nagsalubong naman ang mga kilay nito at napakunot ang noo. “Hindi po ba kayo masaya misis na buntis kayo? Wala naman pong masama kung mabuntis kayo lalo na at may asawa po kayo.”Yun na nga mismo ang problema. May asawa nga siya pero hindi naman siya nito tinabihan pa kahit na minsan lang kaya isang malaking kalokohan ang mabuntis siya kung wala pa namang nangyayari sa kanilang dalawa.Isa lang ang sagot kung paano siya nabuntis. Nabuntis siya ng ama ni Sigmund, yes, her father in law. Pero isang beses lang na may nangyari sa kanilang dalawa kaya paanong nabuntis siya kaagad? Paano nangyari iyon?Posible ba talaga na ang isang beses na pakikipagtalik ay makakabuo ba kaagad?Hindi niya alam kung anong mararamdaman niya noong mga oras na iyon pero ang pinaka nangibabaw sa lahat ay ang t
“What did you just say Doc?” Parang nabingi si Sigmund nang marinig niya ang sinabi ng Doktor na kapapasok lang sa silid ni Alaina. Tinawagan siya ng mga kasambahay nila dahil bigla na lang daw itong nawalan ng malay at kamuntikan pang mahulog sa hagdan kaya sa sobrang pag-aalala ng mga kasambahay ay itinakbo nila ito sa ospital at sa hindi niya inaasahang pagkakataon, isang nakakagulat na balita ang sinabi sa kaniya ng Doktor.“Yes po sir, buntis po ang misis niyo. Congratulations po!” masayang balita nito sa kaniya.Kung ang ibang mag-asawa ay magiging masaya na marinig na buntis ang asawa nila, siya naman ay kabaliktaran dahil sobrang dilim ng ekspresyon niya. Sinong mag-aakala na mabubuntis ang asawa niya when in fact, hindi naman sila nagtatabing dalawa. Nakakatawa ito. Tatahi-tahimik pero nagpapagamit na pala sa ibang lalaki sa likod niya. Ni wala man lang siyang kaalam-alam. Bukod pa doon, malayo sa itsura nito ang pagiging malandi pero kung sabagay, nagawa nga nitong bilugin
“OH hi apo!” bati ng lola ni Sigmund sa kaniya. Hinalikan siya nito sa pisngi tyaka niyakap kung saan ay dali-dali niya naman itong sinuklian.“Hello po lola, namiss ko po kayo…” puno ng emosyong sabi ni Alaina. Hindi man sila okay ni Sigmund ay talaga namang malapit siya sa lola nito. Itinuturing niya itong pangalawa niyang lola since ang kanyang totoong lola ay pumanaw na noong nakaraang taon.Sobrang miss na miss na nga niya ito sa totoo lang at kapag nagkikita sila nito, palagi niyang naaalala ang lola niya.Ngumiti ito sa kaniya tyaka hinaplos ang pisngi niya. “Namiss din kita hija.” bumaba ang tingin nito sa tiyan niya tyaka hinipo. “Wala pa ba? Gusto ko ng magkaapo sa tuhod.”Alanganin lang siyang ngumiti. Nilingon niya si Sigmund na nakatingin lang din sa kaniya. Ang mga mata nito ay puno ng babala. Isang maling sagot niya lang sa harap ng lola nito ay tiyak na kung ano-ano na naman ang sasabihin nito sa kaniya. Ilang sandali pa ay bigla itong nagtanggal ng bara sa lalamunan.
NAGISING si Alaina na sobrang sakit ng katawan. Parang mabibiyak ang ulo niya sa sobrang sakit. Nang magmulat siya ng kanyang mga mata ay isang hindi pamilyar na silid ang bumungad sa kaniya. Bukod pa doon, nangingibabaw ang sakit na nagmumula sa gitna ng kanyang mga hita na para bang sugat siya doon banda.Kaagad na nagsalubong ang mga kilay niya. What the hell happened and where am I?Dahan-dahan siyang bumangon mula sa kama at dahil sa ginawa niya, nahulog ang kumot na tumatakip sa katawan niya. Nang yukuin niya ang sarili niya ay dito na niya napagtanto na, she was naked!Dagli niyang pinulot muli ang kumot at halos manginig ang buong katawan niya. Napuno siya ng pagkataranta. What happened? Why am I?Biglang bumalik sa isip niya ang mga nangyari kagabi. Mula sa bar hanggang sa…Napatakip siya sa kanyang mukha ng wala sa oras. Shit, anong ginawa niya?Ilang sandali pa ay nagulat siya nang bigla na lang may gumalaw sa tabi niya at nang lingunin niya ito, there was someone lying bes
UMUPO si Alaina sa gilid ng kama. Bakas sa kanyang mukha ang lungkot habang nakatingin sa bakanteng espasyo rito. Anim na buwan na simula nang magpakasal sila ni Sigmund. Anim na buwan.Pero kahit na minsan, hindi pa siya tinabihan ng asawa niya.Alam niya sa sarili niya na hindi naman talaga siya mahal ni Sigmund. Alam niya iyon, pero hindi siya nawalan ng pag asa na baka isang araw ay sakaling matutunan siyang mahalin nito.Palagi itong nawawala sa kalagitnaan ng gabi. Nasa iisang bahay sila nakatira pero kung ituring siya nito ay parang hangin at hindi siya nakikita. Sa mata ng lahat, masaya sila at napaka swerte niya bilang asawa nito ngunit ang totoo isa lang siyang design at asawa sa papel ni Sigmund dahil napilitan lang itong pakasalan siya.~~~~~“Saan ka na naman pupunta?” tanong ni Alaina sa asawa nang makitang aalis na naman ito.Isang matalim na titig ang ipinukol nito sa kaniya. “Kailan ka pa nagkaroon ng karapatan na kwestyunin ang desisyon ko?” walang gatol na tano







