Maagang dumating si Lily sa Almeda Corporation. Suot niya ang kaniyang corporate attire, maayos ang pagkakatali ng buhok, at bitbit ang folder ng mga dokumentong kailangan niyang i-turn over bago matapos ang araw.Last day na niya bilang intern.Dapat masaya siya. Ilang buwan niyang pinagsabay ang trabaho at pag-aaral, at ngayon, natapos na niya ang isa sa pinakamahalagang yugto ng kaniyang college life.Pero habang naglalakad siya papunta sa kaniyang workstation, may kakaibang bigat sa dibdib niya.Hindi niya inaasahang mami-miss niya ang lugar na ito.Pati ang mga reports na paulit-ulit niyang chine-check, ang mga meetings na kailangan niyang paghandaan, at maging ang CEO na madalas magpataas ng blood pressure niya sa simpleng pagtawag ng, “Miss Barrameda, my office. Now.”“Good morning, Lily!” bati ng katrabaho niyang si Mara.“Good morning!”“Last day mo na pala. Congratulations! At least, tapos na ang internship mo.”“Thank you. Honestly, hindi ko alam kung matutuwa ako o malulun
最終更新日 : 2026-10-26 続きを読む