LOGIN
UMUPO si Alaina sa gilid ng kama. Bakas sa kanyang mukha ang lungkot habang nakatingin sa bakanteng espasyo rito. Anim na buwan na simula nang magpakasal sila ni Sigmund. Anim na buwan.
Pero kahit na minsan, hindi pa siya tinabihan ng asawa niya. Alam niya sa sarili niya na hindi naman talaga siya mahal ni Sigmund. Alam niya iyon, pero hindi siya nawalan ng pag asa na baka isang araw ay sakaling matutunan siyang mahalin nito. Palagi itong nawawala sa kalagitnaan ng gabi. Nasa iisang bahay sila nakatira pero kung ituring siya nito ay parang hangin at hindi siya nakikita. Sa mata ng lahat, masaya sila at napaka swerte niya bilang asawa nito ngunit ang totoo isa lang siyang design at asawa sa papel ni Sigmund dahil napilitan lang itong pakasalan siya. ~~~~~ “Saan ka na naman pupunta?” tanong ni Alaina sa asawa nang makitang aalis na naman ito. Isang matalim na titig ang ipinukol nito sa kaniya. “Kailan ka pa nagkaroon ng karapatan na kwestyunin ang desisyon ko?” walang gatol na tanong nito sa kaniya. Napakuyom lang ang mga kamay ni Alaina nang marinig niya ang sinabi nito. Anong karapatan niya? Asawa siya nito. Bakit kailangan nitong kwestyunin ang karapatan niya na magtanong? Pumikit siya ng mariin. “Don’t act like you are my real wife cause your not.” puno ng pang-uuyam na sabi nito sa kaniya. Isang mapait na ngiti ang sumilay sa mga labi niya noong mga oras na iyon. Isang tawag lang ang natanggap nito ngunit nagkukumahog itong umalis kahit na gabing-gabi na. Hanggang kailan ba niya kailangang magtiis sa ganito? Hanggang kailan ba siya dapat umasa na magbabago pa si Sigmund? “Really?” tanong niya. Kung dati rati, wala siyang pakialam sa kung anong sinasabi nito. Ngayon ay hindi na niya kaya pang tiisin na lang ang basta ang pakikitungo nito sa kaniya at hindi na niya mapagtiisan ang ginagawa nito. “I am your wife for pete’s sake Sigmund! Tapos ay tinatanong mo ako kung anong karapatan ko na tanungin kung saan ka pupunta? Karapatan ko na malaman kung saan ka pupunta dahil asawa mo ako!” Narinig niya ang pag-ismid nito at tuluyang lumabas ng silid. Lumabas din siya at sinundan ito hanggang sa sala. “Sigmund ano ba?! Ganito na lang ba talaga ang gagawin mo palagi? Ano ba talagang akala mo sa akin? Isang display dito huh?!” Patuloy lang ito sapaglalakad hanggang sa makarating ito sa parking lot. Binuksan nito ang p***o ng sasakyan nito at ni hindi man lang siya nito nilingon. Mabilis sinubukan niyang harangin ang pagsara ng p***o ng sasakyan nito pero kamuntikan lang siyang maipit dahil sa ginawa niya. Ang mga mata nito ay nag-aapoy na tumingin sa kaniya, puno ng disgusto at poot. “Kung hindi dahil sayo, masaya sana ako ngayon kasama ang babaeng mahal ko. Sana ay hindi ka na lang dumating sa buhay ko and you know what? Kahit na anong gawin mo, hinding-hindi kita mamahalin kahit na ikaw na lang ang huling babae sa mundo.” Hindi nakagalaw si Alaina mula sa kanyang kinatatayuan. Para siyang sinampal sa mga salitang binitawan nito sa kaniya. Alam niya naman na hindi talaga siya nito mahal pero ang sabihin ang mga iyon at ipamukha sa kaniya? Tama ba? Napakagat labi siya. Maybe this is the turning point for her. Pinunasan niya ang sulok ng kanyang mga mata at mabilis na bumalik sa loob ng bahay at nagbihis. ~~~~~ “What? Kaya kong magbayad kahit na magkano pa kaya bigyan mo pa ako!” inis na sabi ni Alaina sa waiter kung saang bar siya nagpunta. Ang kanyang mga mata ay halos namumungay na at medyo umiikot na rin ang kanyang paligid. Kung inaakala ni Sigmund na magmumukmok siya sa isang gilid ay isang malaking kalokohan iyon. Kung nag-eenjoy ito kasama ang kung sino mang babaeng iyon, e di mag-enjoy siya! Mag-eenjoy din siya sa buhay niya kung iyon ang gusto nito. “Akala niya ba ay gusto ko ring magpakasal sa kaniya?” bulong niya habang nakahawak sa baso niya. Kukurap-kurap na ang mga mata niya pero ayaw niya pa ring tumigil sa pag-inom. Isa pa, ngayon lang ulit siya uminom. Matagal tagal na rin noong huli siyang naglasing ng ganito. Mahigpit ang hawak niya sa baso. “E di magsama kayo ng babae mo!” sinaid niya ang laman ng baso niya bago pinunasan ang kanyang labi. Ilang sandali pa, pakiramdam niya ay parang lalabas ang lahat ng laman ng tiyan niya kaya tumayo siya. Pasuray-suray siyang naglakad patungo sa banyo. Kahit papano ay kaya niya pa namang maglakad, yun nga lang ay pagewang-gewang na dahil tinamaan na talaga siya ng alak na ininom niya. Pagdating niya sa banyo ay kaagad siyang nasuka at halos manghina siya. Ilang minuto din siyang nanatili sa banyo hanggang sa pakiramdam niya ay nailabas na niya ang lahat ng sama ng loob niya. Nagsalamin pa siya pero dahil nga nanlalabo na ang mga mata niya ay hindi na niya maaninag pa ang repleksyon niya sa salamin pero hindi na iyon importante pa sa kaniya. Lumabas siya ng banyo na namumungay ang mga mata. Kung kanina, umiikot na ang paligid niya ngayon naman ay parang lumilindol na. Napahawak siya sa kanyang ulo. “Shit!” anas niya habang naglalakad. Nawalan siya ng balanse at handa na sana siyang bumagsak ngunit may bisig na sumalo sa kaniya. Sa nanlalabong mga mata, napatitig siya sa lalaking sumalo sa kaniya. Hindi niya gaanong maaninag ang mukha nito pero wala siyang pakialam. Para siyang sinapian noong mga oras na iyon at bigla na lang niyang ikinawit ang mga kamay niya sa batok nito at umayos ng tayo tyaka niya ito hinalikan sa labi. Naramdaman niya na natigilan ito, marahil ay nagulat sa ginawa niya ngunit sandali lang ang pagkagulat nito dahil sa sumunod na segundo ay naramdaman niya ang pagganti nito ng halik sa kaniya. Nang humiwalay ito sa kaniya para sumagap ng hangin ay bumulong ito. “Don’t play with the fire baby girl. Baka magsisi ka.” mababa at mahina nitong bulong sa kaniya, nagpapaalala ngunit marahil dahil sa epekto ng alak ay nagawa niya pang ngumisi rito. “Don’t worry, hindi ko madaling mapaso so I can play with fire Daddy…” tukso niya rito. Akmang titingkayad sana siyang muli ngunit ito na mismo ang yumuko para halikan siya sa kanyang labi. …NAMILOG ang mga mata ni Alaina sa narinig. “What?” Ang kanyang labi at katawan ay nanginig. “Are you kidding me Doc?” Ulit niya pang tanong sa Doktor na nagsabi sa kanya ng resulta ng mga lab test niya.Nagsalubong naman ang mga kilay nito at napakunot ang noo. “Hindi po ba kayo masaya misis na buntis kayo? Wala naman pong masama kung mabuntis kayo lalo na at may asawa po kayo.”Yun na nga mismo ang problema. May asawa nga siya pero hindi naman siya nito tinabihan pa kahit na minsan lang kaya isang malaking kalokohan ang mabuntis siya kung wala pa namang nangyayari sa kanilang dalawa.Isa lang ang sagot kung paano siya nabuntis. Nabuntis siya ng ama ni Sigmund, yes, her father in law. Pero isang beses lang na may nangyari sa kanilang dalawa kaya paanong nabuntis siya kaagad? Paano nangyari iyon?Posible ba talaga na ang isang beses na pakikipagtalik ay makakabuo ba kaagad?Hindi niya alam kung anong mararamdaman niya noong mga oras na iyon pero ang pinaka nangibabaw sa lahat ay ang t
“What did you just say Doc?” Parang nabingi si Sigmund nang marinig niya ang sinabi ng Doktor na kapapasok lang sa silid ni Alaina. Tinawagan siya ng mga kasambahay nila dahil bigla na lang daw itong nawalan ng malay at kamuntikan pang mahulog sa hagdan kaya sa sobrang pag-aalala ng mga kasambahay ay itinakbo nila ito sa ospital at sa hindi niya inaasahang pagkakataon, isang nakakagulat na balita ang sinabi sa kaniya ng Doktor.“Yes po sir, buntis po ang misis niyo. Congratulations po!” masayang balita nito sa kaniya.Kung ang ibang mag-asawa ay magiging masaya na marinig na buntis ang asawa nila, siya naman ay kabaliktaran dahil sobrang dilim ng ekspresyon niya. Sinong mag-aakala na mabubuntis ang asawa niya when in fact, hindi naman sila nagtatabing dalawa. Nakakatawa ito. Tatahi-tahimik pero nagpapagamit na pala sa ibang lalaki sa likod niya. Ni wala man lang siyang kaalam-alam. Bukod pa doon, malayo sa itsura nito ang pagiging malandi pero kung sabagay, nagawa nga nitong bilugin
“OH hi apo!” bati ng lola ni Sigmund sa kaniya. Hinalikan siya nito sa pisngi tyaka niyakap kung saan ay dali-dali niya naman itong sinuklian.“Hello po lola, namiss ko po kayo…” puno ng emosyong sabi ni Alaina. Hindi man sila okay ni Sigmund ay talaga namang malapit siya sa lola nito. Itinuturing niya itong pangalawa niyang lola since ang kanyang totoong lola ay pumanaw na noong nakaraang taon.Sobrang miss na miss na nga niya ito sa totoo lang at kapag nagkikita sila nito, palagi niyang naaalala ang lola niya.Ngumiti ito sa kaniya tyaka hinaplos ang pisngi niya. “Namiss din kita hija.” bumaba ang tingin nito sa tiyan niya tyaka hinipo. “Wala pa ba? Gusto ko ng magkaapo sa tuhod.”Alanganin lang siyang ngumiti. Nilingon niya si Sigmund na nakatingin lang din sa kaniya. Ang mga mata nito ay puno ng babala. Isang maling sagot niya lang sa harap ng lola nito ay tiyak na kung ano-ano na naman ang sasabihin nito sa kaniya. Ilang sandali pa ay bigla itong nagtanggal ng bara sa lalamunan.
NAGISING si Alaina na sobrang sakit ng katawan. Parang mabibiyak ang ulo niya sa sobrang sakit. Nang magmulat siya ng kanyang mga mata ay isang hindi pamilyar na silid ang bumungad sa kaniya. Bukod pa doon, nangingibabaw ang sakit na nagmumula sa gitna ng kanyang mga hita na para bang sugat siya doon banda.Kaagad na nagsalubong ang mga kilay niya. What the hell happened and where am I?Dahan-dahan siyang bumangon mula sa kama at dahil sa ginawa niya, nahulog ang kumot na tumatakip sa katawan niya. Nang yukuin niya ang sarili niya ay dito na niya napagtanto na, she was naked!Dagli niyang pinulot muli ang kumot at halos manginig ang buong katawan niya. Napuno siya ng pagkataranta. What happened? Why am I?Biglang bumalik sa isip niya ang mga nangyari kagabi. Mula sa bar hanggang sa…Napatakip siya sa kanyang mukha ng wala sa oras. Shit, anong ginawa niya?Ilang sandali pa ay nagulat siya nang bigla na lang may gumalaw sa tabi niya at nang lingunin niya ito, there was someone lying bes
UMUPO si Alaina sa gilid ng kama. Bakas sa kanyang mukha ang lungkot habang nakatingin sa bakanteng espasyo rito. Anim na buwan na simula nang magpakasal sila ni Sigmund. Anim na buwan.Pero kahit na minsan, hindi pa siya tinabihan ng asawa niya.Alam niya sa sarili niya na hindi naman talaga siya mahal ni Sigmund. Alam niya iyon, pero hindi siya nawalan ng pag asa na baka isang araw ay sakaling matutunan siyang mahalin nito.Palagi itong nawawala sa kalagitnaan ng gabi. Nasa iisang bahay sila nakatira pero kung ituring siya nito ay parang hangin at hindi siya nakikita. Sa mata ng lahat, masaya sila at napaka swerte niya bilang asawa nito ngunit ang totoo isa lang siyang design at asawa sa papel ni Sigmund dahil napilitan lang itong pakasalan siya.~~~~~“Saan ka na naman pupunta?” tanong ni Alaina sa asawa nang makitang aalis na naman ito.Isang matalim na titig ang ipinukol nito sa kaniya. “Kailan ka pa nagkaroon ng karapatan na kwestyunin ang desisyon ko?” walang gatol na tano







