Mag-log inChapter 4
“Belle, umupo ka. Hindi kita pakakawalan hangga't hindi ka nagsasabi ng totoo.” Iyon ang bungad ni Mia nang maabutan niya ako sa hallway kinabukasan. Naka crossed arms siya at nakataas ang isang kilay, na para bang may hawak siyang ebidensiyang hindi ko kayang itanggi. “Good morning din sa iyo,” sagot ko. “Walang good morning! Bakit magkasama kayo ni Adrian sa library kahapon?” “May project kami.” “Alam kong may project kayo. Pero bakit may matching coffee?” “Hindi naman matching. Pareho lang ng binili.” “Paborito mo ang flavor na iyon!” Napabuntong-hininga ako. “Mia, kaibigan kita, pero hindi ko kailangang i-report sa iyo ang bawat baso ng kape na iniinom ko.” “Correct. Pero kapag involved si Adrian Montenegro, kailangan kong magtanong. Alam kong hindi mo siya gusto.” “Exactly!” “Then bakit parang komportable kayo kahapon?” Wala akong maisagot. Hindi ko puwedeng sabihin ang totoo, pero ayaw ko ring magsinungaling sa best friend ko. “May mga bagay lang kaming kailangang ayusin,” sabi ko sa wakas. Lalong kumunot ang noo niya,bakas na lalo siyang nacurious sa sagot ko. “Anong mga bagay?” “School things.” “Belle.” “Mia.” Nagkatitigan kami hanggang sa napailing siya. “Fine. Pero alam mong hindi ako madaling lokohin.” Bago pa ako makasagot, dumating si Adrian. “Good morning, ladies.” Tinuro siya ni Mia. “Ikaw! May tanong ako.” “Should I be scared?” “Yes.” “Then I'll answer only easy questions.” “Bakit mo binilhan ng coffee si Belle?” Ngumisi si Adrian. “Because I have excellent taste.” Napahawak ako sa noo ko. “Hindi iyon ang ibig niyang sabihin!” “Then what did she mean?” “Adrian, tumahimik ka nga!” Tumawa siya at naglakad papunta sa classroom. Naiwan kaming dalawa ni Mia. “See?” sabi niya. “I knew it , something was going on.” “Wala!” “Fine. I'll wait.” Pagpasok namin sa klase, ipinaliwanag ng professor ang details ng business proposal namin. Kailangan naming magpresenta sa harap ng panel sa susunod na buwan, kaya kailangan naming maglaan ng oras para sa research at meetings. Pagkatapos ng lecture, lumapit sa akin si Adrian dala ang notebook niya. “Library ulit mamayang hapon?” “Pero may date ako kay Lucas.” “Hindi ba puwedeng bukas?” “Deadline natin sa Friday. Kailangan nating tapusin ang research.” Tumango siya. “Fine. I'll meet you after your date.” “Hindi mo kailangang maghintay.” “Hindi ako naghihintay sa iyo. May sarili rin akong gagawin.” “Good.” “Great.” Naghiwalay kami na parang dalawang taong hindi kayang magkasundo sa simpleng bagay. Pero sa totoo lang, alam kong pareho kaming seryoso sa project. Hindi ko lang aaminin iyon sa kaniya. Nang lunch break, nag-message si Lucas at niyaya akong kumain sa labas ng campus. Masaya akong pumayag. Kailangan kong magkaroon ng normal na oras kasama ang boyfriend ko, kahit sandali. Dinala niya ako sa maliit naming paboritong café. Habang kumakain kami, ikinuwento niya ang plano niyang sumali sa isang student organization. “Gusto kong mas maging active ngayong semester,” sabi niya. “Ikaw, may gusto ka bang salihan?” “Hindi ko pa alam. Marami na akong ginagawa.” “Then we can find something together.” Ngumiti ako. “That sounds nice.” Maya-maya, napansin niyang tahimik ako. “Belle, may nagawa ba akong mali?” “Wala. Bakit mo naitanong?” “Parang ang layo mo nitong mga araw.” Nawala ang ngiti ko. Hindi ko gustong maramdaman niyang may nagbabago sa amin dahil sa sikreto ko. “Sorry, Lucas. I'm just overwhelmed with school.” Hinawakan niya ang kamay ko. “Okay. I understand. Just don't shut me out.” Tumango ako at sinubukang ituon ang pansin sa kaniya. Nang matapos ang date namin, hinatid niya ako pabalik sa campus. Bago siya umalis, hinalikan niya ako sa noo. “See you tomorrow?” “Of course.” Nang makapasok ako sa library, nandoon na si Adrian at nakabukas ang laptop niya. “Finally,” sabi niya. “Akala ko nakalimutan mo na ang project natin.” “Hindi lahat ng bagay tungkol sa iyo ang iniisip ko.” “Good. That would be exhausting.” Umupo ako sa tabi niya at nagsimula kaming magtrabaho. Sa loob ng isang oras, natapos namin ang kalahati ng research. Hindi ko maitatangging mahusay siyang ka-team. Mabilis siyang mag-isip, nakikinig sa mga suggestion ko, at hindi niya ipinipilit ang gusto niya kapag may mas magandang ideya. “Okay,” sabi ko matapos basahin ang draft. “This is actually good.” Napangiti siya. “Was that a compliment?” “Huwag kang masanay.” “Too late. I'll remember this day forever.” Natawa ako bago ko namalayang nakatingin siya sa akin. “Ano?” tanong ko. “Wala. Mas maganda ka kapag tumatawa.” Natigilan ako. Hindi iyon tunog pang-aasar. Masyado siyang seryoso para sabihing biro lang iyon. “Adrian…” Bigla siyang umayos ng upo at tumingin sa laptop. “Anyway, kailangan nating ayusin ang conclusion.” Napakurap ako. “Oo. Tama.” Bakit bigla akong kinabahan? Compliment lang naman iyon. Kinagabihan, nag-message siya tungkol sa schedule namin para sa project. Sumunod ang message mula sa mama niya: Don't forget Sunday's dinner. Your parents will announce something important. Mabilis akong nag-reply kay Adrian. Ano na naman ang announcement? No idea, sagot niya. But our parents are acting suspiciously happy. Napabuntong-hininga ako. Sana naman hindi nila balak ipaalam ang engagement sa lahat. Kinabukasan, habang naglalakad ako papunta sa classroom, may lumapit sa akin na estudyanteng si Nathan mula sa senior year. “Hi, Isabella. You're Belle, right?” “Oo. Bakit?” “I'm Nathan. We're organizing the university gala next week. Would you like to go with me?” Nagulat ako. “As in, date?” Ngumiti siya. “If you're comfortable with that.” Hindi ko alam ang isasagot ko. Single man ako sa mata ng ibang tao, may boyfriend ako. At may lihim din akong engagement na hindi ko puwedeng ipaliwanag. “Thank you, Nathan, pero may boyfriend ako.” “Lucky guy,” sagot niya nang magalang. “Maybe we can still work together on the event?” “Sure. That would be nice.” Pag-alis niya, nakita kong nakatayo si Adrian sa kabilang dulo ng hallway. Hindi ko alam kung gaano karami ang narinig niya. Lumapit siya, nakangiti pero may kakaibang tono sa boses. “University gala, huh?” “ narinig mo pala.” “Hard not to. Congratulations. May admirer ka na.” “Hindi ako pumayag sa date.” “Good for you.” “Bakit parang may problema ka?” “Wala.” Kinuha niya ang notebook niya. “Let's go. We have work to do.” Naglakad siya nang mas mabilis kaysa dati. Sinundan ko siya, nagtataka kung bakit bigla siyang naging tahimik. Pagdating namin sa classroom, tumunog ang cellphone niya. Sinilip niya ang screen at napangiti nang makita ang pangalan ni Chloe. “Hi, beautiful,” sagot niya. Hindi ko alam kung bakit bigla akong napatitig sa notebook ko. Dapat wala akong pakialam. Girlfriend niya iyon, at ako naman ay may boyfriend. Pero nang tumingin siya sa akin at ngumiti habang kausap si Chloe, may kakaibang kurot akong hindi ko maipaliwanag. No jealousy, paalala ko sa sarili ko. Ang problema, parang mas mahirap sundin ang rule na iyon kaysa sa lahat ng iba pa.Chapter 10I stared at Adrian's message for almost five minutes.**Adrian:** You don't have to answer tonight. I just wanted to know if I'm the only one who looks forward to seeing you every day.“Bakit mo ba ako tinatanong ng ganito?” bulong ko sa sarili ko.I wanted to reply with a joke. Something sarcastic enough to put us back in our usual routine of teasing and arguing. Pero sa pagkakataong iyon, hindi ko kayang gawing biro ang tanong niya.**Me:** You're not the only one who enjoys our project meetings.**Adrian:** That's not exactly an answer, sweetheart.**Me:** That's the only answer you're getting tonight.**Adrian:** Fine. I'll accept that tiny victory.**Me:** Good night, Adrian.**Adrian:** Good night, Belle. Don't forget that you're allowed to smile tomorrow.Napangiti ako sa huling message niya. Ang problema, hindi ko na alam kung paano ko pipigilan ang sarili kong ngumiti sa tuwing pangalan niya ang lumilitaw sa screen
Chapter 9“Is that Belle?”Napahinto ako nang marinig ang boses ni Chloe sa kabilang linya. Si Adrian ang kausap ko, at mukhang katabi niya ang girlfriend niya.“Yeah,” sagot ni Adrian. “We were just talking.”“About your project?” tanong ni Chloe.“Mostly.”Muntik akong mapapikit sa sagot niya. *Mostly?* Ano pa ba ang puwedeng pag-usapan ng dalawang taong engaged pero may kanya-kanyang karelasyon?“Adrian,” bulong ko sa cellphone, “talk to your girlfriend. We'll discuss the project tomorrow.”“Belle, wait—”Pinatay ko ang tawag bago pa siya makapagtanong. Hindi dahil nagseselos ako. Siyempre hindi. Gusto ko lang matulog nang maayos nang hindi naiisip ang boses niyang malambing kapag kausap si Chloe.Makalipas ang ilang segundo, nag-message siya.**Adrian:** You hung up on me.**Me:** Congratulations. Marunong ka nang makapansin.**Adrian:** Are you mad?**Me:** No.**Adrian:** That's a very convincing no.**Me:** Good night, Adrian.**Adrian:** Good night, Belle. Don't dream about me
Chapter 8“About us?”Ilang beses kong binasa ang huling message ni Adrian, umaasang magbabago ang mga salita kapag tumingin ako ulit. Pero hindi. Nandoon pa rin ang pangalan niya sa screen, kasama ang mensaheng hindi ko alam kung paano sasagutin.Adrian: And Belle? Please don't bring Lucas.“Ang kapal talaga ng mukha mo,” bulong ko sa sarili ko.Nag-type ako ng reply.Me: Don't make this weird. If this is about our project, we can talk in the library.Adrian: It's not about the project.Me: Then what is it about?Adrian: I'll tell you tomorrow. Please, Belle.Napahinto ako. Walang pang-aasar. Walang future wife. Walang sarcastic comment na puwede kong sagutin ng mas matalas na insulto. Tatlong simpleng salita lang ang pinakahuli niyang ipinadala: Please, Belle.At mas mahirap iyong tanggihan kaysa sa lahat ng pang-aasar niya.Me: Fine. After class. One hour only.Adrian: Deal.Me: And if you call me future wife, I'm leaving.Adrian: Good night, future—Me: ADRIAN!Adrian: Good night,
Chapter 7“Belle, I'm waiting.”Napapikit ako habang hawak ang cellphone ko. Nasa kabilang linya si Mia, at halatang hindi siya matutuwa hangga't hindi niya nakukuha ang sagot na gusto niya.“Girl, it's a family picture,” sabi ko. “Alam mo naman kung gaano ka-close ang mga magulang namin.”“Then explain the comment about making it official.”“Baka joke lang.”“Belle Reyes, I know you. Kapag nagsisinungaling ka, ang dami mong paliwanag.”“Wow. Best friend ba kita o police investigator?”“Both. Now answer me.”Napatingin ako sa drawer kung saan ko itinago ang engagement ring. Gusto kong sabihin ang totoo. Gusto kong ipaliwanag kung paano kami pinili ng mga magulang namin para sa isang kasal na hindi naman namin hinihingi. Pero sa tuwing naiisip kong sabihin iyon, bumabalik sa isip ko ang pangakong ginawa namin ni Adrian.Walang makakaalam sa university.At lalong hindi dapat malaman ni Mia sa pamamagitan lang ng isang tawag.“Promise, kapag kaya ko nang sabihin, ikaw ang unang makakaala
Chapter 6“Belle, please tell me you have a reasonable explanation.”Nakatitig si Mia sa akin habang hawak ang cellphone niya. Nasa screen pa rin ang litrato namin ni Adrian sa public post ng mama nito.“Good morning din sa iyo,” sagot ko habang kinakagat ang sandwich ko.“Don't change the subject! Bakit parang couple kayo sa picture? At bakit may nagtatanong kung kailan ang wedding ninyo?”“Because people have too much free time.”“Belle!”Napabuntong-hininga ako. Alam kong hindi titigil si Mia hangga't hindi siya nakakakuha ng sagot. Ang problema, hindi ko puwedeng sabihin ang totoo. Hindi dahil ayaw kong magtiwala sa kaniya, kundi dahil hindi pa ako handang harapin ang magiging reaksyon niya kapag nalaman niyang engaged ako sa lalaking lagi kong inaaway.“Family friends ang mga magulang namin,” paliwanag ko. “Matagal na silang magkakilala. Siguro natuwa lang sila sa picture.”“That's not a convincing answer.”“It's the only answer I have.”Matagal niya akong tinitigan bago ibinaba
Chapter 5“Hindi ako pupunta.”Iyon ang una kong sinabi nang ipaalala ni Mama ang family dinner sa Sunday. Nasa harap ako ng salamin, hawak ang dalawang damit na hindi ko mapili.“Belle, napag-usapan na natin ito,” sagot niya. “Mahalaga ang dinner na iyon.”“Ma, family dinner lang naman. Bakit kailangan kong magbihis na parang may royal wedding?” Napangiti siya. “Malay mo.” Napatingin ako sa kaniya. “Ma!”Tumawa siya at inayos ang kuwelyo ng suot kong blouse. “Anak, gusto lang naming maging maayos ang pagsasama ng dalawang pamilya. Alam kong hindi mo pa gusto ang arrangement, pero sana bigyan mo ng pagkakataon ang sarili mong kilalanin si Adrian sa ibang paraan.”“Kilalang-kilala ko na siya, Ma. Mula pagkabata, lagi niya akong inaasar.”“Baka iyon ang paraan niya para makuha ang atensiyon mo.”“Then he should find another hobby.”Natawa si Mama. Wala siyang ideya kung gaano ako kaseryoso.Kinahapunan, dumating ako sa bahay ng mga Montenegro kasama ang mga magulang ko. Sinalubong kami







