“Miss Barrameda, bakit nakatingin ka sa akin na parang may balak kang mag-imbestiga ng krimen?”Napakurap si Lily at agad na bumaling sa computer niya.“Wala po, Sir. Iniisip ko lang kung bakit parang nagbago kayo nitong mga nakaraang araw.”Henry raised an eyebrow.“Anong ibig mong sabihin?”“Dati, kapag lumalapit kayo sa desk ko, automatic akong kinakabahan. Ngayon, kinakabahan pa rin naman ako, pero may konting confusion na.”“Confusion?”“Opo. Hindi ko kasi alam kung papagalitan ninyo ako o bibigyan ng pagkain.”Napailing si Henry.“Trabaho muna, Miss Barrameda.”“Yes, Sir. Work mode activated!”Umalis si Henry, pero nanatiling nakatingin si Lily sa direksiyon niya.May gumugulo talaga sa isip niya.Kagabi, sinabi ni H na hindi siya nito paghihintayin nang habambuhay para makita ang mukha nito. Tapos ngayong umaga, may sinabi si Henry na halos kapareho ng mga linyang ginagamit ni H kapag inaasar siya.Nagkataon lang ba?Posible.Pero para kay Lily, ang mga coincidence ay parang ut
最終更新日 : 2026-10-26 続きを読む